Schedule (part 2)

2.2K 74 84
                                    


"Schedule for what?" nagtatakang tanong ni Jensen.

"With... what you wanted to happen twenty seconds ago?" Sagot ni Charley.

"What would I want to happen twenty seconds ago?" nalilitong tanong ni Jensen.

Naupo si Charley at isinindi ang table lamp, ipinatong nya ang isang unan sa kanyang kandunga matapos hilahin ang kumot at tumingin syang muli ng diretso sa mga mata ni Jensen na sumunod na ring naupo sa kama.

"You wanna have sex." Diretsong sabi ni Charley.

"Yeah" alanganin ang ngiti ni Jensen "Is there something wrong with that?" kumunot na muli ang kilay ni Jensen.

"Yes, something is really wrong." Mabilis na sagot ni Charley "and we need schedules for that."

"s...sched...fo...for..." kandautal na sabi ni Jensen "What now?" nalilitong sabi ni Jensen, kunot na kunot ang noo ng binata habang nagsasalita.

"Once a week" matatag na sabi ni Charley.

"Once a week!" bahagyang tumaas ang boses ni Jensen.

"Yes, once a week." Matatag pa ring sabi ni Charley "And no more breakfast or midnight snack or shower x-rated scene." Nagwa-warning ang tono ni Charley.

"What?" nag-eeskrima na naman ang mga kilay ni Jensen. maasim na maasim ang mukha ng binata sa gustong mangyari ni Charley.

Hindi umimik si Charley, humalukipkip ang dalaga at tumingin ng diretso kay Jensen sabay killing ng ulo na parang sinasabi nyang seryoso sya talaga sa kanyang sinasabi.

"Okay." Nakangiting sabi ni Jensen pero halata ang inis sa mukha ng gwapong binata "What is going on here?" itinaas ng binata ang hintuturo habang nagsasalita "And you better think of a reasonable excuse to convince me."

Natigilan si Charley, hindi nya napaghandaan iyon, ano nga ba ang pwede nyang gawing excuse maliban sa nahuhulog na ng todo ang kanyang loob kay Jensen at malapit na syang bumigay ng lubos sa binata.

"Because... we are on a no commitment policy." Medyo may intonation ang huling salita ni Charley na para bang mas kinukumbinsi nya ang sarili kaysa kay Jensen.

"And?" kumunot na namang muli ang noo ng binata kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay nito.

"And no commitment means..." huminga ng malalim si Charley para patatagin ang kanyang loob. "I can say no to you." Naapuhap ni Charley ang self confidence at para na syang nasa korte na nakikipag argumento.

"Where did that come from?" Bahagya pang itinagilid ni Jensen ang ulo.

"I just thought it would be nice to...you know..." ikinibit ni Charley ang mga balikat "Slow down a little bit."

"Because?" nagtitimpi si Jensen na huwag tuluyang mainis at open mind na tinatanggap ang paliwanag ng dalaga.

"I'm falling in our trap." Mahinang sabi ni Charley. Wala na syang maisip na dahilan. "And I don't like it, if we continue this, if we don't stop doing what we are doing I'm gonna have to get out." Seryosong sabi ni Charley.

"You mean if we make love in a constant basis?" seryoso ding tanong ni Jensen.

"If we will have sex in a constant basis." Mariing sagot ni Charley. "Love making is for two people in love and we are not in love, sex is the right word because we are just tagging along." May pait ang huling salita para kay Charley.

Natigilan naman si Jensen, he felt a pit on his stomach when he realized what Charley is trying to say. Charley is falling on their trap and if they don't stop mapipilitan ang dalagang lumayo. Ibig sabihin makikipag-hiwalay na namang muli ang dalaga sa kanya, ibig sabihin after all this time wala talagang pagtingin sa kanya ang dalaga at hindi pa rin sya natutunang mahalin ng totoo ni Charley.

Pang nanglalatang naisandal ni Jensen ang likod sa may head board ng kama. Inihaplos ng gwapong binata ang isang kamay mula sa kanyang noo at huminto ang kanyang palad sa kanyang bumbunan. Malalim na napaisip si Jensen.

Tahimik lang si Charley, she's staring at Jensen. Pinag-aaralan nya ang reaksyon ng binata, is he lonely with the idea? Would Jensen let her go?

"You made a pretty strong case." Mahinang sabi ni Jensen ng tumingin sya kay Charley.

"I just want to enjoy the ride while I can." Ngumiti pa si Charley para mas convincing ang kanyang arte. But deep down inside ay nalulungkot sya dahil sang-ayon si Jensen sa gusto nyang mangyari. In a way dapat ay matuwa sya dahil hindi naman pala bibitaw si Jensen sa 'no commitment' nilang set-up. But the fact na pumapayag itong magpatuloy with their 'no commitment' set-up ay talagang nakapag-palungkot sa dalaga.

She's hoping na sasabihin ni Jensen na 'it's okay to fell with our trap, I'm feeling the same way and I'm willing to do this whenever it will lead us.' Pero bigo si Charley matamlay na nahiga ang dalaga.

"Can we go to sleep now?" tanong ni Charley kay Jensen.

"Yeah." Sagot ni Jensen, ngumiti pa ang gwapong binata sa kanya bago nahiga ng patalikod sa kanya.

Para namang maiiyak si Charley, pinatay nya ang ilaw ng bed side lamp pagkatapos ay hinapit ni Charley ang kumot at niyakap ang sarili at duon na tumulo ang pinipigilan nyang luha.



******

micheilockz eto na yung part 2.

elydiareyes & yourseverlasting baka lampasan nyo yung part 1 ha, just incase balikan nyo hehe.

meilimcastillo dami ka na naman habulin anak, Si tinkerhook at si logisticians wala pa rin. Dalas nyong absent.

mjespique hello po, miss you hehe. baka may nalampasan ka din balikan mo na lang.

Parang gusto ko ng ipublish lahat ng chapters ngayon hanggang wakas. CHOZ!!!

******

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon