Chapter 19: Antipolo

Start from the beginning
                                    

Hindi kumukurap na hinintay niya lang ang reply ngdalaga.

Sana pwede siya. Shit. Magreply ka please! Hindi mapakaling sambit nito sa isip.

 

From Louie:

I'm available around three in the afternoon.

Am I required to bring you a gift? Kasi wala akong pera. :)

“Yuhooo! Yes! Yes! Yes!”

Malapad ang ngiting nagreply siya sa dalaga.

To Louie:

That's awesome! No. Hindi na kailangan.

Where will I pick you up?

From Louie:

Mabuti naman.

Sa Uste na lang.

To Louie:

Okay. See you then. :)

Hindi na ito nakareply. Pero ipinagwalang bahala na lamang iyon ni Hiro. Ang importante ay magkikita silang dalawa ni Louie. Silang dalawa. At birthday pa niya. Wala na siyang mahihiling pa.

Ito na yata ang pinakamasayang birthday sa buong buhay niya.

Nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.

***

Buong linggong aligaga si Hiro.

Muntik na siyang ma-badtrip ng bigla siyang padalhan ng Daddy niya ng sangkaterbang bodyguards. Laging nakasunod ang dalawang sasakyan saan man siya magpunta. Bilang kapalit naman ng mga bodyguards na iyon, maaari na siyang magdrive ng sasakyan niya.

Kailangan daw niya ng bodyguards ayon sa ama niya dahil mas kinakabahan ito sa kanyang kapakanan. Buong buhay nila ay lagi namang may death threats ang kanyang ama at wala pa namang nangyaring masama sa kanila kaya hindi na nababahala si Hiro sa kaalamang iyon.

Biyernes pa lamang ay umuwi na siya sa kanilang mansyon. Ayaw niya kasing mapuyat kinabukasan sa pagkikita nila ni Louie.

Nang magising siya bandang alas dose ng tanghali ay may malaking box na nakabalot sa gift wrapper sa paanan ng kama niya. It’s an electric guitar from his mother Adeline with a note saying Happy 15th Birthday. He texted her mom para magpasalamat. Alam niyang kasalukuyan ng nasa byahe para sa out of town trip ang mga magulang. Masigla na lamang niyang ginawa ang exercise routine niya at gumayak na.

Umalis siya ng bahay nila ng mga alas dos ng hapon. Ayaw niyang ma-late sa pagkikita nila ng dalaga. Nang makarating siya sa Uste ay nagulat pa siya ng mamataan itong nakatayo sa labas ng gate.

Kanina pa kaya ito?

Dali-dali siyang bumaba sa sasakyan at naglakad palapit dito.

NYORKWhere stories live. Discover now