Kami lamang ngayon(till it happened to you)

Start from the beginning
                                    

Wala na rin namang magbabago kung malaman niya ang dahilan ko. I still raped him and that's unforgivable.

Hindi ko rin naman kakayaning magmalaki dahil ako man ay nagawan na rin ng ganoong klase ng karumaldumal na bagay.

Nakatingin na ako ngayon sa likod ni Noel habang naiisip ko ang pangyayari sa aking nakaraan, malamig noon, magpapasko at bumibili ako ng regalo ko para kay Noel. Sasabihin ko na sa kaniya ang nararamdaman ko at yayayain ko siyang magpakasal sa akin para hindi na siya masaktan pa ng Yakuza ni Jerwin. Pero ng lumabas ako sa tindahan ay doon ko nakita si Jerwin, matalim ang titig sa akin at masama ang pakiramdam ko lalo pa't may dalwang lalaking humawak sa magkabila kong braso.

Wala akong anomang ideya noon tungkol sa karumaldumal na mundo hanggang sa tuloyan kong nakilala si Jerwin, ang mga kapatid niya at ang tinuturing niyang Yakuza. Noon ko nalaman ang tagong kadiliman ng mundong ito at doon ko pilit na inilalayo ang kaibigan kong si Noel Jhon.

Hindi ko na malimutan ang pangyayaring nagpakita sa akin ng pares ng parusang ginawa ko kay Noel.

Isang kamalian, kasalanan, ang sumira sa akin ng emosyonal at pisikal. Hindi ko naisip noong maaring kumasiya ang dalwang malaking ari sa akin. Nangingilabot pa rin ako kapag naalala ko ang bangungot na iyon subalit sa tuwing makikita ko si Jerwin, hindi ko na nararamdaman ang takot. Nanuod siya noon habang ginagawa ng dalwang lalaki iyon sa akin dahil sa utos niya at kahit na malaki ang galit niya sa akin noong araw na iyon, hindi ko siya makitaan ng purong galit dahil parang may iba sa mukha niya habang pinapanuod niya ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa tuwing lalaliman ko pa ang pag-iisip sa kaniyang mukha at lalo lamang akong nalulungkot dahil hindi ako ang pinagtutunan niya ng pansin noong kabataan namin.

Sa mata ng lahat si Noel ang gusto kong makasama at kaya kong nakawin siya sa sino man kaya wala akong kaibigan sa lugar na ito, maraming may gustong patayin ako sa titig o ilayo ng husto kay Noel. Tanggap ko naman iyon, wala akong magagawa subalit ang totoo ko namang tinitingnan ay si Jerwin. Mula noong nangyari ang ganoong klaseng kataksilan sa aming dalwa sa loob ng mahabang sasakyang iyon ay siya na ang naipinta ng permanente sa aking isipan maging noong mapunta ako sa ibang bansa at maging isang idol ay siya pa rin ang hinahanap-hanap ko. Kahit na nagpanggap akong si Noel pa rin ang gusto ko'y siya pa rin ang nasa isipan ko.

Naiingit ako kay Noel dahil hanggang ngayon dito si Pilipinas ay siya pa rin ang nais ni Jerwin. Oo nga't gusto ko rin si Noel pero iba pa rin si Jerwin, ibang klaseng pananakit ang ginawa niya sa akin na natanggap ko bilang isang pagmamahal mula sa kaniya.

Isang katangahan kung tutuosin. Isang kamartiran pero ito ang katotohanan. Masokista siguro ako o tanga dahil ang pananakit sa akin ni Jerwin noon ay nagawa kong isipin bilang pagmamahal na galing sa kaniya.

Patuloy rin siguro akong aasa sa pagmamahal na hindi para sa akin. Masakit subalit dito ako sasaya. Sa isang sulayap lamang sa aking minamahal at sa patagong pagmamahal.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng school gates ng mapahinto ako dahil naroon lamang sa may labasan si Jerwin nakaupo sa semento at hawak sa harapan niya ang bag ko.

"Kanina pa kita hinihintay. Sabi noong si Mark kinuha na daw niya ito sa room mo kasi hindi ka niya makita at gusto ka daw niyang ihatid kaso dumating ang kuya niya kaya sabi ko ako na lang ang magbibigay sa'yo." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Si Mark? Bakit naman niya ako ihahatid?" tanong ko na ikinakibit ng balikat niya matapos niyang tumayo at iabot sa akin ang bag ko.

"Hatid na kita." Suhesyon niya na hindi ko nasagot dahil nauna niyang hawakan ang kamay ko't agad na pumara ng taxi.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now