Chapter 28 : Space-out - Avoid

Start from the beginning
                                    

"Oh sige na! Lumayas ka na! Ay teka! Sabihin mo nga pala dyan sa MJ na yan, pakilala niya ako sa kaklase niyang nakaupo sa likod niya. Ang hot kasi eh!" nakangiti niyang sabi.

"Gago! May boyfriend na yun!" sabi ko sa kanya.

"Ano naman? Kasal na ba sila?" mayabang niyang tanong.

"Hindi pa. Pero may anak na yun! Dalawa pa!" sagot ko tapos natawa ako ng malakas kasi halos sumayad na yung panga niya sa lupa! Hahaha.

"Lul!" sabi niya.

"Seryoso ako, timang! Nakita ko pa yung isa dun nung magpunta ako sa room nila." sabi ko pa.

"Tama na! Wrong move, p're!" sabi niya tapos ay napapitik pa siya. Hahaha.

"Sige na, alis na ako!" sabi ko sa kanila.

"Sige, makipagkita ka na sa boyfriend mo!" sagot ni Jason at tinapik naman ako ni Jomar sa balikat. Si Karl, ayun, nakatayo lang at ang layo ng tingin.

Bahala ka dyan, tuod!

*END OF FLASHBACK*

"Ayos lang ako. Iniisip ko lang yung Finals. Magiging busy na kasi tayo." sagot ko kay MJ. Malapit na rin kasi kaming mag-Finals, tapos, woohoo, 2nd sem na!

At ngayon, after 1 week ay nag-aya na ulit si Jason.

Mapilit talaga siyang maturuan ako nung DoTA eh, kaya sabi ko sasama ako sa kanila kung papayag silang isama ko si MJ.

Pumayag naman sila at nag-offer na tuturuan din si MJ ng DoTA. Dito na din kami sa mall maglalaro, dito kasi kami nagpunta ni MJ. May ipapakilala daw kasi siya sa akin na mga tao.

Maya-maya ay may umupo sa harap ko, katabi ko kasi si MJ.

"J! Si Allen 'to diba?" nakangiting tanong ng isang lalaki.

"Oo, tama ako ng pinili diba?" tanong naman ni MJ na halatang ipinagmamalaki ako.

"Aba, malay ko. Never ko pa naman siyang nakasama eh." sagot naman nung lalaki. Wow, medyo industrial fan ka dyan ha?

Maya-maya lang ay may nagsilapitan pang mga tao sa amin. Pulos mga ka-course namin ang nandito. Pati nga si Diegz kasama eh.

"Allen, I want you to meet them. Kilala mo naman na yung iba sa kanila, right?" sabi ni MJ. Shit! Parang nakaramdam ako ng hiya ah?

Tumango lang ako ng marahan at ngumiti.

"Oh, ang cute naman niya! MJ, pwede ko siya ipakahon tapos papa-ship ko sa bahay?" pagbibiro ng isang babae.

Nagtawanan naman ang lahat bukod sa akin.

"Basta kasama na natin siya palagi kapag may mga ganito tayo." sabi pa ni MJ.

"Talaga!?" amused na amused na tanong ng isa pang babae.

"Oo, buti nga pumayag na siya eh. Ang hirap niyang pilitin ha? Iniwasan niya pa ako ng isang linggo bago siya sumagot." yes MJ! Ikwento mo pa yan! Nakakahiya!

Nagtawanan sila ng nagtawanan. Hanggang sa ako na ang ipinakilala ni MJ formally.

"Well, guys, this is Allen Estanislao. My soon-to-be --" natigilan si MJ sa pagsasalita dahil nagsitilian yung ibang babaeng kasama namin.

Paglingon ko ay nasa likod ko na yung tatlong ugok! Ay, susme! Akala ko naman kung sinong artista na ang dumating! Ang babaw niyo mga miss!

KARL VINCENT'S POV

" ... My soon-to-be ..." soon-to-be ano? Pa-epal kasi 'tong si Jason eh, nginitian pa yung mga babae! Nandun na eh! Aamin na sila eh! Tch!

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now