Chapter 54 - Mark my Word

Start from the beginning
                                    

"Why did you follow me? Nagpapakamatay ka ba?" kalmado niyang wika.

"Why are you watching me? Bakit ka pumunta dito? Inutusan ka ba nila na manmanan ako?" ibinalik ko sa kanya ang tanong. Basang-basa na kaming dalawa dahil patuloy ang pag-ulan pero hindi na namin iyon inalintana. We're talking, and I can't just stop this. Gusto kong malaman ang side niya.

"I'm not watching you. Hindi ikaw ang ipinunta ko rito." Nag-iwas siya ng tingin na agad kong ikinagulat. Sa tagal ng titigan naming dalawa ay ngayon lang siya nag-iwas. At tila ngayon lang rin siya kumurap!

Is this really the evil Yuan?

Lumapad ang ngiti ko na hindi ko alam kung bakit. Nangingiti ako for a goodness knows what!

"What?" He asks baffled, naguguluhan sa pagngiti ko. Ang cute cute niya sa reaksyon niya! "Kung ipinunta man kita rito, iyon ay para patayin ka at wala ng ibang dahi-." Natigil siya sa kanyang palusot nang yakapin ko siya. Hindi ko mapigilan.

 Hindi ko mapigilan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Namiss kita, Yuan. Sobrang namiss kita." Bumilis ang paghinga niya dahil sa pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Ilang saglit lang ay bahagya niya akong itinulak.

"Layuan mo ako, umalis ka na habang may oras ka pa." Umatras siya. Nakakunot ang kanyang noo na bakas ang namumuong galit sa ekspresyon. "Hindi ako si Yuan. Ako si Stefan, iyong pinagtaksilan mo. Hindi mo ba naisip na ikaw ang mas masama sa ating dalawa? Pumapatay lang ako ayon sa utos, pero ikaw? Walang nag-utos sa'yo. Kusa mong ginawa. Intensyon mo." Unti-unti siyang humahakbang at ako ngayon ang umaatras. Unti-unti niya ring ibinubuhos sa akin ang bubog ng pangongonsensya. Namumuo ang pilit kong iniindang luha.

"Wala kang awa. Wala kang pagpapahalaga sa pagmamahal. Sarili mo lang ang iniisip mo. Ikaw ang masama." Patuloy siya sa kanyang pagsusumbat sa akin pero hindi ko magawang sumagot at depensahan ang sarili. Nakukumbinsi akong tama ang lahat ng sinasabi niya sa akin. Masama nga ba ako? Ganoon na nga ba ako kasama?

"No, Yuan... Please..." pagsamo ko sa kanya pero hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Bumabaon ang kanyang kuko sa aking balat dala ng gigil na nararamdaman. Sa loob ng ilang araw na hindi ako umiyak at nalungkot, si Yuan lang pala ang makakapagpatulong muli ng mga luha ko.

No, hindi ako masama. I'm not evil. Sa nakaraang buhay namin, I only chose the one I love. I don't intend to hurt anyone, especially him!

"Wala kang pakialam sa akin. Puro si Lyndon! Laging si Lyndon! Lintik na Lyndon! Oh ano? Nasaan ngayon ang lalaking pinili mo? Nandoon! Nandoon sa kandungan ng iba!" Sinisigawan na niya ako pero buong loob kong tinanggap ang mga mapanakit niyang salita. Lalo pa akong nanginig sa huli niyang sinabi.

"Hindi totoo 'yan, Yuan... Pakiusap, tama na. Galit ka lang! " Halos pabulong ko nang sabi.

"Bakit, Crystal? Noong nakiusap ba ako, noong lumuhod ako sa'yo na huwag mo akong takbuhan sa kasal natin, noong nagsumamo ako sa'yo, naawa ka ba? Hindi. Kaya huwag na huwag kang makikiusap dahil matagal ko nang kinalimutan ang salitang 'yan." Dinuro niya ako at kulang na lang talaga ay ibaon niya ang daliri sa aking noo.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now