Chapter 11

1.7K 73 8
                                    

Chapter 11 : Lauren's Side

Sammie POV

Nakalipas ng tatlong araw, hindi ako nagtext kay bryan. Ewan ko kung bakit.

Pagod na ako eh.

Nakakapagod na kasing magtext. De joke, napapagod lang talaga ako maghintay. Baka hindi na niya ako balikan.

"Sammie! Nasan ang cookies ko?" Sabi sa akin ni George. Binigay ko na yung limang pirasong cookies sa kanya.

"May problema ka ba?" Tanong niya sa akin. Napansin niya atang malungkot ako. Lutang kasi ako ngayon.

"Madami. Malaki yung sa school. Tulungan mo ko please" sabi ko sabay puppy eyes. Tatalab to.

"Ano bang meron sa school niyo?" Sabi ko sa inyo eh.

"May presentation kasi kami bukas. Kasabay kasi nun yung laro namin sa basketball. Parehong importante sa akin yun. Hindi ko alam kung paanong gagawin ko. Kapag hindi ako umattend sa laro, baka tanggalin nila ako sa club. Kapag naman hindi ako sumulpot sa presentation, baka bumaba grades ko. Parehong grades din ang nakasalalay dito. Anong pipiliin ko?" Tanong ko.

"Ah eh hindi ko din alam eh. Pag nawala ka sa club, bababa din grades mo. Kapag hindi ka umattend ng presentation, bababa din!"

"Inulit mo lang sinabi ko eh. Maikli lang" sabi ko. Hindi naman nakatulong tong si george!

"Alam ko na! Diba sabi mo magkasabay sila? Diba maikli lang naman din yung presentation niyo? Edi humabol ka nalang sa second or third quarter. Hindi naman agad matatapos yung game na yun" napangiti ako at niyakap siya.

"Thank you GG!" Sabi ko.

"Ayo GG-" tinakpan ko na yung bibig niya.

"Aish! Hindi na nga kita tatawaging ganun" sabi ko.

***
"Congratulations Group 4!!!" Yes! Nanalo kami sa presentation. Ako ang leader kaya ako nalang ang lumapit sa prof namin. Kinuha ko yung certificate.

"Sir, pwede na po ba akong lumabas?" Tanong ko. Kanina kasi nagpaalam ako sa kanya na kapag natapos na to, pupunta na akong gym.

"Sige sige. Congrats ulit sa group niyo" nagpasalamat ako sa kanya at dali daling kinuha yung bag ko para makapagpalit na.

Nakarating na ako sa gym at second quarter na. Sino ba kalaban namin?

Nakita ko sina Julia na hingal na hingal. Tinignan ko yung score.

37-48

Hala! Kami yung 38! Anong nangyari? Malakas ata kalaban namin.

"Captain! Mabuti nandito ka na. Hinahanap ka ni Coach!" Sigaw ng isang kamember namin. Lumapit ako sa coach namin.

"Sammie thank goodness! Ikaw pumalit kay Chloe! Napilayan kasi siya eh" sabi niya. Tumango nalang ako at nagstart na ng game.

"Uhmm sino ba kalaban natin?" Tanong ko kay Julia. Tinignan lang niya ako at nagsalita.

"Black Soul University" sabi niya.

Magsisimula palang yung game nang makarinig ako ng bulungan sa kalaban namin.

"Teka, Constantino? Ito ba si Sammie?"

"Baka hindi. Ang panget naman niyan"

"Sabagay. Hindi pumipili ng panget si Prince!"

Pinagsasabi nito? Paano nila ako nakilala? Eh parang mas panget pa sila sa akin eh!

Nang magstart na yung game ay nasa amin yung bola.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon