Swimming Pool

2.5K 81 53
                                    


Matamlay si Charley ng pumasok sa opisina ng Gladiators lunes ng umaga, she have personal stuff at Jensen's condo, same thing na may gamit din si Jensen sa bahay nya. M.W.F ay sa bahay nya natutulog ang binata, T.TH.S.S. naman ay sa condo ni Jensen sya tumutuloy, sabay silang pumapasok at umuuwi, hatid sundo si Charley ng binata sa opisina ng Gladiators, minsan naman kapag may tinatrabahong kaso si Jensen at mali-late ng sundo ay si Charley ang pumupunta sa Winchester & Sons office para sunduin si Jensen.

They've been doing that for months now, patuloy silang nagkikita, nag-uusap hindi lamang sa telepono kundi pati na rin pag magkasama sila. 'no commitment' set-up pero committed ang isa't-isa na tumawag, mag-text, maghatid sundo sa bawat opisina at syempre ang makipag-make love sa bawat isa. Committed sila sa kanilang sleeping schedules. Ang kaibahan nga lamang nila ngayon ay parang mas magaan ang dating ng relasyon nila.

Siguro ay dahil na rin sa 'no commitment' ang set-up nila, kapag may sumablay man sa text o sa tawag o sa pagsundo ay madaling nakaunawa ang isa sa kanila dahil nga no commitment, wala ng away, walang argument, walang hassles, Malaya sila sa kanilang oras pero may respeto sa damdamin ng bawat isa. Kung tutuusin ay okay na okay ang set-up nila pero anduon ang katotohanang there is something wrong with their set-up. Pwede namang maging seryoso sila pero manatiling understanding sa schedule ng bawat isa, understanding sa shortcomings ng kahit sino sa kanila.

At yun ang nagpapatamlay kay Charley, aside from the fact na malapit na syang malunod sa swimming pool na nilikha nila ni Jensen. Gusto na nyang bumitaw, pero alam nyang hindi papayag ang puso nya. Gusto na nyang umamin pero alam nyang kokontra ang isip nya. Huminga ng malalim si Charley sabay sandal ng likod nya sa upuan.

"Is there something wrong?" Tanong ni John kay Charley.

"No, I'm good." Mabilis na sabi ni Charley.

"Good ba yang sambakol ang mukha mo?" sabi naman ni Angel "At saka parang wala ka sa sarili ganda, kanina pa lumilipad yang isip mo eh." Dagdag pa ni Angel.

"Let me guess..." itinaas pa ni Bobby ang hintuturo "Trouble in the palace of King big mac and Queen Amazing Aloha?" nanunutil na sabi ni Bobby.

"Tigilan mo nga ako Bobby Dominguez!" walang ganang sabi ni Charley.

"Whoa!" natatawang sabi ni Collin "Lungkot-lungkutan mode ka lang ining?" tatawa tawang sabi pa ni Collin.

"Okay lang ako." Iminulagt ni Charley ang mga mata "Okay na okay ako." Itinaas pa nya ang dalawang palad para sa mas convincing na arte.

"Okay na okay di ka nagsusungit?" sabi naman ni Brad "Yung okay na Charley mataray!"

"Suplada!" dadag ni Bobby.

"Magaling dumepensa!" sabi naman ni John.

"Hindi nagpapatalo!" salo naman ni Collin.

"At ipipilit ang kanya." Nakangiting tapos ni Angel sa litany ng mga kaibigan "Hindi yung ganyang para kang may sakit na hika na kung dadagdagan mo pa yung sasabihin mo eh kakapusin ka na ng hininga kaya tipid ang words mo." Dagdag pa ni Angel.

"Ano ba talaga nangyayari sa'yo babae?" makulit na tanong ng kanyang best friend na si Bobby.

Huminga ng malalim si Charley at isinandal ang likod sa bangkuang inuupuan nya. Humalukipkip pa si Charley at tinantya ang mga kaibigan kung magsasabi ba sya.

"Come on girl, as if you have secrets with us." Sabi ni Angel.

Sinang-ayunan ni Charley sa isip ang sinabi ng kaibigang si Angel, alam ng lima nyang kaibigan ang estado ng relasyon nya kay Jensen alam ng mga ito ang isinet nilang bagong rule na 'no commitment...enjoy the ride while you can'.

"Are you not enjoying the ride anymore?" seryosong tanong ni Collin.

Muli ay isang buntong hininga ang sagot ni Charley, kumilos sya para ipatong ang dalawang siko sa lamesa at parang pagod na pagod na inihagod ang dalawang palad sa kanyang ulo. Pagkatapos ay huminto ang mga kamay nya sa kanyang batok at tahimik na tumitig lamang sya sa ibabaw ng lamesa.

"Nalulunod ka na naman sa swimming pool hano?" sabi ni Brad.

Tumingin lang si Charley sa mga kasama, kumilos sya muli para bumalik sa dating pwesto kanina, nakasandal ang likod sa upuan habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso sa kanyang harapan.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sa no commitment..no commitment na yan eh." Parang naninising sabi ni Bobby. "Sabi ko naman sa'yo ikaw rin ang talo dyan.

"We already warn you Charley." Sabi naman ni John "ang ipinagtataka lang namin eh kung bakit ganyan?"

"Anong bakit ganyan?" walang sigla pa ring tanong ni Charley.

"Why do you both make yourself suffer samantalang alam naman namin at obvious namang both you and Jensen love each other." Sagot ni Collin.

"Well you got it all wrong." Matamlay na sagot ni Charley.

"Mali kami na mahal nyo ang isa't-isa?" kunot noong tanong ni Bobby.

"I love Jensen alright!" mabilis na sabi ni Charley.

"O di tama kami!" mabilis namang sabi ni Collin.

"Tama tayo na mahal ni Charley si big mac." Salo naman ni Brad.

"Pero mali tayo na akalaing mahal ni Jensen 'hot' Winchester itong si Charley." Dagdag ni Angel.

Parang maiiyak na si Charley, idinukdok nya ang ulo sa dalawang braso sa ibabaw ng lamesa. Wala namang nagawa ang lima nyang kaibigan, tanging mabilis na hagod sa likod ang ibinigay ni Collin at Brad kay Charley na katabi nya sa upuan. Nagkatinginan naman sina Angel at John... at si Bobby... tumayo sya sa kinauupuan at nilapitan ang kanyang best friend.

"Hey." Sabi ni Bobby, nakaupo na sya sa ibabaw ng lamesa sa tabi ni Charley. Nang magtaas ng tingin ang dalaga ay pumatak na ang luha ni Charley. Kinabig sya ni Bobby ay niyakap "Everything will be fine sweetie." Mahinang sabi ni Bobby habang hinhagod ang likod ng kaibigan na hindi na napigilang umiyak.

Kitang-kita lahat nila Sebastian at Jared ang eksena at narinig din nila ang usapan ng anim na may-ari ng Gladiators. Nagpunta sila sa law firm ng mga ito ng walang abiso dahil sa isang emergency case. Gusto sana ng Winchester & Sons na makipag-coordinate sa Gladiators katulad ng ginawa nila sa kaso ni Emmanuel Guevarra II. At ang topic na Jensen and Charley slash 'no commitment' ang eksenang kanilang inabutan.

Hindi rin lingid sa buong mag-anak na Winchester ang set-up nila Jensen at Charley. And all of them are worried with Jensen same thing as Gladiators are worried with Charley, pero ngayong narinig at nakita nila ang sitwasyon ni Charley ay may katagumpayan sa ngiti ni Sebastian. He knows his son loves Charley, at ngayong alam nyang mahal din ni Charley ang panganay na anak ay nakahinga ng maluwag si Sebastian.

Samantala si Jared ay andun pa rin ang pag-alala, his older brother loves Charley there's no doubt about that. And knowing that Charley loves his brother is really good news. But Jared knows his brother and somehow he knows Charley and he's not an expert but he knows how relationship could work. It isn't just about love... there's pride and fear, dalawang bagay na humahadlang sa pag-ibig na nararamdaman ng dalawa.

Napailing na lang si Jared, , kung basta pag-ibig lang sana wala ng problema ang kapatid nyang si Jensen at nakahulugang loob na din nya si Charley. Kung wala sanang pride... kung walang fear... magiging masaya na sina Jensen at Charley.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon