Di Palulupig!

2.6K 102 42
                                    

Pagkababa ni Jensen ay pumalit naman si Bobby, kinuha nito ang mike ng maghiwayan ang mga tao ay mabilis na inilagay ni Bobby ang hintuturo sa bibig. Tumahimik naman ang audience "That was a very entertaining performance Mr. Jensen Winchester." Sabi ni Bobby na itinuro pa si Jensen "Let's give him another warm of applause!" sabi pa ni Bobby sabay palakpak kasama ng mga bisita ng Professional Den.

"Syempre!" sabi ni Bobby ng humupa ang palakpakan "Hindi padadaig ang Gladiators" hiwayan muli ang mga tao "Ladies and gentleman let's bring on the stage the undefeated! The beautiful! The smart! Her royal sexy bitch...CHARLEY MENDOZAAA!!!"

Nagulat naman si Charley, kasabay ng paghiyaw ng "Charley, Charley, Charley!" ng audience ay ang paghila sa kanya ng sabay nina Brad at John para dalin sya sa mini stage, wala ng nagawa si Charley kundi ang kuhanin ang mikropono,binatukal muna nya ng warning look ang tatlong kasama sa Gladiator law firm pagkatapos ay bumulong si Charley sa banda.

Nang umintro ang makalumang style na awiting ay hiyawan ng "boooo!" ang mga umiinom na nanunuod. Pero natigil ang lahat ng magsimula ng kumanta si Charley.

"Pasumpa-sumpa ka pa! Ta**** Ka!" tulala ang lahat, "Na mahal na ma mo ako Ta**** mo!" iginalaw ni Charley ang isang kamay "Pinaibig mo ako ng todo at walang pagbabago" itinuro nya ang isang daliri kay Jensen "Makalbo man ang ulo mo."

"Sa tamis mong mambola, ta**** ka!" talagang may lutong ang huling lyrics na mura sa kanta ni Charley "Nauto mo naman ako ta**** mo." Hiyawan na ang mga tao. "Kaya ang resulta, mga panty ko ay naprenda." Binago ni Charley ang lyrics na brief at sinadyang pinalitan ng 'panty'. "Butas pa ang aking bulsa."

"Nung nakita mo ako ang sabi mo ako'y sexy" pinalitan muli ni Charley ang lyrics na macho at pinalitan pa nya ang ibang lyrics tulad ng Rambo. "na mukha ko ay gusto at nagtanan tayo." Dahan-dahang itinaas ni Charley ang isang kamay lagpas sa kanyang ulo "Di ko sukat akalain" ibinaba ni Charley ang kamay at malanding inihagod ang mga daliri sa mahabang buhok "Papalitan mo ako Darling" pumikit pa si Charley at dumilat na parang nang-aakit "Ako ay dumadalangin" Biglang iminulagat ni Charley ang kanyang mga mata kay Jensen sabay kanta ng lyrics "Sana'y matorotot ka rin!"

Sa instrumental ng awitin ay malandi ngunit poise at sosyal na iginiling ni Charley ang kanyang bewang, kasabang ng pag-giling ay dahang-dahan nyang itinaas ang dalawang kamay at kasabay ng dahan-dahan ding pag-ikot. Hiwayan ang lahat, mapababae at lalake. Gustong-gusto nila ang pag-indayog ng katawan ng dalaga. Suaveng-suave ito at sabay na sabay sa bawat melody ng instrumental.

"Sa tamis mong mambola, ta**** ka." Hindi na masyadong malutong ang huling lyrics kay Charley, sa halip ay sinabi nya ang mura na may karugtong na ungol "nauto naman ako ta**** mo." Inilagay ni Charley ang kamay sa tapat ng dibdib at malanding inihanagod ang kanyang kamay pababa habang maharot syang gumigiling. Lalong lumakas ang hiyawan. "At kaya ang resulta mga panty ko'y naprenda, butas pa'ng aking bulsa."

"Nung makita mo ako ang sabi mo ako'y sexy" Inilagay ni Charley ang kamay sa batok at patuloy na gumiling habang lumalakad. "Mukha ko'y gusto mo at nagtanan tayo" huminto si Charley at iginiling ang balakang na katulad ng sayaw ni Dina Bonnevie sa pelikulang magdusa ka. "Di ko sukat akalain, papalitan mo ako Darling, AKo ay dumadalangin Sana'y matorotot ka rin!" nagpakawala muli ng malanding ungol si Charley.

Pagkatapos ay niyari nya ang kanta "Pasumpa-sumpa ka paaaa..." tumingin sya kay Jensen sa huling lyrics ng awitin. "Ta**** ka!"

Palakpakan ang lahat, magkahalong tawa at hiyaw ang kasabay ng masigabong palakpakan. Ngiting-ngiti rin si Charley na nagflying kiss sa audience. May mga sumisipol ng "tweet-tweet!" hindi umalis si Charley ng stage hangga't di nahuhupa ang palakpakan, kinikindatan pa nya ang ibang kalalakihan. Para namang gustong mainis ni Jensen, lalo pa nga at nakatingin sa kanya ang kanyang mga magulang at kapatid na may nang-aasar na ngiti sa kanilang mga labi. Iiling-iling na tinungga ni Jensen ang alak sa kanyang baso.

"Moooreee! Mooorreee!" narinig ni Jensen na hiyaw ng audience, nanglaki ang mga mata nya ng sabihin ni Charley na "Sure!" hiyawan muli ang mga professional na customer ng bar ni Elias.

Mas malakas ang naging hiyawan sa pangalawang kanta ni Charley "Aray...aray naku...oohhh" sinabayan ni Charley ng malanding indayog ang bawat lyrics "kay sakit naman ng ginawa mo."Aray, o kay hapdi nitong puso ko."

Nagpatuloy si Charley na para bang sarili din nyang concert ang performance. Bawat lyrics ay buong damdamin nyang inaawit. Iniiwas nya ang tinging kay Jensen. tumpak na tumpak ang lyrics para dito. "Ang sabi mo ako lamang, ang pakakaibigin mo. Bakit ngayon ako ay iniwanan mo, hoh!"

"Araaaaayyy!" hiyawan ang tao dahil ungol na ungol ang kanta ni Charley. "Oh kay sakit naman ng ginawa mo." Mas tamang nagsasalita lamang kesa kumakanta si Charley "Araaaayyy!" ungol muli ni Charley kasunod ay ang masigabong hiyawan at palakpakan "oh, kay hapdi-hapdi naman nitong Pu...." Ibinitin ni Charley ang salitang puso, nang maghiyawan muli ay ngumiti si Charley na napakatamis sabay kindat.

"Malaki ang..." ibinitin muli ni Charley ang kasunod na lyrics ng kanta hindi nya sinabi ang 'pag-ibig' na lyrics, hiwayan ulit at pagkatapos ay kinanta nya ang kasunod na lyrics "na inalay ko sa'yo, sa tuwing maiisip' ayaw ko na......."

Iginalaw ni Charley ang mga kamay kasabay ng ulo "Ayoko na hano!" bahagya pang pinaasim ni Charley ang mukha "Ayoko ng umaray" at paungol na tinapos ang kanta. "Ayoko ng umaraaayy."

Mas masigabo ang palakpakan at hiyawan. Inis na inis naman si Jensen habang ngiting-ngiti naman si Charley pati na rin ang ibang Gladiators at syempre ang mga Winchester's.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon