Chapter 7 : " Green minded"

Start from the beginning
                                    

She knows me to well at kayang-kaya nyang sakyan lahat ng trip ko. Alam nya kung papaano ako patawanin at lambingin. Kagaya na lang ng ginawa nya kagabi nang maabutan nyang subsob ako sa trabaho. She make fun of me na masyado raw akong seryoso, nagiging kamukha ko na raw tuloy ang dati naming Teacher na super strict nung college na si Mrs. Ramos. Hindi pa ito nakuntento at ginaya pa nito kung papaano ang itsura ng dati naming guro na ikinahagalpak ko naman ng tawa. Sa totoo lang,nag-eenjoy ako sa company nya. Napaka - cool kasi at cowboy kasama, tapos palagi pang nakangiti.

Pero nitong mga nakaraang linggo napansin ko na there is something wrong with her. Kapag magkasama kami napapansin ko ang biglaan nyang pagtahimik habang mataman lang na nakatingin sa akin. Pagtatanungin ko naman, ngingiti lang sya at sasabihing "wala lang". Hindi lang yun, napansin ko rin ang ibang gestures nya at paglalambing sa akin. Ibang-iba na yun at hindi na kagaya ng dati.

Alam ko she's into something at hindi kaila sa akin yun, malakas ang pakiramdam ko na ako ang dahilan ng pagbabago nya. She must be felt something towards me at hindi ako manhid para hindi maramdaman yun, but whatever it is that she's thinking, is clearly not possible. Makakasira lang yun ng pagkakaibigan naming dalawa.

The only way I saw para ma-survive ang friendship namin is to slowly detaching myself to her. Kaya nga hindi ko sinasagot ang mga tawag nya, dahil yun ang paraan ko ng pag-iwas sa kanya. Nalulungkot man at labag sa kalooban ko tinitiis ko yun because I know the feeling is not mutual. It will never be. Dahil hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

I glance at her again ng maramdaman kong gumalaw ito. Sinamantala ko yun para unti-unting kumawala sa pagkakadagan nya. I Slowly turned around at dahan-dahang naupo sa gilid ng kama. Sandaling nagmuni-muni at tsaka dinampot ang cellphone sa side table ng maalala ang meeting na naka-schedule ngayong umaga. Dahil alam kong gahol na rin sa oras, I called Fermin and instruct to attend the said meeting in behalf of me.

After that I quickly take shower at nagprepare na papasok sa Site Office.

I was about to go ng biglang magising si Audrey. Pinipilit nitong dumilat habang parang lasing pa rin na tinatawag ako.tatayo pa nga sana ito pero pinigilan ko at sinabihan na matulog pa ulit since maaga pa naman at wala naman siyang pasok. Hindi naman ito tumanggi at muling isunubsob ang mukha sa kama hanggang sa narinig kong naghihilik na ito.

********

Bahagya pa ring kumikirot ang ulo ko pagdating sa Site. Akala ko mawawala rin agad yun pagkainom ko ng gamot, pero nagkamali ako. Hindi nabawasan ang sakit nun simula ng umalis ako sa Penthouse. Dumaan na nga rin ako sa isang coffee shop para bumili ng kape sa pag-aakalang makakatuong yun sa pagtanggal ng Hang-over pero wala pa rin. Nararamdaman ko pa rin ang pagpintig ng mga ugat na tila gusto yatang sumabog sa sobrang sakit nito dahilan kung bakit kay aga-aga ay nakabulyaw na ako ng guwardiya ng matagalan ito sa pagbubukas ng gate para sa akin.

Nang maiparada ang sinasakyan, kunot noo akong bumaba at sinuot ang shades para mapagtakpan ang bahagyang eyebags dala ng pagpupuyat kagabi. Bitbit ang kape na binili at ang laptop bag ay mabibigat ang paang tumungo na ko sa Sita Office.

Sa bungad pa lang ng opisina kaliwa't kanang "good morning ma'am" na ang sumalubong na pagbati sa akin pero lahat yun hindi ko pinansin. I'm not in the mood para makipagbatian sa kanila dahil obviously iniinda ko pa rin ang hang-over na nararamadaman ko.

Yan kasi! Inom pa more! Reklamo ng utak ko

Meters away from my office room. Automatic na bumaling ang tingin ko sa cubicle ng QC Dept. May hinahanap ang mga mata ko na agad ko namang nakita. There she was at nakikipag-usap sa katabi nya. Nang mapansin na paparating ako. Cess greeted me while she just stare at me na nakasimangot at kapag-daka'y pabalewalang ibinaling ang tingin sa kausap. That makes me felt a little furious.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now