Chapter 32

1.3K 57 13
                                    

Chapter 32 : Cynthia

Sammie POV

Nakalipas ng ilang oras, nakalabas na rin ako ng hospital.

Nandito ako ngayon sa Jail. Gusto kong makita si Sapphire. Kasama ko ngayon si Easton.

Nakita ko siya dun na naka indian sit habang namamaypay gamit ang kamay niya. Nang makita niya kami ay agad siyang tumayo.

"Easton! Please parang awa mo na! Palayain niyo na ako! D ko na kaya dito. Ang init init tapos nakakadiri yung mga kasama ko" sabi niya.

"Pagkatapos mong saktan kapatid ko?! Ano ka sineswerte? Magdusa ka dyan" sigaw ni easton.

"D-di ko naman yun s-sinasadya!"

"Meron bang hindi sinasadyang sinakal? Hoy Cynthia! Magpapalusot ka nalang, mali pa! Makaalis na nga" sabi niya at hinatak na ako paalis.

So cynthia pala talaga pangalan niya.

Nang makalabas na kami, hinarap niya ko.

"Oo nga pala. Lilipat ka na sa amin sa ayaw at sa gusto mo" nabigla naman ako sa sinabi niya.

Pinasakay na niya ako sa kotse at umuwi na ng bahay.

***
"Simula ngayon, ELITES na ang group name natin. Kasama na natin si Sammie" sabi ni Easton sa kanilang apat.

"Yayyy!!! Ibig sabihin ba niyan, gangster na din siya-Aww!" Sinapak ni easton si third.

Kinwento sa akin ni lyle na gangsters daw pala sila. Di pa rin ako makapaniwala na gangster pala si louie.

"Baliw! Ayokong mapahamak kapatid ko noh!" Sabi ni easton. Ang sarap pala magkaroon ng kuya. Gusto ko nga siyang tawaging kuya kaso ayaw daw niya kasi daw nagmumukha daw siyang matanda.

"Pano ba yan? Nagbell na oh. Hatid ko na tong si sammie" sabi ni lyle.

"Huwag na noh. Kaya ko naman mag isa. Di ako bata" sabi ko.

"Sige. Hatid mo siya. Pag may nangyaring masama sa kanya, ikaw agad sisisihin ko ha" napalunok nalang si lyle sa sinabi ni easton. Habang yung iba ay natawa nalang.

Umalis na yung apat at natira kaming dalawa ni lyle

"Tara na!" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Nang makarating na kami, papasok na sana ako nang pumasok siya.

"Huy!" Sabi ko. Nababaliw na ba siya?

"Attention!" Sigaw ni lyle. Nagsitahimik naa yung iba at yung iba naman, nagtilian.

"Gusto ko sanang sabihin na huwag na huwag niyong guguluhin yung kapatid ni easton. Kundi, kayo ang masusunod sa listahan namin na gulpihin okay?" Nanlaki naman mata ko sa sinabi niya.

Yung iba nakakunot ang noo.

"Diba antagal nang wala ni sapphire?"

"Balita ko, nakulong daw yun"

"Baka may isa pa siyang kapatid. Baka may transferee ata"

"Quiet! Si sammie yung tinutukoy ko" natahimik silang lahat.

"Ge, Alis na ko. Ingat!" Sabi ni lyle sa akin at umalis na.

Nang umupo na ako, andaming lumapit sakin.

"Sammie! Ako nga pala si Kelly. Pwede mo ba akong tulungang makalapit sa kuya mo?" Sabi ni kelly sa akin.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon