5

551 20 0
                                    

Baka Siya Na

Sa bawat pader ng silid na ito ay may mga katamtamang taas na bookshelves na punong-puno ng libro. Sa gitna naman ay may isang long table na may tig-walong upuan sa bawat gilid, na naiilawan ng kulay dilaw na medyo dim namang chandelier. Marahil isa nga itong silid-aklatan, ngunit hindi ang mga iyon ang nakakuha sa aking atensyon kundi ang mga litratong naka-frame at nakasabit sa ibabaw ng mga bookshelves.

Puro ito litrato ng mga wolves, at ang pinaka-kahinahinala ay 'yong mismong nasa gitna, na sa pagpasok mo pa lang sa silid na ito ay iyon agad ang bubungad sa iyo. Litrato ng isang werewolf.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kinuha ko na ang aking cellphone sa bulsa ko at kinuhaan ang mga ito ng litrato. Isa na itong napakagandang ebidensiya.

Habang abala ako sa pagkuha ng mga litrato ay may nag-iisang librong nakapatong sa isang seperate na small round table ang nakakuha sa aking atensyon. Nilapitan ko iyon, isang kulay pulang libro na tanging title lang ang nakasulat sa cover.

"Familia." Banggit ko sa title, ano kaya itong album na ito at ito lamang ang nakahiwalay sa napakaraming librong na andito? Kung magkaganoo'y bakit pakiramdam ko'y kakaiba itong album na ito.

Bubuklatin ko sana ito nang may marinig akong pagbukas ng pinto. Sa sobrang panic ko ay napasiksik ako sa maliit na espasyo sa pagitan ng dalawang bookshelf, ngunit ng makasiksik na ako doon ay hindi ko akalaing natabing ko pala ang libro kaya nahulog ito at nakagawa ng ingay.

"Shit." Bulong ko sa sarili ko, pero nanatili na lang akong tahimik at umaasang hindi ako mahalata.

Narinig ko ang yabag ng taong pumasok sa silid papunta sa direksyon kung saan ako nakatago, nang dahil doon ay lalong bumigat ang paghinga ko.

Saglit na napatigil ang mga yabag, dahil doon ay medyo sumilip ako at mula dito ay nakakita ako ng kamay na kinukuha 'yung librong tinabing ko. Ipinatong niya ulit ito sa bilog na lamesa.

Ilang steps na lang at makikita niya na ako. Sana ay hindi, sana ay mapagdesisyunan niyang lumabas nalang kung sino man siya. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko.

Habang nagdadasal ako ay dama ko na ang mga butil-butil na pawis ko sa mukha dahil sa sobrang kaba. Pabigat na rin nang pabigat ang aking paghinga.

"Clark." Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Sophia?" Lumabas na ako sa kinukublian ko at nakita ko 'yung taong pumasok sa silid na ito. Si Sophia nga. Nakakulay puti na siyang long sleeved gown na may imprenta ng itim na bulaklak at may brown na sintron sa kanyang bewang.

Bumuntong hininga pa ako muli at inayos ang aking kurbata. Hindi na mahalaga kung paano niya nalamang na andito ako at kung paano siya nakapasok, ang mas mahalaga'y hindi ako nahuli dahil siya pala ang dumating.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya, "May mga nakita na akong ebidensiya laban kay Achea!" Sabi ko sabay turo sa mga litratong nakasabit.

"Iyan? Iyan ang mga sinasabi mong ebidensiya?" Medyo natatawa niyang pagtataka, napataas ako ng kilay. "Bakit? Hindi ba kaduda-duda na ang isang babaeng tulad ni Achea ay mahilig sa mga lobo at higit sa lahat mga taong-lobo?"

Walang pagdadalawang-isip siyang umiling. "Hindi lang si Achea sa dinami-daming tao sa mundong ito ang nagsasabit ng mga ganyang litrato. Marami ring iba. So, kapag nagsabit ka pala ng mga ganito? Werewolf ka na? Hindi ito sapat."

"Oo, alam kong hindi pa ito sapat. Maaari lamang ito ay maging isa sa napakarami pang ebidensiyang puwedeng makapagpatunay, hindi ba?" Tumango naman siya, "Kung iyan ang sa tingin mo, Mr. Greatest Detective Agent. Halika na nga't baka maghinala pa sa atin si Achea."

Nauna siyang naglakad palabas, sinadya ko talaga iyon para manakaw ko ang kahina-hinalang pulang libro. Iniligay ko ito sa loob na bulsa ng aking tuxedo, at saka ako sumunod kay Sophia.

Buti na lang at wala pang mga bantay pagkalabas namin doon, siguro nagkataong mayroon talagang estranghero ang nakapasok. Ang galing ko talaga.

Hinanap na kaagad namin si Achea, nakita namin siyang kausap ang ilang kilalang mga artista. Naka-kulay grey siyang tube-gown na may silver namang sintron. Kaagad naman naming nakuha ang atensyon niya kaya nag-excuse siya sa mga kausap niya bago kami nilapitan.

"Ayan na pala si kuya Clark. Tara, kumain na tayo. Sasabayan ko kayo." Anyaya niya ng may matatamis na ngiti. Nagtaka ako sa kung paano ako nakilala ni Achea ngunit marahil naikuwento ako ni Sophia sa kanya habang sila ay nagpapalit ng damit.

Nakasunod lang kami kay Achea papuntang dining area. Ito ulit ang pagkakataon ko para tanungin ang partner ko.

"Ikaw? May nakuha kang ebidensiya?" Tanong ko dahil sa halos ilang minuto silang magkasama sa walk-in-closet ni Achea.

Ngunit hindi siya nagsalita, umiling lamang. "Seryoso?" Paninigurado ko, tumango naman siya. "Oo nga, mukha naman siyang mabait at hindi kahina-hinala."

"Pero 'yung sa silid-aklatan?"
"Malay mo silid iyon ng kanyang ama o kahit na sino at hindi sa kanya, o kaya hilig lang talaga ng pamilya niya ang mga wolves. Lahat naman tayo may kanya-kanyang hilig, at hindi porket hilig na natin ang isang bagay ay iyon na rin ang pagkatao natin." And there she goes with her convincing voice again. Pero may punto naman siya doon, kailangan pa naming ng ilan pang impormasyon bago mapatunayang si Achea nga o si Galleo ang taong lobo.

Pero na kay Achea ang kutob ko.

Nang makarating kami sa dining area ay umupo kami sa isang bakanteng lamesa, may iba na rin kasing bisita si Achea na kumakain dito. Pagkaupo namin sa upuan ay may butler agad na lumapit sa amin. Binigyan kami ng tig-iisang menu, liban kay Achea. Alam na siguro ng butler kung ano ang gusto niya.

"Ito na lang sa akin." Sabi naman ni Sophia, hindi na ako tumingin pa sa menu. "Ganyan na rin sa akin." Sabi ko kahit na hindi ko alam kung ano ang in-order ni Sophia.

"Sure ka?" Tumango lang ako sa tanong niya.

Naghintay kami ng ilang minuto, at habang naghihintay ay nagbatuhan kami ng mga common na tanong lang, hanggang sa dumating 'yung order namin.

At ang naghatid ng order namin ngayon ay hindi na 'yung butler na kumuha ng order namin kanina kundi panibagong butler naman.

Sabay kaming napatingin ni Sophia doon sa butler nang makalapit na ito at sabay ring nagulat.

Habang inilalapag na nu'ng butler ang aming mga order ay sabay rin kaming nagkatinginan ni Sophia.

"Si Galleo?" She mouthed and I nod.

Butler si Galleo dito sa mansion ni Achea?

:;:;

The Last LycanthropeWhere stories live. Discover now