Chapter 10 : " Salt or Sugar? "

Magsimula sa umpisa
                                    

Biglang sumikdo ang puso ko at tila na-excite when she mentioned Gabby's name. Parang nagtumbling ng kung ilang beses yun dahilan kung bakit bigla akong nahirapan huminga. Hindi pa pala ako nakakapag thank you dito sa pagkain na ibinigay nya last week.

Actually, i was waiting for her this morning kaya lang pagkapasok ko ng site office laking dismaya ko ng si Sir Fermin pa lang ang nanduon sa kwarto nila.

Parang gusto ko ng bumaba at makita sya ng malamang nanjan na sya sa opisina. Sa totoo lang kasi, na-miss ko sya buong weekend. Hindi sya nawala sa isip ko at halos hatakin ang oras para dumating ang lunes ng sa ganun eh makita ko na sya. Lalo na at may magandang nangyari sa amin nung isang linggo.

"ano 2 units pa?" tanong ni Cess na ang tinutukoy ay kung kaya pa ba namin mag check ng another 2 units. How i want to tell her na tama na at bumaba na kami pero baka makahalata syang atat akong makabalik sa office kaya wala akong nagawa but to agree on her suggestion.

"sige" sagot ko

"pero pag-tigisahan na natin ito para madali tayong matapos" turo ko sa magkatabing units. Sumang ayon naman sya while handed me a set of checklist. I went inside at naabutan ko ang ilang pintor na naglalagay ng first coating. I was busy on my inspection when i noticed a two pairs of eyes looking at me,  when i turn around to check. napansin ko ang isang worker na nakatingin sa akin ng matiim. Medyo may edad na ito at may kaalakihan ang katawan. Nakakailang sya kung makatitig, yun bang tipong tingin na hinuhubaran ka. Ang manyak ng itsura nito.Sa isiping yun kinilabutan ako pero hindi ipinahalata sa kanya. I just pretend na hindi ko sya napansin at ibinalik na lang ang atensyon sa trabaho.

I was in the middle of my inspection ng masipat ko ang kanto ng kisame na hindi maayos ang pagkaka-masilya. Agad kong tinanong ang ilang worker na nanduon kung sino ang in charge sa kanila para pagbilinan. Sumagot naman ang isa at itinuro ang malaking mama na nagmamasid sa akin kanina pa. Si Mang Lando. Tinawag ko ito at binilinan na ayusin ang ilan sa napansin kong mali sa gawa nila. Mataman naman itong nakikinig na halos hindi na kumurap ng pagkakatingin sa akin. At dahil naiilang sa way ng pagtitig ng Mamang manyakis tinapos ko kaagad ang pag inspection at dagliang pinuntahan si Cess sa kabilang Unit.

Halos patapos na rin ito sa ginagawa,  kaya maya maya lamang bumaba na kami sa opisina.

Nasa bungad pa lang kami nadidinig ko na ang boses ni Gabby. As usual sinesermunan na naman nya ang ilang Engineers.

Tama nga si Cess ng hinala, andito nga sya kaya natataranta na naman ang ilan.

Habang papalapit sa area namin palakas naman ng palakas ang tinig nito. Wala sa sariling napangiti ako, ang weird lang kasi imbes na masindak ako dahil sa walang patumangga nitong paghiyaw at pagmumura parang musika pa rin ang tinig nya para sakin.

The door from their office is open kung kaya naman ng mapadaan ako i got the chance to glance at her. sakto naman dahil pagtitig ko sa kanya syang angat ng tingin nya. Our eyes met which again cause of my irregular heart beating. Bahagya pa syang natigilan sa pagsasalita ng magtama ang mga mata namin pero saglit lang yun dahil umiwas na sya ng tingin.

"As i was saying" nadinig kong sabi nya.

"ano na naman ba ang problema at hindi kayo sumunod sa napag usapan natin?" medyo pagalit na tanong nito

" it was agreed by both parties na mag rerender kayo ng overtime including Sundays hindi ba?" dugtong nito sa papataas na tono.

"yes ma'am" sagot ng kausap na halatang kabado  dahil nabulol pa ito ng magsalita.

"then bakit nung bumisita ako dito kahapon walang nag-overtime sa grupo nyo!?" sita ni Gabby.

Habang nag-aalis ng vest at helmet hindi ko naiwasang hindi tumingin sa kanya.Napaka workaholic naman talaga, imbes na ipahinga na lang ang nagiisang rest day namin pumunta pa talaga sya dito?

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon