24

1K 18 0
                                    

Last Lycanthrope

Sa ilalim ng kanyang sweater ay ang nakasando niyang katawan na may itinatago palang nakaririmarim at nakapanghihilakbot na anyo, sa ilalim ng kanyang kulay abong mata ay ang mga matang tunay palang pumapatay ng madugo.

"Patayin mo ako." Hiling niyang nagpabato nang tuluyan sa akin. Hindi ako nakagalaw, nakatitig lang ako sa mabalbong katawan niya at mukha niyang nagsisimula na ring tubuan ng mga buhok, ngunit ang tingin ko ay laging napapako sa ngayong kulay dugo niyang mata. Ni hindi ko magawang iangat at itapat sa kanya ang baril na inihagis niya sa akin at ni hindi na rin ako makahinga ng maayos.

"Huwag!" Tutol ni Achea at saka hinarangan ang kanyang ate. Kaya ba ipinipilit ni Achea na siya ang werewolf? Para mapagtakpan kung sino ang tunay? At ang ibig niya bang sabihin kanina ay ang paghihiganti ng huling taong-lobo sa mga taong umubos sa kanilang lahi?

Shit! Bakit ngayon lang ito nag-sink in sa nangangalawang ko ng utak?

"Kayo dapat ang patayin! Mga walang pusong taong mas halimaw pa kay ate at sa mga magulang namin! Kayo na binulabog ang nanahimik naming buhay!" Iyon ang pakay nila, ang maghiganti sa aming mga tao? Ang pakay talaga ng assassin na ito kaya ba tuwang-tuwa siya sa pagpatay ng mga tao? Sa buong buhay niyang nasa organisasyon namin? Para mapagtakpan kung ano talaga siya?

Hindi pa rin ako makagalaw, yelo, bato, iyan ako sa mga oras na ito. Hindi ko lubos maisip na ang taong kasa-kasama kong maghanap ng lycanthrope ay siya palang hinahanap namin.

"Achea! Tama na!" Itinulak ni Sophia ang kanyang kapatid dahilan para ito ay matumba, nagdugo pa ang braso nito dahil sa kalmot ng mga matutulis na kuko ni Sophia.

"Ate? Anong nangyayari sa iyo?" Tinitigan niya ang kanyang kapatid ng may lalong nanlilisik na mata, kapansin-pansin na rin ang pangil na lumalabas sa kanyang bibig. Mag-hahatinggabi na, malapit na ang pagkamit niya sa absolute form.

Pero mukhang, ayaw niya itong matuloy.

Ibinaling muli sa akin ni Sophia ang kanyang pulang mata, dito ako nakapagsalita.

"I-ikaw ang werewolf?" Utal-utal kong sambit, na hindi pa rin makapaniwalang ang tulad ko'y nalinlang.

Sa lakas pa lang niya, sa bilis, sa pananamit, sa pagpatay, sa pagtago ng pagkatao, sa pentagram niyang tattoo na siya lang ang natatanging meron sa assassins department, sa pagligtas niya kay Achea mula sa pinakatuktok ng building, sa pagkarindi niya sa malalakas na tunog, sa galaw, sa itsura, bakit hindi man lang napansin ng Greatest Detective Agent? Papaanong nalinlang ako e halos kasama ko na ang taong-lobo araw-araw?

"Huh! Greatest Detective Agent ka ba talaga? O sadyang tanga ka lang?" Oo, baka nga napakatanga ko talaga. Napakatanga ko, shit lang! Naturingan akong ganoon tapos ano? Nasa tabi ko lang pala ang werewolf tapos naging bulag ako?

"P-pero ang sabi mo kasi... si Galleo.." hindi pa rin makakuha ng lakas upang gumalaw at dumiretso ang dila ko. Gulat pa rin ako, gulat na gulat. Isama mo na rin ang pagkapahiya.

Natutuya niyang sinagot ang tanong ko, "S-in-et up namin siya, simula pa lang hanggang ngayon na ang dugo ko ang ipinasa ko at hindi sa kanya para siya ang masakdal, Ok? Para nang sa ganoon ay mamatay siya at aakalaing patay na ang werewolf, tapos malaya ko ng makakamit ang absolute form ko at makapaghihiganti sa inyong mga tao!" Saglit siyang napatigil at muli na namang napaluha, nakita ko 'yun kahit na ba may balahibo nang tumubo sa kanyang pisngi.

"Subalit hindi ko naman akalaing dadating sa puntong 'to, na mapapamahal ako ng sobra kay Galleo at nagsisisi akong s-in-et up pa siya at pinatay ang kapatid niya. Sising-sisi ako Clark!" Napaluhod siya, dahil siguro sa sobra talaga ang kanyang pagsisisi. "Mabait si Galleo, minahal niya ako kahit na ba hindi ako naging tapat sa kanya, nang malaman niyang assassin ako minahal pa rin niya ako, hindi siya nanghinayang o nandiri man lang, nang pinatay ko ang kapatid niya ipinagsigawan niya pa rin na mahal niya ako. Mahal ko rin naman siya e, sobra rin. Pero kinailangan kong gawin ito, dahil ito ang tungkulin ko bilang huling lycanthrope. At kahit pinili ko ang tungkulin ko kaysa sa kanya ay minahal pa rin niya ako. Alam ko, naging makasarili ako, at pinagsisisihan ko lahat ng 'yon." Pati ang kapatid niya ay nagsimulang lumuha, habang ito ako. Tuliro pa rin sa mga pangyayari.

Hindi si Achea, ni si Galleo ang werewolf kundi si Sophia. Ang saya lang isipin na ang partner ko pala ay isang werewolf? Ni kailan hindi ito sumagi sa aking isip.

Tapos ngayon, totoong nagmamahalan ang isang tao at isang halimaw, napakaimposible pero totoo. Nagsakripisyo ang isa para sa isa, ngayon nagsisisi 'yung isa at handang ibalik ang sakripisyong ibinigay sa kanya? Tingnan mo nga naman ang pagmamahal. Nakakabaliw. Walang pinipili.

"Kaya Clark, please. Nagsusumamo ako sa iyo." Tumingin muli siya sa akin nang may mga nagmamakaawang mata, "Palayain mo si Galleo, at patayin mo na ako bago pa mag-hatinggabi."

Napalunok ako ng laway, hindi ko alam ang gagawin. Nananatiling bato. "Ate huwag!" tutol ni Achea, "Pabayaan mo ako Achea!" Hiyaw ni Sophia, natigilan ngunit lumuluha pa rin ang kanyang kapatid.

"Dapat lang akong mamatay, handa akong magsakripisyo para sa taong mahal ko, para kay Galleo. At ito ang misyon ni Clark, para makapaghiganti na rin siya sa pumatay sa mga magulang niya. Hindi ba Clark? Kaya, tapusin mo na ang buhay ng huling taong-lobo na ito. Hindi na ako dapat mabuhay pa. Patayin mo na ako!" Marahan siyang pumikit, hindi na nakatutol pang muli si Achea.

Nag-iisip ako nang magandang dahilan para iputok itong baril sa kanya. Alam niyang hindi ko magagawa, alam niyang hindi ko kayang pumatay kahit na ba kailangan.

Pero nag-iisip pa rin ako ng dahilan para makumbinsi ko ang sarili kong patayin ang mamatay-taong werewolf na ito. Pinatay ng lahi niya ang mga magulang ko, ihihiganti ko sila. Pati na rin ang inosenteng si Alya, at si Galleo na maling minahal ang taong-lobo na ito, para rin mailigtas ang sangkatauhan sa panganib niyang dala at dahil sa halimaw siya!

Lahat ng mga 'yan ang rason, rason na dapat na talagang mabura ang existence niya. Rason para itutok ko na sa kanya ang baril na hawak ko. Subalit...

"Hindi ko talaga kaya." Sabay nang paglaglag ko sa sahig ng baril na hawak ay may baril na ilang ulit pumutok sa hindi kalayuan diretso sa nakaluhod na taong-lobo. Nanlaki ang mga mata namin ni Achea nang masaksihan ito.

Bumulagta ang kanyang ate, at sinabayan na ng agos ng dugo ni Sophia ang agos ng kanyang mga walang humpay na luha, hindi pa siya nakakapikit at mukhang may hininga pa dahil sinubukan pa niyang magsalita bago malagutan ng hininga.

"Pakisabi... kay Galleo. Mahal... na mahal ko.. siya." At iyon na ang huling mga salita ng huling lycanthrope na nabuhay sa mundo.

Lumapit naman sa kinaruruonan namin ang taong pumatay kay Sophia, at iyon ay walang iba kundi ang boss naming nakangisi pa ngayon.

"Good job Mr. Clark Eballa. Sakto lang sa oras, 11:55 pm. Not bad." Puri pa niya at saka siya na ang nagpikit sa ngayong abo ng mata ni Sophia.

"Pinalaya ko na si Galleo, nasaksihan niya itong lahat." Tapos itinuro niya si Galleo na nasa ilalim ng isang puno at tila hindi makalapit sa kinaruruonan namin. "Merry Christmas na rin pala."

Dito na bumigay ang buong katawan ko, good job? Sa akin? Merry Christmas? E ni wala nga akong nagawa at siya ang tumapos.
Siguro ito na ang huling good job na matatanggap ko sa baliw kong boss. Gusto ko nang magpahinga.

Napasalampak ako sa lupa at saka napabuntong-hininga. Sisiguraduhin kong, ito na ang pinakahuling misyon na aking natapos.

"Magreretiro na ako."

:;END:;

The Last LycanthropeWhere stories live. Discover now