I'm Icelyn Stewart Samaniego, my friends called me Ice. I'm turning eighteen next month. Kaka-graduate ko lang ng highschool nitong March at balak ko na talagang mag-aral ng college sa CDO, where my father and my brother lives. Hindi naman sa ayaw kong mag-aral dito sa Manila, pero I miss my dad and my kuya there. Matagal ko na silang hindi nakakasama at uhaw na akong makasama sila. I think this is the right time na sakanila naman ako. Besides matagal-tagal narin akong nasa puder ng side ng nanay ko. My parents are separated. Kapatid ko si Kuya sa tatay at second family lang kami ni dad. But my Kuya Sky mother are dead.

Well, there's a one secret reason kung bakit gustong-gusto ko din doon mag-aral. My mother's right. Because of Eion Sarmiento, my childhood friend. I'm inlove with him when I was a thirteen years old. After four years, magkikita narin kami. Palagi nalang kasing si Kuya Silver ang dumadalaw dito.

"Baby, Silver called. Siya ang susundo sayo bukas dito. Nasa eroplano na siya nung tumawag." Sabi ni mom.

"Siya lang? How 'bout Eion?" May hope sa tono ng tanong ko. Hindi naman ako masyadong halata nito?

Umiling si Mommy. "Siya lang. Matulog kana at maaga yata ang flight niyo bukas. Good night, baby." Sabay halik ni mommy sa pisngi ko. I did the same bago siya lumabas ng kwarto ko.

The next day, si Kuya Silver nga ang sumundo sakin. Naabutan ko siyang tumatawa sa living room habang binubuklat ang photo album ko which is yung mga baby pictures ko at nung mga bata pa kami. Kung makatawa siya ay akala mo ang pangit pangit ko noon. Ang cute ko kaya!

"Nakakainis ka, Kuya Silver! Palagi mong pinag-tatawanan mga pictures ko." Pabirong tampo na sabi ko sakanya at kinuha sa kamay niya ang photo album.

Niyakap at hinalikan niya ako sa pisngi habang natatawa parin. "Sorry, Ice. Can't fucking hide it! Cute mo kasi dun...Miss you." Tawa niya sabay kurot sa pisngi ko.

Napangiwi naman ako sa kurot niyang yun. Pinalo ko ang kamay niya at hinimas ang pisngi ko. "Masakit kaya!" Angil ko sakanya.

Tumatawa parin siya kahit na tumayo na ako para pumunta ng kusina at kumain. "Hurry up, Ice. In an hour babyahe tayo pa-CDO, ayokong malate. I have a lot of errands to do."

Tumango ako. "Yes, Kuya! Got it. If I know mambababae ka lang dun."

Tumakbo na ako bago pa siya makapag-react sa sinabi ko. I heard him shout my name kaya ako naman yung tumawa ng malakas. God! I miss my Kuya Silver.

--

When we landed at the airport, automatically na napangiti ako. Sa wakas! Nandito narin ako sa CDO. This is my second time na makarating dito. Yung una, five years ago pa. Nung time na ninakaw ako ni Daddy kay Mommy noon. I took my phone on my bagpack. Inabot ko ito kay Kuya Silver.

"Please, Kuya. Take me a picture." I smiled sweetly to him. He sighed and smile bago kunin ang cellphone ko at pinicturan ako ng mga ilang shots. I believe of Silver's talents in photography. He's the best. I swear!

"Let's go, Ice. Your dad's waiting for you there." Aniya at kinuha na ang mga luggage ko. I nod at sumunod narin sakanya. Finally, makikita ko na sila daddy at kuya.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu