Chapter 9

1.7K 74 4
                                    

Chapter 9 : Louie and Louie

Louie POV

Sabi na eh. Siya yung nasa libro kanina.

"Bakit? Natatakot ka? Hahahaha kahit anong gawin mo, kami pa rin mananalo" sabi niya.

"Weh? Paano mo naman nasabi? Nagpahula k- aray!" Sabi ko at hinawakan ang batok ko. Binatukan ako ni Kian.

"Hoy, huwag kang magsimula ng away kung ayaw mong mapunta sa ospital" mahinang sabi sa akin ni kian.

"So, sino tong lalaking to? Ngayon ko lang nakita ah! May I know you?" Nilingon ko ulit yung louie na yun.

"Ako lang naman si Louie" sabi ko. Bigla naman siyang natawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Wow! Magkaparehas pa tayo ng pangalan? Pero, magkaparehas din ba tayo ng galing?" Sabi niya at ngumisi.

Aba't nakakakulo ng dugo to ah!

Ngumisi din ako."Edi sagutan natin to sa basketball" sabi ko.

"Uhmm guys, start na tayo. Malapit na rin mag gabi eh" sabi ni Zeus.

***
"Time out!" Sigaw ng referee. Agad akong pumunta sa bleachers at nagpunas ng pawis.

"Paano na yan pres, ang laki ng lamang nila sa atin?" Sabi ni zeus at tinuro yung score.

87-68

"Aish! Pagod na ako" sabi ni kian at uminom ng tubig.

Biglang lumapit sa amin si steven.

"Zeus, pagpasensyahan niyo na si Captain. Hindi ko maawat eh" sabi niya sabay kamot sa ulo. Bigla naman siyang inakbayan ni bryan. Nakakalito eh kaya bryan nalang itatawag ko.

"Bakit ka nagsosorry sa kanila? Wala naman tayong ginawang masama ah!" Sabi niya sabay tingin sa akin.

"Nasagot ko na yung tanong ko. Hindi hahahaha" sabi niya. Nakakainis to ah!

"Hindi niyo na kami mahahabol. Isang minuto nalang oh!!" Dagdag niya.

"Captain, naglaro tayo dito para magsaya" hirit ni steven. Bigla siyang pinalo sa likod.

"Alam ko. Natutuwa nga ako eh" sabi niya. Tinanggal na niya ang pagkaka akbay sa kanya.

"Simula na tayo para matapos na to. Naiinip na ako eh! Tsaka pupuntahan ko pa si Sammie" nang marinig ko pangalan niya, nagsalita si Kian.

"Sa ginagawa mong yan, nagmumukha kang stalker ni sammie. Bat kasi ayaw mo pang magpakita? Takot ka ba? Hahahaha" sabi niya. Kumunot naman ang noo ni bryan.

"Gusto mo bang malaman ang dahilan?" Sabi niya. Naging seryoso ang mga mukha nila.

"Matagal na. Bakit ngayon mo lang sasabihin?" Sabi niya.

"Im doing it because of my little sister" sabi niya.

"Oh? May kapatid ka pala? Bat hindi ko alam?" Sabi ni kian.

Biglang nagpito yung referee kaya nagsimula na kami.

***

Nang matapos ang laro, umuwi na ako. Nanalo sila eh.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko yun.

Fr : Lilie

Louie! Punta ka dito sa SM! Matutuwa ka pag pumunta ka

Napakunot naman noo ko sa sinabi niya.

Psh! Mapuntahan na nga!

Sammie POV

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon