4

658 18 1
                                    

The Evidences

Ilang segundo akong nakatitig sa nanlilisik na kulay asul na mata ni Achea dahil hindi ko akalaing napansin niya pala akong nakasunod sa kanya, e ni hindi naman niya ako nililingon.

Pero dahil isa akong magaling na detective agent ay nakaisip ako ng palusot. "Hihingi lang sana ako ng auto--" natigil ang aking sasabihin nang biglang may sinenyas si Achea na kung ano sa kamay niya at sabay nito ang paglabas ng matatangkad na body guards sa likod ni Achea. Isa-isa nila akong nilapitan nang may mga matatalim na tingin. Nang nasa harapan ko na sila ay naharangan ng kanilang malalaking katawan si Achea.

"Layuan mo si Ms. Achea." Untag nu'ng isa at tinulak naman ako nu'ng isa pa, pero kahit gaano kalakas ang tulak niyang iyon ay hindi naman ako napatumba, napaatras lamang ako ng bahagya.

Pinili ko pa rin humingi ng paumanhin, "Pasensya na ho kayo, hinahangaan ko po kasi si Ms. Achea at gusto ko lang sanang humingi ng autograph." At kailangan kong mapalapit sa kanya dahil isa siya sa mga suspects, ngunit hindi ko iyon sinabi.

"Kung mamarapatin niyo ho sana."

"Hindi!" Isang madiin na tanggi ang natanggap ko, "Hindi mo kami maloloko." Sa guwapo kong ito mukha ba akong manloloko? Pero bago pa ako maka-depensa ay nakatanggap ako ng isang malakas na suntok mula sa kanila. Ito na ang nagpatumba sa akin dahilan rin para pumutok ang labi ko.

Napahawak ako sa panga ko, hindi naman siya ganoon ka-sakit. Ayoko munang mapalaban ngayon dahil kailangan kong makuha ang loob ni Achea. Dinilaan ko ang dugo sa labi ko bago tumayo. Ngunit nang pagtayo ko ay ito ang eksenang nakita ko.

Nakapatong ang paa ni Sophia sa dalawang body guards na ngayo'y magkapatong na nakahilata sa daan. Nanlaki ang mga mata ko. Ilang segundo lang akong natumba ay na andito na si Sophia at pinatay na ang mga body guards?

Kung ano ang laki ng mata ko ay ganoon din ang laki ng kay Achea nang masaksihan ito.

"Ang lalambot pala ng mga detective agents." Hindi na ba talaga siya titigil sa pang-iinsulto? Dinadaan ko kasi sa maayos na usapan at hindi sa dahas!

"Hindi a!" Sigaw ko, "At saka? Bakit mo sila pinatay?" Dahil sa galit ko ay nahila ko siya sa braso niya papalapit sa akin. Ngunit ngumisi lang ulit siya.

"Pinatay? Pinatulog ko lang sila. Hindi ba Achea?" At tinanong niya pa si Achea na paniguradong nasaksihan nga lahat ng karumal-dumal na nangyari. Nauumid at nanatili lamang siyang gulat sa mga pangyayari.

"Tingnan mo, natakot mo tuloy si Achea." Sisi ko, padalos-dalos kasi siya. "Kalma ka lang Clark, masiyado kang seryoso e." Pagkasabi niya nito ay nilapitan niya si Achea, muli ay hinawakan na naman niya ang suspect namin sa braso at doon ibinaon ang micro chip detector. Ngunit hindi tulad ng kanina ay walang pag-uusap na nangyari sa pagitan nila, nagtitigan lang sila, na para bang mga mata nila ang nangungusap sa isa't isa.

Weirdo. Iyan lang ang masasabi ko. Siguro ay insecure lang itong si Sophia kay Achea dahil mas maganda, mas bata, at artista pa ito. Samantalang siya ay isang mamamatay tao. Kaya siguro gusto niyang iwasan si Achea dahil ayaw niyang lumapit sa mga babaeng mas angat sa kanya.

Iyan ang konklusyon ko.

Nasabi kong mas maganda si Achea kay Sophia dahil mahaba ang buhok nito, maputi rin ang kutis, pulang-pula ang labi, maganda ang katawan, at kulay asul pa ang kanyang mga mata. Halos mukha na siyang nabubuhay na manika. Halos perpekto, kaya nga siya naging artista. Samantalang si Sophia nama'y napaka-plain at isang assassin.

Kaya nga minsa'y may pagdududa rin ako na ang isang artistang tulad niya ay posibleng isa palang nagbabalat-kayong werewolf.

Ilang minuto rin ang tahimik na pag-uusap nilang iyon nang magsalita si Achea.

"Sumama kayo sa akin, uuwi na ako sa bahay ko galing sa malapit na coffee shop dahil may party na gaganapin doon at iniimbita ko kayo." Sabi nito sabay tingin sa aming dalawa, nagtaka ako pero napatango si Sophia kaya tumango na rin ako.

Sinenyasan kami ni Achea na sundan siya at sumunod naman kami. Nasa likod kami ni Achea kaya nagkaroon ako ng tiyansang tanungin si Sophia.

"Anong ginawa mo, at biglang naging ganyan si Achea?" Kanina kasi'y para talaga isang kontrabida si Achea na madalas na role niya sa mga pelikula at doon nga siya nakilala. Totoong mataray nga siya kahit na ganoon siya kaganda, pero heto't biglang umamo nang dahil lang sa titigan na nangyari sa kanila? At bakit parang napakadali lang sa isang assassin na tulad niya ang lahat?

"Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ayan na ang opportunity natin para ma-imbestigahan siya. Ayaw mo ba?" May punto siya pero hindi ko lang talaga maintindihan kung paano niya napaamo si Achea? Ni wala akong narinig na paguusap sa kanila. Liban na lang kung hypnotism ang ginamit ng assassin na ito.

Ay bahala na, basta't ito na nga ang oportunidad para makapag-imbestiga.

Ilang distansya pa ang nilakad namin at palubog na ang araw nang makarating kami sa isang mansion na kulay puti na sobrang lawak ay tanaw mo na ito sa medyo mataas na pader at gate na nakaharang doon. Labas pa lang ay halata na nga naman ang yaman ng artistang ito.

Pagkapasok namin sa courtyard mula sa gate ay dumiretso na kami sa pintuan ng bahay ni Achea, nadaanan pa namin ang magandang grassfield nila. May mga nagsisidatingan na ring mga bisita na karamihan ay mga sikat ring artista at mayroon ring panibagong mga body guards ang nakabantay, pero sa pagkakataong ito ay hindi kami pinansin sapagkat kasama namin si Achea at marahil akala nila'y kaibigan kami nito.

Nakapasok na kami sa great hall at mas lalong naging engrande sa loob kaysa sa labas. Isang napakalawak na espasyo na punong-puno na ng mga taong bisita niya. Sa itaas ay isang napakalaki at kumikinang na kulay asul na chandelier ang nagsisilbing ilaw sa loob, mayroon ring grand staircase na kulay asul din na kumukunekta sa ikauna at ikalawang palapag. Kahit saan ka tumingi'y kulay asul, mga upuan, lamesa, muwebles, bulaklak, sahig at marami pang iba. Napansin ko ring lahat ng bisita ni Achea ay mga naka-pormal na damit. Tuxedo, gowns o dresses, tamang-tama lang pala't tuxedo ang suot ko ngayon. Napatingin ako kay Sophia na alam kong nangingibabaw ngayon dahil siya lang ang naiiba ang damit.

"Ano?" Inis niyang tanong, sa pagkakataong ito ay ako naman ang napangisi. Putlang-putla kasi siya ngayon sa hiya dahil siya lang ang naiiba. Pero binawi ko na din agad ang pag-ngisi ko bago pa niya ito makita.

"Ate Sophia, halika't doon tayo sa walk-in-closet ko at papahiramin kita ng gown ko." Napansin iyon ni Achea na kasalukuyang tanggal na ngayon ang kanyang cap at mas lalong lumutang ang kanyang kagandahan at nakalaylay na ang kanyang bangs na sumasayad hanggang sa kilay niya. Pati rin pala si Achea ay hindi pa nakabihis.

At saka isa pa, paanong nakilala ni Achea si Sophia e ni hindi naman ito nagpakilala?

Binelatan lang ako ni Sophia nang sumunod na siya kay Achea. Hindi ko na lang ito pinansin at nagliwaliw na lang ako sa loob ng mansion. Baka sakaling makakita ako ng clue.

Nagmasid-masid ako hanggang sa may isang silid akong napansin na para bang ni kahit sino ay walang naglalakas-loob pumasok. Mas lalo akong naghinala nang mapansin kong maraming mga nakabantay roon. Ngunit nakagawa ako ng paraan upang makapasok.

"Mga mister, paumanhin pero kailangan ko po kayong abalahin. May namataan po kasing estrangherong may masamang pakay sa kasiyahan na ito sa labas at kailangan po ng inyong tulong." Kaduda-duda man ang aking sinabi ay nagsipag-kagatan naman sila sa aking patibong kaya nakapasok ako sa silid na iyon nang wala ni isa mang nakahalata.

At pag pasok ko nga roon ay tumpak ang aking hinila.

Heto na't nakalatag sa aking harapan ang mga maaring maging ebidensiya.

:;:;

The Last LycanthropeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon