Chapter 28

1.3K 65 5
                                    

Chapter 28 : Twin XD

Sammie POV

Weird.

Anyare kay tita?

Flashback...

Nung makabalik na sila, binigay na sakin ni Easton yung necklace ko. Sinuot ko na ulit ito sa leeg ko.

Lumapit sa akin si tita na nakangiti. Pero bat parang namamaga ang mata niya? Umiyak ba siya? Ano bang pinag usapan nila kanina?

Aish! Bat ba ako sobrang curious sa kanila? Umiling iling nalang ako.

"Uhm Sammie, anong gusto mong meryenda? Cookies? Pancakes? Cake?" Bigla niyang sabi.

"Uhmm, okay lang po ako. Isinama lang po ako ni Easton. No need" nakangiti kong sabi.

"I dont take no as an answer. I'll just give you a drink" sabi niya at umalis na.

Bigla namang lumapit sakin si Easton. May dala siyang-

"Egg pie!!!!" Inabot niya yung isang slice sa alin at kinain ko. Ansarap!

"Paborito mo din pala to? Ayos! Parehas tayo" sabi niya at nilantakan yunh egg pie hahaha.

Dumating na si tita na may dalang juice. Binigay pareho sa amin at ininom.

"Alam niyo, para kayong kambal" agad akong nasamid sa iniinom ko nang sinabi ni tita yan. Agad akong nilapitan ni Easton.

"Okay ka lang?" Tumango tango nalang ako.

Seriously? Kambal? Sa mga nababasa kong libro, ang sinasabi nila ay magkasintahan pero si tita, Kambal?

Anlayo naman ng itsura namin! Tsaka sa pagkakaalam ko, mas matanda siya sa akin ng isang taon.

"Mama naman, bat mo nasabing kambal kami?" Tanong ni easton.

"Kasi naman, pareho kayong kumakain ng egg pie at pareho din kayo ng iniinom. Tapos sabay pa kayong uminom kanina. Tapos nung kakain kayo, hindi manlang kayo sumandal sa sofa. Hay nako, ilang taon ko nang sinabi sayo easton na kapag kumakain ka, sumandal ka kasi kailangan ng good manners habang kumakain. Lalo na't may bisita ka pa. Kaso ganun ka din pala Sammie hahaha" at tumawa na siya.

Porket ba pareho kami ng kilos, kambal na agad?

Osya pagbiyan na natin si tita.

End of Flashback...

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon