10

408 13 0
                                    

Doubtful Strengths

"Hindi pangkaraniwan ang lakas niya." Nagsimulang nagsalita si Sophia nang umaandar na ang kotse ko. Ihahatid ko raw siya sa condo niya para makaligo at makapagpalit siya. Parang kanina lang e iniiwasan niya ako? Hindi naman pala niya kaya. Nagpahatid pa siya sa akin.

"Paano mo naman nasabi? Dahil ba sa dalawa ang trabaho niya araw-araw?"

"Bukod pa doon. Mas out of the world pa! Feel ko talaga na siya ang werewolf e." Ayan na naman siya sa mga instincts niya, "Habang hinahatid niya ako palabas ng gubat ay hindi namin inaasahang may tutumba sa aming napakalaking puno, ang akala ko nga katapusan na ng greatest assassin! Pero, boom!" Lumaki pa ang mata niya nang kanya itong ipaliwanag, may mga sound effects pa talaga.

"Napigilan niya ang pagbagsak ng puno sa amin gamit lang ang dalawang kamay niya na nakakunekta sa mga braso niyang may malalaking muscles. Napanganga nga ako e." Hindi nga pangkaraniwan iyon pero, baka may dahilan.

"Malaki ang katawan ni Galleo, batak siya sa trabaho, at baka nga nagdyi-gym pa siya? Kita naman sa hubog ng kanyang katawan hindi ba?"

"Oo, hot siya." Ayan na naman siya sa malandi niyang tono, siningkitan ko lang siya ng mata. "At isa pa, alam mo namang gusto ka ni Galleo hindi ba? Dahil kasama ka niya ay lalong gumana ang adrenaline rush niya. Alam mo namang tayong mga tao ay bigla na lang nakakagawa ng mga bagay na sobrang hirap nang hindi natin inaakala."

"Pero... werewolf talaga siya e." Pinipilit pa rin niya, pero sige. Isa na 'yon sa mga maaaring maging ebidensiya.

"May gusto ka ba kay Galleo o gusto mo siyang patayin?" Dahil litong-lito na ako ay tinanong ko na. "Pwede both?" Ang tino ng sagot niya. Umiling lang ako bilang tugon. Bahala siya. Ang gulo niya.

"Iparada mo na lang diyan, iyan ang condo ko." Pumarada naman ako sa itinuro niya, at tingnan mo nga naman ang coincidence! "Dito rin ako nakatira."

"Talaga? Walang halong biro?" Tumango lang ako at saka lumabas ng kotse, dahil nandito na lang rin ako ay magpapalit at maliligo na rin ako. Ilalapag ko na rin ang librong nakuha ko.

"Magkita na lang tayo sa lobby." Huling sabi ko sa kanya at saka ko siya inunahang pumasok at nag-elevator papunta sa condo ko.

Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa lobby, ang akala ko'y ako ang maghihintay kay Sophia dahil mabagal kumilos ang mga babae pero andoon siya sa sofa, nakaupo. Hindi nga lang pala siya basta pangkariniwang babae.

Nang makita niya akong papalapit sa kanya ay siya na ang tumayo at lumapit sa akin.

"Nasa iyo ba ang libro ng pamilya ni Achea?" Tumango lang ako. "Nabasa mo na?" Umiling naman ako. Paano niya kaya nalamang na sa akin iyon e hindi ko naman siya sinabihan?

"Ibalik natin iyon kay Achea." Napataas ako ng kilay, siguro hinanap sa kanya ito ni Achea. "Bakit? Ebidensiya natin 'yon Sophia!" Tutol ko, "Masama ang magnakaw." Napatitig ako ng masama direkta sa mga mata niya.

"E bakit ikaw? Hindi ba't nagnanakaw ka rin ng buhay ng iba? Mas malala pa iyon sa pagnakaw ko nu'ng libro." Natahimik siya sa sinabi ko. Totoo naman e. Kung makasabi siyang masamang magnakaw ay parang siya hindi nagawang magnakaw.

"Ibabalik ko naman iyon kapag nabasa ko na. Hiniram ko lang, hindi ko ninakaw, at parte ito ng trabaho ko." Iniwas niya muli ang tingin niya sa akin bago siya nagsalita at walang nagawa. "Kung ganoon, tara, imbestigahan pa natin si Achea."

Idinala kami ng microchip tracker ni Achea sa dalawang magkatabing building sa harapan namin. Sa tantya ko'y 10 storey building ito. Ito ang buliding ng istasyon na pinagtatrabahuan ni Achea.

Pumasok na kami sa loob at sumakay ng elevator.

"Nasa 5th floor siya." Untag ni Sophia, tumango lang ako. Kanina pa kami halos hindi nag-uusap. Nu'ng nasa kotse nga kami himalang hindi siya nagdadaldal. Galit kaya siya sa akin?

Tumunog ang elevator pahiwatig na nasa 5th floor na kami, kaya lumabas kami at hinanap na si Achea na malapit na sa amin.

Kumatok si Sophia sa isang dressing room na kay Achea ata. Agad naman kaming pinagbuksan ng isa na naman sa kaniyang mga body guard.

"Sino kayo?" Tiningnan pa kami mula paa hanggang ulo.

"Ako po si Clark at siya si Sophia." Ako na ang unang nagpakilala, "Kaibigan po kami ni Achea." Pagpapatuloy naman ng kasama ko.

Sinamaan lamang kami nito ng tingin at saka pumasok muli siya sa dressing room para siguro kausapin si Achea. Ilang segundo rin iyon at si Achea na ngayon na naka-pony tail ang buhok, cream white na above the knee dress at flat white shoes ang humarap sa amin.

"Hi ate Sophia." Bati ni Achea, pero imbes na batiin rin ako ay tiningnan niya lang ako ng walang ekspresyon. Bakit kay Achea ang bait niya?

"Puwede ba kitang makausap?" Napaturo ako sa sarili ko na tila hindi makapaniwala, ako? Kakausapin niya? At bakit? Ang akala ko kasi sila ni Sophia ang mag-uusap dahil sila ang nagbatian pero... ay bahala na! Kailangan ko nga palang mag-imbestiga.

"Oo, ikaw." At inirapan niya ako, "Excuse me lang ate a?" Tumango lang si Sophia. Mukhang alam ko na kung tungkol saan ang pag-uusapan namin.

"Doon tayo sa may rooftop." Sumunod naman ako sa kanya. Wala kaming imikan sa elevator hanggang sa makarating kami sa rooftop. Bago pa siya nagsalita ay medyo lumapit siya sa railings na halos hanggang bewang lang niya, saka niya ako hinarap.

"Nasaan na ang ninakaw mo?" Tama nga ang hinala ko. Tungkol ito sa libro. Kung mahalaga ito sa kanya ay paniguradong napakalaking ebidensiya nu'n. Hindi ko ito ibabalik hangga't hindi ko pa nalalaman ang nilalaman nito.

Hindi ako sumagot kaya nagtanong pa siya, "Nabasa mo na ba?" Umiling lang ako. Bigla naman siyang napahinga ng maluwag, pero kaagad napalitan ang aura niyang kalmado ng mga nanlilisik niyang mata.

"Ibalik mo na sa akin ang libro." Umiling lang ako, mukhang alam na rin niya kung ano ang dahilan kung bakit ako nag-i-exist sa buhay niya ngayon. Para tapusin na ang pagtatago niya, ang pagbabalat-kayo niya.

Mas lalong lumakas ang kutob ko na siya ang werewolf dahil sa ayaw niyang may makabasa sa librong iyon na maaring may napakalaking sikretong laman.

"Gusto mo bang ipa-pulis pa kita?" Napangisi lamang ako,malapit ko na siyang mahuli. Ganito ang gusto kong mangyari.

"O kaya sige, sige. Tapusin na natin itong trabaho mo, Mr. Eballa!" Nawala nalang bigla ang ngisi ko. Ang akala ko'y pagpipilitan niya pang bawiin ang libro pero ano ito? Sumusuko na ba siya?

"Ako ang hinahanap mong werewolf. Ako ang taong-lobo."

Nanumbalik ang ngiti sa aking labi, "Sabi ko na nga ba." Madali lang pala itong trabaho ko e, aamin din pala siya agad. Nagpapakahirap pa kami.

Kinuha ko na 'yung posas sa may bulsa ko at nilapitan siya. Pero nang mapalapit ako ay bigla siyang sumigaw.

"At para matapos na talaga ito, magpapakamatay na ako!"

"Teka, huwa---" bago ko pa siya mapigilan ay nakatayo na siya sa railings at hinulog ang sarili. Pakiramdam ko'y bigla na lang bumagal ang mundo habang nakatitig lang ako kay Achea na unti-unting bumabagsak pero ni walang kaekspre-ekspresyon ang mukha.

Pero bago pa siya bumagsak ng tuluyan ay may sumunod sa kanya.

"Shit, Achea!" Sa sobrang bilis ng babaeng nagmula sa likod ko at walang pagaatubiling tumalon na rin, ay 'yon na lang ang narinig ko at hindi ko man lang siya naaninag.

Pero nakilala ko siya sa boses niya.

:;:;

The Last LycanthropeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu