18

326 9 0
                                    

Kami Na

Nagdaan ang ilang linggo, palapit na rin nang palapit ang araw na dapat hindi na mabuhay pa ang taong-lobong aming hinahanap. Dama mo na ito sa simoy pa lang ng hangin at sa mga nagtitingkarang ilawan at mga nakasabit na parol sa paligid. Maririnig mo rin ang saliw ng awitin ng hindi lang mga batang may hawak na tambol at kumakalansing na mga tansan kundi pati na rin ng mga matatandang gitara ang pinanghaharana.

Pansin ngang buwan ito ng pagkagalak ng buong bayan ngunit para sa detective agent na tulad ko at assassin na si Sophia ay ito ang buwan na dapat lalo kaming pangambahan at magseryoso kung gusto naming mapagtagumpayan ang misyon at makapaghiganti sa lalong madaling panahon.

Ngunit parang ako na lang ang may intensyong sugpoin ang huling taong-lobo habang nakatanaw ako kanila Galleo at Sophia na masayang nakiki-awit sa mga bata sa harap ng iba't ibang bahay. Oo't isa na naman akong chaperone na stalker ngayon.

Gaano man katalim ang titig ko sa kanila ay hindi naman sila natitinag sa sobrang saya nila. Kinalimutan na ata ni Sophia ang tungkol sa aming misyon at napa-ibig na siya ng husto ni Galleo. Hindi ko alam kong masisiyahan ako o matutuya. Napahawak ako sa magkabilang bulsa ng aking jacket at kaagad na tumungo sa aking kotse. "Mukhang hindi naman na ata ako kailangan pa doon." Bulong ko sa aking sarili at saka pinaandar ang kotse, hindi ko na inabala pa si Sophia para magpaalam.

Napagisip-isip kong bisitahin si Achea, matagal-tagal na rin namin siyang hindi nabibisita dahil nakatuon na lang kay Galleo ang aming atensyon, ngunit nababalitaan ko naman siya sa mga dyaryo at telebisyon. Hindi pa rin siya lubhang magaling ngunit nakakapaglakad na siya, pero hindi pangkaraniwan ang pagkatamlay at pagpayat niya. Pinangangambahan na ngang baka ito ang maging hudyat ng pagtatapos ng kaniyang career sa show business.

Mapalad akong pinayagang dumalaw kay Achea, ay mali, wala naman kasi ang manager ni ang mga guwardiya niya doon kaya malaya akong nakapasok. Naabutan ko si Achea na nakatayo at nakatanaw sa bintana habang hinahampas ng malamig na hangin ang kanyang mahabang buhok. Hindi niya siguro napansing may pumasok kaya hindi niya ako nilingon.

"Achea." Sinikap kong tawagin siya at hindi naman ako nabigong makuha ang kanyang atensyon, ganoon pa rin naman siya, maganda, asul na mapupungay na mata, natural na mapula ang labi. Ngunit, hindi mapagkakaila ang lalong pagputla niya at ang pangangayayat.

Ang akala ko'y titingnan niya ako ng masama at papaalisin subalit binigyan niya ako ng ngiti, pero batid kong ito'y malungkot na ngiti.

"Hindi mo kasama si ate Sophia?" Itinikwas na niya muli ang kanyang tingin sa bintana na tila ba'y kahit papaano'y nakikisaya siya sa mga nagaganap sa labas ng ospital. Kahit nakadungaw lang siya.

"Hindi e, may iba siyang kasama."
"Kung gayon, ano ang sadya mo?" Tila nagsawa na siya sa panunuod dahil isinarado niya na ang bintana at humiga siya sa kama, habang nakatingin na sa akin.

"Kakamustahin sana kita?" Medyo nahihiya kong tugon, hindi ko kasi alam kong tama ba ang pagpunta ko rito at ano nga ba talaga ang pakay ko at dito ako idinala ng mga paa ko.
"Ayos lang, kahit papaano nakakapagpahinga na rin ako sa wakas. Salamat sa iyo." Ngumiti siya nang napakapait, "Iyon lang ba talaga ang sadya mo o may mga itatanong ka pa? Sabihin mo na, habang nasa mood pa ako." Napahagikhik siya ngunit ito'y napakalungkot na tawa.

Kahit na ba mukha siyang kaawa-awa sa kalagayan niya ngayon ay para bang mas matindi pa rin talaga ang sigaw ng aking instinct na siya, siya ang werwolf at kung hindi man ay kilala niya kung sino!

"Iniisip mo pa ring ako ang taong-lobong hinahanap mo? Tama?" Walang pagaalinlangang tumango ako sa sinabi niya, dahil iyon naman ang aking saluobin.

"O bakit hindi mo na ako patayin? O gusto mong tumalon muli ako mula naman sa bintanang iyan." At itinuro niya ang bintanang nakapinid.

"Hindi." Tutol ko na siyang ikina-kunot ng noo niya, "E ano? Bakit hindi mo sabihin ng diretso?" Inilabas ko ang litratong nakuha ko sa libro ni Achea na lagi ko na ring dala. Tintigan ko ito. Sa tuwing nakikita ko ang litratong ito ay napapalakas talaga nito ang aking kutob. Para talagang may kakaiba dito na hindi ko mapaliwanag. Mas doble ang kutob na nararamdaman ko roon kaysa kay Achea, o maaring isa talaga siya sa litratong ito.

"Na sa iyo pa rin pala iyan. Magnanakaw." Nag-iba ang tono niya, may halo na itong pagkayamot.

"Sabihin mo sa akin, sino ang mga nasa litratong ito?" Lakas-loob ko ng tanong dahil noong huli naming pag-uusap ay hindi ko natanong sa kanya iyon at pinagtawanan niya lang ang instinct ko.

"At bakit ko naman sasabihin sa iyo?"
"Dahil hindi naman ito ganoon kahalaga para ilihim mo? O baka naman, mahalaga talaga kaya hindi mo masabi?" Napakagat siya ng labi sa mga inusal ko, mukha ngang may hiwaga ang litratong ito.

"Nasa assassins department ba ang isa sa kanila?" Hindi siya umimik ng ilang segundo,

"Wala! Patay na ang mga kamag-anak kong iyan, hindi ba't pinatay ng organisasyon niyo ang lahi namin?" Ako naman ang napaurong ngayon, siya na ba? Siya na ba talaga ang werewolf? Ipinapahiwatig niya na talaga ito, pero bakit nakakapagduda pa rin?

Naririnig ko kasi sa likuran ng aking isip ang mga sinasabi ni Sophia. Hindi dapat ako magpalinlang. Tumayo na ako at saka umalis, sapat na ang impormasyong nakalap ko na ang litratong ito ay isa sa mga magpapasakdal kay Achea at hihingi na lang rin ako ng kanyang dugo bilang isang matibay na ebidensiya at walang panlilinlang.

Pauwi na sana ako nang madaanan ko ang lugar na kinatatayuan ko kanina at nakita kong naroon si Sophia na tila ba may hinihintay. Napahinto ako sa kanyang harapan.

"Ano ba Clark? Bakit bigla-bigla ka na lang nang-iiwan?" Sigaw niya kaagad sa akin nang pumasok at umupo siya sa passenger seat. Napakunot ako ng noo sa inakto niya. Teka lang ha? Siya itong nang-iwan kanina at hindi ako at saka...

"Hindi ba't kasama mo naman si Galleo? Bakit hindi ka nagpahatid sa kanya? Ano 'to? Chaperone mo na talaga ako?" Hindi na siya umimik at pinag-ngusuan na lang ako. Wala na man akong nagawa kundi ang magmaneho na.

Kahit na ba sa daan ako nakatingin ay pansin ko ang mabilis na paghaba talaga ng buhok ni Sophia, parang noong unang pagkikita lang namin ay hanggang balikat lang ito ngayon ay hanggang baywang na niya. Nagpa-extend ba siya o sadiyang ganyan lang talaga ang in love?

"Nagpa-extend ka ba ng buhok mo?" Usisa ko sabay iniliko ang aking kotse sa kanan, "Oo." Matipid niyang sagot. Nag-iba na talaga ang kanyang atmospera, kung dati'y ang ligalig niya ngayo'y sa paligid nalang ni Galleo siya ganoon makitungo. Hindi na sa akin. Kung dating siya ay madaldal mukhang napalitan ko na, pero mas madaldal pa rin siya ngunit laging bukambibig niya'y si Galleo, Galleo, Galleo. Minsan nga'y nakakasawa na kung hindi lang namin suspect si Galleo.

First time sa tanang buhay kong naisipang patugtugin ang radyo ng kotse ko, hindi ko ito ginagawa dahil gusto ko laging tahimik pero kapani-panibago na salungat ang ibig ko ngayon. Dahil sa tahimik ngayon si Sophia at mukhang galit sa pang-iiwan ko sa kanya ay napili kong ang radyo ang magdaldal at bumasag sa katahimikan.

Unti-unti kong pinipihit ang volume nang biglang may amining kagimbal-gimbal si Sophia.

"Nga pala Clark... Kami na ni Galleo." Dahil sa aking pagkagitla ay napihit ko ang volume sa pinakamalakas nito. Nakatutulig tuloy ang lakas nito pero hindi naman ganoong makapaminsala sa tainga.

"Ano ba 'yan Clark!" Rinding-rinding reklamo ni Sophia na napatakip sa kanyang dalawang tainga pero wala pang ilang segundo ay may kinuha siya sa kanyang bag na baril at walang pagaalinlangan pinatamaan ang radyo ng kotse dahilan para matigil ito, at ni pati ako ay napanganga at napapreno sa napakabilis na mga pangyayari.

Nanlaki rin pati ang aking matang napatingin kay Sophia na ngayo'y hinahabol ang kanyang hininga at nanlilisik ang mga matang... bigla na lang kumislap.

:;:;

The Last LycanthropeWhere stories live. Discover now