Chapter 4 : "Ignored"

Start from the beginning
                                    

"Ask her to go to my office pagbalik nya dito" bilin ko

"okay" sagot nito.

We headed to the office at nagprepare na for the emergency meeting.

********

Louise (POV)

Mia Gabrielle Sandoval. MGS for short. Yan pala ang full name ni Ms.Sungit. Sinabi lang ni Cess sa akin ng tanungin ko kung bakit MGS ang tawag nila. Abbreviation pala yan ng pangalan nya. Sa Head Office daw ang tawag dito Ms.Gabby. pero pag sa Site nakasanayan na ang abbreviation na MGS.

She is an Architect at napag-alaman ko rin na sya pala ang Area Manager na in charge dito sa Aspen Heights at sa iba pang Project under ng Makati Area. 

In addition to that, pagmamay-ari pala ng pamilya nya ang buong Kumpanya. 

In fact the two Areas, North and South Projects is currently handled by her Brothers. While her father ang tumatayong CEO.

It's not surprising that she is belong to the well known family. The Sandoval's. First time ko pa lang sya makita alam ko ng may sinasabi sya sa buhay. She maybe dressed ruggedly pero hindi kaila sa kilos nya na mayaman sya.

Mas nagtaka pa ako kung bakit sa yaman nilang yun eh nandito sya at nagtitiyaga sa maalikabok, maingay at magulong paligid. Kung pwede naman syang manatili na lang sa Opisina. Doing paperworks o sa mas tamang termino na white colar job.

"Sabi nila, yung matandang Sandoval daw ang may gusto na dapat magsimula sila sa mababang position. Hindi sapat na rason dito na sa kanila ang buong kumpanya para pumuwesto sila agad-agad sa mataas na posisyon. 

Ang balita ko nga, sa kabilang Area daw tamad mag-ikot ang mga kapatid ni Ms.Gabby. Bukod tanging sya lang ang nag-eenjoy sa ginagawa nya. 

Alam mo bang magaling sa operation yan?particular sa technical na bagay, kaya hindi yan basta basta maloloko ng mga Engineers dito." mahabang kwento ni Cess sa akin.

Lihim akong humanga kay MGS ng malaman ko ang mga bagay bagay na ito. Bibihira ang mga kagaya nyang mayaman na nakikihalubilo at ini-enjoy ang trabaho ng isang simpleng empleyado. 

I know she's working passionately, kung hindi ba naman ay bakit sya ngayon nanggagalaiti sa mga natuklasan nyang problema sa Site.

Alin? kung sa ibang Area Manager lang siguro baka ipinaubaya na nito ang pagaayos ng problema sa iilang empleyado. Pero sya, nandito at sinusubukang ayusin ang mga iyon.

Yun nga lang. 

Hindi maikakaila na terror itong maging Boss.

Simula ng magkita kami kanina hindi na ako napakali sa pwesto ko. I admit, i am distracted from the fact na nasa kabilang kwarto lang sya. idagdag mo pa ang manaka-naka nyang pagsigaw kasabay ng pagmumura sa mga ka-meeting nya sa loob ng opisina. For some reason she seemed really dissapointed sa takbo ng construction phase ng Project. Boses nga lang nya halos ang nadidinig kong nagsasalita, not until someone tried to throw some alibi's on her na hindi naman umubra dahil binuweltahan nya ito ng maanghang na salita.

"for 2 consecutive months ganyan lagi ang dinadahilan mo. Na kesyo nakahambalang ang mga materyales namin kaya hindi kayo makapag-proceed sa pagtatayo ng precast wall nyo!"

"pero ma'am yun po ang totoo" salag ng kausap nya.

"nag-iikot ka ba sa Site Rene?! Didnt you notice na malinis na ang 3rd floor at kayo na lang ang inaantay para maitayo yang lintek na precast nyo?!!"

"tangi*a!!! " hiyaw nya kasabay ng pagbato ng helmet sa lamesa. Napapitlag ako, i didnt expect na ganito sya kabarumbado at ka-brutal magsalita. Hindi ko naiwasang hindi mapalingon sa opisina nila. At dahil bahagyang nakabukas ang pintuan, nakita ko kung gaano katensyonado ang mga tao sa loob nito. Ang ilan ay nakayuko na lamang at inaabala ang pagtingin sa lapag, while si Sir Fermin ay kababakasan ng seryosong itsura na mataman lang nakikinig sa sinasabi ni MGS.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now