Chapter 10 : " Salt or Sugar? "

Start from the beginning
                                    

"Hala! How come hindi namin nalaman ito kaagad?" tanong ni Lian na bumaling sa akin.

May nahimigan akong pagtatampo sa tinig nya kaya naman agad akong nagpaliwanag dito at sinabing wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila dahil nahihiya ako sa nangyari. Inamin ko rin na kay Santi ko lang talaga nai-open up dahil alam kong maiintindihan nya ko.

"we understand naman...... anu ka ba Louise magkakaibigan tayo noh" sabi ni Akie sabay hawak sa kamay ko bilang pagsimpatya.

"salamat" i said. Then i glance at Lian na ng mga sandaling yun ay tahimik lang na nakatingin sa akin.

"Lian?" tawag ko sa kaharap na waring hinihingi ang reaction nya. Bumuntong hiniga muna ito bago naupo sa tapat ko at nagsalita.

"tama si Akie. Magkakaibigan tayo, kaya naiintindihan ka namin pero...

....that doesn't mean na sang-ayon ako sa nararamdaman mo, dahil sa mata ng diyos at ng mga tao mali pa rin yan... but again... andito kami para makinig sayo.. okay?" paliwanag nya. Yumakap ako dito at nagpasalamat.

Para akong nabunutan ng tinik sa mga sinabi nya. Alam ko naman na maiintindihan nila ako pero ang marinig na pakikinggan nila ako ay malaking bagay. Aba! Ang hirap ng kalagayan ko noh. Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob dahil sa kumplikadong status ko.buti na lang ngayon nasabi ko na sa kanila.

Nang magbitiw kami nagdemand sila ng details sa kwento. Inamin ko na kasalukuyan kong Boss si Gabby na ikinagulat na naman nila.nagkwento na rin ako mula sa simula kung paano ako na-inlove hanggang sa pinaka latest na away namin at panunuyo nito.

In between my confessions hindi maiwasang magbigay sila ng mga komento specially they have different point of views. Si Santi na halatang boto kay Gabby. Si Lian na obviously is against sa nangyayari at si Akie na naka-neutralized lang.

"baka naman infatuation lang yan girl?? Tsaka, hello! Wala kang history na nagkagusto ka sa same sex before." giit ni Akie

"duh!! Infatuation is a small form of love anu ka ba!" singit ni Santi.

"honestly" sambot ko kasunod ng buntong hininga bago muling nagsalita.

"i really don't know kung anong tawag dito sa nararamdaman ko. Basta ang alam ko mas intense itong feelings na ito compare sa mga naging boyfriends ko" Paliwanag ko sa kanila. I didn't hear any complain or comment from them pero nakita ko sa kanila ang pakikisimpatya.

Natapos ang maghapon na yun  na puro tungkol sa akin lang ang napag-usapan at ng kumagat ang dilim kanya kanya na kaming uwian. But before that, they reminded me to keep in touch daw at wag' maghe-hesitate na maglabas ng sama ng loob kung kinakailangan.

********

"all operation engineers 10-25 at PM's office now! over."

(10-25 : meeting / eyeball)

"Darwin, Darwin,... Darwin please come in! pakidaanan si Rene sa opisina nila."

"roger that Sir!"

"Anong meron at may emergency meeting sila?" tanong ko kay Cess habang nag-iikot kami sa 3rd floor.

Kasalukuyan kaming nag-iinspect ng mga units sa floor na yun and double checking the quality of works ng panay ang ingay na nadinig namin sa kanya-kanyang radio unit.

"ewan, baka anjan na naman si MGS..... yun lang naman ang dahilan kung bakit natataranta ang mga yan eh" sagot ni Cess not looking in my direction  while scanning the checklist na hawak hawak nya.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now