Chapter 24 : Miss - Embrace

Start from the beginning
                                    

O-kay, edi ako na lang mag-a-add sa'yo mamaya.

*END OF FLASHBACK*

Pero ang ending nun ay tuwang-tuwa ako. Pagbukas ko kasi ng FB ko nun ay nakita kong may nag-add sa akin. Siya! Hahaha. Ayaw niya pala akong i-add eh. Hahaha.

Tapos ayun, simula nun ay naguusap kami sa chat pag naaabutan naming online ang isa't-isa. Hindi kasi siya pala-online nun eh.

Pero, ngayon, himala! Online siya ng ganitong oras?

KARL: Allen! :)))

ALLEN: Yow!

KARL: La lang. Na-miss kita eh. :)))

ALLEN: Lul! Pagkalat mo sa kanto!

Hahaha. Minsan talaga may sa abnormal din 'tong si Allen eh, pero in a good way ha?

KARL: Seryoso ako. -__-

ALLEN: Weh? Di nga!?

KARL: Oo nga! Tch! Hindi naniniwala. Tch!

ALLEN: Che! Oo na! Ang corny mo!

KARL: Corny na ba ang maka-miss?

Kasi kung corny ang maka-miss, edi guilty ako. Pero ikaw naman ang nami-miss ko, kaya ayos lang. Hehehe.

ALLEN'S POV

Shit lang po to infinity! Kinikilig ako! Sa sobrang kilig ko, ine-epilepsy na ako dito.

Bakit kasi ganun ang bungad niya sa akin? Parang wala tuloy ulan! Hahaha.

ALLEN: Ano bang ginagawa mo ngayon?

KARL: Wala nga eh. Gusto ko sanang gumala eh. Kaso ang lakas ng ulan eh. :(

ALLEN: Edi pumunta ka na lang dito sa bahay! Hahaha. :))

Pero joke lang yun! Ang lakas-lakas na nga ng ulan papupuntahin ko pa siya dito?

Teka, seen lang? Uso mag-reply, you know.

2

3

4

5 minutes? Wala pa ring reply?

Hmmp! Bahala na nga siya! Kung ayaw niyang mag-reply, edi wag! Ang dami-dami namang pwedeng kausapin dyan eh. Ang daming naka-online oh!

Pero kasi ....

NAMI-MISS KO NA DIN SIYA EH. Ang saya kasi ng bagyong 'to eh, nag-enjoy sa Pilipinas porke't hospitable ang mga Pilipino! Hindi ko tuloy nakita si Koopa for 2 days.

Makatulog na nga muna. Wala rin naman akong makaka-usap ng maayos sa mga naka-online eh. Puro mga jejemon 'tong mga 'to, ewan ko kung bakit ko sila in-add.

Nag-logout na ako tapos ay pinatay ko na yung WiFi. Yep, nakiki-connect ako sa WiFi ng aming mabuting kapitbahay! Hahaha.

Tumingin muna ako sa relo para ma-orasan ko ang tulog ko. Yep, ala-una, magigising ako nito ng bandang alas-tres. Tulog na!

"ANAK! MAY BISITA KA! BABAIN MO NA! BASANG-BASA SIYA!" biglang sigaw ni Mama habang pinagbububuksan ang mga drawer ko ng damit! Ang bigat kasi ng pagkakasara niya sa drawer eh.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now