Second Meeting

5.7K 150 103
                                    


Six years later....

"Bakit naman ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Bobby sa kaibigan nyang si Charley.

Abogado rin si Bobby, 'gwapong abogado'. They been best of friends nang magsimulang pumasok si Charley sa isang law firm sa Maynila, ang Ventura-Drillon & Associates Law Office. On the job training si Charley sa nasabing firm na pinapasukan din ni Bobby nuon. After she passed the bar ay tuluyan na syang ini-hire ng Ventura-Drillon. Pro-bono ang unang kaso ni Charley sa Ventura-Drillon and Associates dahil nga baguhan pa lamang sya. She won the case at duon na nagsimulang gumawa ng pangalan si Charley Mendoza.

After two years sa Ventura-Drillon and Associates ay nasulot si Charley nang papa-laki na ring law firm sa Maynila ang Abad-Santos law firm. At pinalad syang maging kasosyo ng nasabing law firm. From Abad-Santos ay pinalitan nila ang pangalan ng "Gladiators" law firm, anim silang nagmamay-ari ng firm.

Si John Abad at Brad Santos and pioneer ng naturang firm, silang dalawa ng kanyang best friend na si Bobby Dominguez at si Angel Escoda at Collin Garcia. Every Attorneys at Gladiator office possessed talent and good looks. Walang itulak-kabigin sa galing, talino at kahanga-hangang itsura ng mga abogado ng Gladiators.

At dahil sa kanilang angking itsura, talino at galing, apat na taon ay na-established nila ang kanilang firm. Walang amo sa opisina ng Gladiators, though may verbal policy sila na si John at si Brad ang mamumuno dahil sa ang dalawa ang pinaka-matanda at pioneer ng nasabing opisina. Pero hindi rin ibig sabihin ay taga-sunod o tauhan lamang sina Charley, Bobby, Angel at Colin. Lahat nang desisyon ay mabusisi nilang dini-desisyunang lahat.

At lahat sila ay ino-okupa ang iisang opisina, walang amo, walang taga-sunod. May lamesang bilog na naka-pwesto sa gitna ng kanilang opisina. Lahat sila ay may kanya-kanyang upuan sa nasabing lamesa. John once said na ang lamesa daw nilang iyon ay nagpu-portray sa Knights of King ni King Arthur sa England.

Those Knights are soldiers who fight for glory, kasama nila ang kanilang hari at ang sikat na si Lancelot. Pero lahat ay pantay-pantay, at iyon eksakto ang kalagayan nila sa Gladiators law firm. Lahat sila ay pantay-pantay na nakiki-paglaban para sa katarungan.

"Hoy!" tabig ni Bobby sa braso ni Charley. "Hindi ka na umimik dyan, ano ba kako iniisip mo at ganyan ang itsura mo? Sambakol na sambakol yang mukha mo, eh." nang-aasar na sabi ng kanyang best friend.

"I'm still trying to figure out what are we doing here in a bar and why am I dress like a slut?" Naka-simangot na sabi ni Charley.

Bahagyang natawa ang best friend nyang si Bobby, sinipat ni Bobby ang dalaga. Hindi naman talaga ito mukhang slut, in fact, napaka-sosyal nga ng kanyang matalik na kaibigan sa suot nitong white dress. 

Straight cut iyon at hapit sa katawan ng dalaga. Above the knee ang haba ng hapit na bestida at square ang tabas ng itaas na bahagi ng damit at nagmumura ang cleavage ng kanyang best friend. Hindi naman ito nagmumura dahil malaki ang hinaharap ng kanyang kaibigan kundi nagmumura ito dahil sadyang tayong-tayo ang dibdib ng dalaga sa suot nitong push-up bra.

Nang sipatin ni Bobby ang mapuputi, makinis at bilugang hita ni Charley ay hindi nya maiwasan ang hindi mapasipol. Kung hindi nga lang ba kaibigan at parang kapatid ang turing nya kay Charley eh talagang tataluhin nya ito.

"Tigilan mo nga yang tingin mo sa akin ng may pagnanasa." Naiinis na sabi ni Charley sa kanyang kaibigan.

Natawa na talaga si Bobby, "Ako may pagnanasa sa iyo!" Bahagya itong bumuga ng hangin "Huh! You are beautiful and all Charley but you're not my type. Isa pa wala akong planong magpakamatay, I maybe desperate when it comes to love pero hindi ako suicidal."

"And what's that supposed to mean?" taas ang kaliwang kilay na sabi ni Charley.

"You're a man eater, uubusin mo ang lakas ng kahit na sinong lalake sa mundo. At ikaw Charley Mendoza ang tipo ng babaeng magpapasunod at hindi susunod." Paliwanag ni Bobby. "You're too smart, masyado kang matalino at magaling at walang lalaking uubra dyan sa utak mo. Hindi ka nagpapatalo, hindi ka pumapayag na magpatalo." Dagdag pa ni Bobby.

"E, ganun naman pala, ano pang ginagawa natin dito? Bakit di pa tayo umuwi na lang?" Mulagat ang mga mata ni Charley habang nagsasalita.

"Because you need to find yourself a boyfriend," sagot naman ni Bobby.

"Akala ko ba, eh, man-eater ako, tapos ngayon hinahanapan mo ako ng magiging boyfriend? Hindi ka ba naaawa sa mga kabaro mo na maging taga-sunod at alipin ko?" Ngumiti si Charley ng nakaka-asar.

"May katapat ka Charley Mendoza, at nararamdaman kong andito sya ngayon." Kumindat pa si Bobby sa kanya.


When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon