9

453 16 0
                                    

Kilalanin Pa Natin

"Ito?" Tanong niya sabay turo sa likod ng kaliwang kamay niya. Pagkagising na pagkagising niya pa lang ay tinanong ko na agad itong tanong na kagabi pa bumabagabag sa akin.

"Oo, ano 'yang peklat mo na korteng pentagram din?" Mahabang oras ng titigan ang ginawa ko kagabi bago ko nalaman kung ano ang kahawig ng peklat niya, isa rin sa dahilan kung bakit hindi ako nakatulog. Sa unang tingin kasi ay hindi ito mukhang pentagram, pero kapag tinitigan mo na, hayun! Mukha na talaga siyang pentagram.

Nagsuklay muna siya ng buhok niya gamit ang kanyang mga kamay at kinusot ang kanyang matang bagong mulat lang, bago siya nagpaliwanag ng nakangiti. "Gaya nga ng sabi mo kagabi, isa itong sign of evil."

"Isa kang evil? O werewolf?"

"No, I'm not. Pero isa akong assassin. Hindi ba?" Oo nga pala, napatango ako. "Lahat kami sa assassins department may ganitong mark. Not that nakipagsundo kami sa devils ha?" Tumayo siya at hinawi ang kurtina sa may bintana, maaliwalas na ngayon ang langit dahil asul na asul ito at kita mo na si haring araw.

"We also use this as our sign. We kill, and thats our job." At napaharap muli siya sa akin, nakumbinsi na naman niya ako sa paliwanag niya. Lagi namang ganoon. May isa pa nga lang tanong na gusto kong masagot niya.

Pero bago iyon ay nagpalit muna kami ng damit na suot namin kahapon na natuyo na. Nauna ako sa banyo. Habang nagdadamit ay napansin ko sa bulsa ng suit ko ang librong nanakaw ko kay Achea, mabasa nga ito mamaya. Pagkalabas ko ay sumunod na si Sophia, at nang matapos siya ay kaagad ko siyang tinanong.

"Bakit ka naging assassin?" Natigil siya at medyo namutla, hindi na rin siya makatingin ng diretso sa akin. "Anong oras na? Tanghali na pala. Kailangan na nating umuwi muna para makapaghanda sa isa na namang araw ng pag-iimbestiga hindi ba?" Mauuna sana siyang lumabas sa pintuan nang maharangan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa dalawang braso niya. Iniiwasan niya ba ang tanong ko? At bakit naman? Napatalon na ba ako sa bakod? Ganito naman talaga kasi kaming mga detective.

"Bakit, Sophia? Sabihin mo. Ginusto mo o kinailangan mo?" at napangisi na naman siya ngunit ang kaibahan ngayon ay hindi siya makatingin sa akin. "Ginusto ko s'yempre, masaya kayang pumatay." Bigla na lang akong napabitaw sa braso niya nang marinig ko ang sagot niya. Talaga bang hindi siya nakipagkasundo sa demonyo?

Katahimikan lang ang namagitan sa amin nang basagin ito nang biglang pagbukas ng pinto at iniluwa si Alya.

"Gising na pala kayo, halina't naghanda kami ni kuya ng inyong almusal." Yaya niya nang nakangiti, napatango naman ako. Gutom na rin kasi ako kanina pa. Iniabot na rin namin sa kanya ang damit na aming hiniram.

Pinangunahan kami ni Alya papunta sa kanilang lamesa. "Uuwi muna ako Clark." Nagitla ako nang biglang bumulong si Sophia sa akin.

"Alya, sorry pero kailangan ko nang umuwi. Hindi ako makakasabay kumain." Excuse niya naman kay Alya at napasimangot ito.

"Ngunit inaasahan ng aking kuya na ika'y makakasabay niya sa almusal."

"Paki-sabi na lang din sa kuya mo, sorry. Kailangan ko muna talaga kasing umuwi. Salamat nga pala ulit sa pagpapatuloy niyo sa amin." Wala nang nagawa si Alya kung hindi ay tumango. "E ikaw kuya Clark? Uuwi ka na rin ba?" Nabaling ang atensyon ni Alya sa akin.

"Hindi na muna siguro, hindi ko kayang tanggihan ang inyong anyaya." At saka ako ngumiti. Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako. Pero sa kabila nu'n ay napaisip ako kung bakit tila gusto ng umuwi ni Sophia? Iniiwasan niya ba ako? At paano naman siya makakauwi kung hindi nga niya alam kung saan ang labasan ng gubat na ito. Hindi naman ako makapagtanong dahil naiilang rin ako.

"Sophia, narinig kong ikaw ay uuwi na, bakit?" Bigla na lang sumulpot si Galleo galing sa kusina na may hawak na pinggan na may mga tinapay at ilang mga hotdog at itlog.

"Kailangan kasi e."
"Ganoon ba? Kung gano'y ihahatid na kita hanggang labas ng gubat na ito nang hindi ka maligaw." Tumango naman si Sophia, tingnan mo nga naman at nakahanap pa siya ng tutulong sa kanya. Na wala man lang kahirap-hirap. Nagayuma rin niya ata itong si Galleo.

"Kayo na muna ni Alya ang kumain Clark, ihahatid ko lang si Sophia."

"Osige kuya, tagalan niyo ay ayos lang." Medyo pilyang sabi ni Alya, aba't botong-boto rin ang kapatid? Hindi kaya pati si Alya'y nagayuma rin?

Umalis na nga sila, at nagsimula naman kaming kumain ni Alya. Sabay ng mga nakahaing pagkain ay heto't nakahain na rin ang oportunidad na tanungin ang kapatid ng first suspect namin.

Tintigan ko muna si Alya habang nginunguya ko ang tinapay, magkapatid talaga sila ni Galleo dahil kamukha niya ito. Masasabi kong siya ang babaeng bersyon ni Galleo.

"May gusto ka bang sabihin kuya Clark?" Napansin niyang kanina pa ako nakatitig, kaya nagtanong na ako. Mga simpleng tanong lang muna, at masigasig naman siyang sumasagot. Gaya ng kung ilang taon na siya at nagaaral pa ba siya? Ang sagot niya'y 18 years old pa lang siya at nagaaral ng HRM. Marami pa akong tinanong, dahil nakikipalagayang loob muna ako sa kanya, nagtatanong rin siya sa akin ngunit ang ilang impormasyong binibigay ko sa kanya ay pawang kasinungalingan. Ganito ang ginawa namin bago ako dumako sa maseselang tanong.

"Nga pala, kayong dalawa lang ng kuya mo ang nakatira rito? Asan ang mga magulang ninyo?" Isa na ito sa mga maselang tanong na sinasabi ko. At totoo nga, dahil medyo nawala ang kaninang mga maliliwanag niyang ngiti nang maitanong ko ito.

"Wala na ang aming mga magulang, yumao na sila." Parehas pala kami. Medyo nakaramdam rin ako ng awa, dahil nga sa alam ko rin ang pakiramdam.

"Paumanhin, hindi ko inaasahang namatay na pala ang inyong mga magulang." Ngumiti naman siya at napawagay-way ng kamay. "Naku hindi, ayos lang."

Hindi na ako nagtanong pa pero tuloy siya sa pagbigay ng impormasyon. "Limang taon na rin ang nagdaan. Kaya ngayon, si Kuya ang nagtatrabaho para mapag-aral ako. Sa katunayan nga ay dala-dalawa pa ang trabaho nu'n. Sa isang restaurant at butler siya ng sikat na artistang si Achea. Ang sipag ng kuya ko ano?" Buong pagmamalaki niya. Kaya pala nakita namin si Galleo sa restaurant na iyon na kinalalagyan ng headquarters namin, marahil doon siya nagtatrabaho, at nakita rin namin siya sa mansion ni Achea. Siguro ay tigka-kalahating araw siya sa dalawa niyang trabaho, parang part time kumbaga.

"Oo nga, kahanga-hanga ang iyong kuya." medyo nawala ang kutob kong si Galleo ang werewolf. Kasi paano magiging isang werewolf ang katulad niyang simple lang ang buhay at nagtatrabaho pa araw-araw para sa kanyang kapatid? At saka isa pa, may kapatid siya. Edi pati si Alya ay werewolf rin? Malabo naman ata iyon. Pero kung ganoon, ano kaya ang dahilan ng tattoo niyang pentagram?

"Kaya nga lang ay wala pa siyang nagiging asawa o nobya man lang hanggang ngayon, malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad niya. Masiyado niya kasi akong inaaalala na siyang ikinaiinis ko minsan, sabi ko'y maghanap rin siya ng kanyang ikakalagiya. Kaya masaya ako nang makilala niya si ate Sophia at mukhang itinadhana pa sila! Mabait ba si ate Sophia? Sa tingin mo'y bagay sila ni kuya?" Napaigtad ako sa tanong niyang mabait ba si Sophia? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. May mabait bang mamamatay tao? Hindi ko alam.

Pero tumango na lang ako.

Sapat na ang nakain ko pati na rin ang mga nalaman ko, pero hindi pa rin nakakabalik si Galleo. Tinotoo nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Hay nako, bahala sila.

Nang pagtayo ko ay bigla namang tumunog ang aking cellphone, may mensahe akong natanggap at binasa ko iyon. Mula sa isang unknown number.

Si Sophia ito, nakuha ko nga pala ang numero mo sa kotse mo. Dito tayo magkita sa pinaradahan mo.
Sakto namang dumating na si Galleo kaya nakapagpaalam na ako sa kanila at nagpahatid naman ako kay Alya ngayon dahil si Galleo ay kakain.

"Balik ulit kayo kuya Clark." Napatango na lang ako at dumire-diretso na sa kung saan nakaparada ang aking kotse paglabas namin ng gubat.

Sa aking paglalakad ay nakatanggap muli ako ng mensahe galing kay Sophia.

May nalaman akong kagimbal-gimbal ukol kay Galleo.

Napabilis ang lakad ko hanggang sa naging takbo.

:;:;

(Multimedia) Alya. Galleo's sibling

The Last LycanthropeWhere stories live. Discover now