Pulutan Again (part 2)

2.6K 83 23
                                    


"Question" kunot na kunot ang noo ni John Abad ng itaas ang kamay at magsalita ng makuha nito ang atensyon ng lahat ay humalukipkip ito at nagtanung kay Charley "bakit close ka pa din sa mother ng Jensen Winchester na yun?"

"Did Bobby failed to mentioned why?" bahagyang nagtaray ang tono ng boses ni Charley para i-point out na senseless ang tanong ni John dahil naikwento na lahat sa kanila ni Bobby ang lihim nila ni Jensen.

"No" sagot ni John "But I still don't get it, after what you've been through with her son why do you need to stay closed with the Winchester's?"

"I am not closed with the whole family members of the Winchester's, I am closed with the mother and the father, and I became friends with them ng walang kinalaman ang kanilang anak so I don't see any reason why I can't be close with them anymore." Sarcastic ang tono ni Charley.

"And you kept on being nice with the parents." Sabad ni Angel "Tell me Charley ano ba talaga ang plano mo sa Jensen Winchester na yan?" naninita ang tono ng maganda nyang kaibigan.

"Wala akong plano okay!" naiirita ng sagot ni Charley.

"Wala, pero sobra ang concern mo ng malasing!" nang-aasar na sabi ni Collin.

"Teka nga!" mabilis na awat ni Charley sa usapan "If my memory serves me right a month ago eh pinipilit nyo akong makipag-date and you Bobby Domiguez" itinuro ni Charley ang kanyang bestfriend "Ikaw mismo ang may sabing may mabibiktima na sana ako at si Jensen yun, tapos ngayon mga kontang-kontra kayo, ano ba talaga?"

"Eh hindi ko naman alam na may nakaraan pala kayo ni pogi." Depensa ni Bobby.

"So kung wala pwede, ganun?" sarcastic na naman na tanong ni Charley.

"Parang swimming pool lang yan Charley." Sagot ng best friend nyang si Bobby sa sarcastic nyang tanong "Alam mo ng malalim tumalon ka pa din, nalunod ka tuloy."

"Oh, okay..." tumatangong sagot ni Charley na kunwari ay kumbinsido sya sa logic ni Bobby "So ibig sabihin pag ibang tao okay lang na makipagdate ako para maloko, pero pag yung may history ako hindi na pwede ganun ba?" pinapairal ni Charley ang pagiging abogado at idinidipensa and point of view nya.

"Same logic with the swimming pool." Sabad naman ni Brad "kung dun sa una bigla kang tumalon kahit alam mong di ka marunong lumangoy sa ibang pool hindi ka na basta tatalon dahil alam mo ng di ka marunong lumangoy pag-aaralan mo muna kung hanggang saan lang ang kaya mong lalim at dun ka lang sa hindi ka malulunod."

Umiling-iling si Charley sa paliwanag ni Brad.

"Meaning" tuloy naman ni Collin "Si Jensen yung lumang pool at mukhang willing ka na namang malunod." Seryosong sabi ng kaibigan nilang si Collin and that is strange dahil bihira itong magseryoso.

"I really appreciated your concern guys..." parang sumusukong sabi ni Charley "Duly noted, but ease your minds dahil sinisigurado ko sa inyo na if ever tumalon man ako hinding hindi ako malulunod."

"So may balak ka talagang tumalon?" seryosong tanong ni Angel.

"Guys, will you stop being paranoid and assuming." Pilit na kinukumbinsi ni Charley ang mga kaibigan "He was just thankful sa kindness ko kagabi kaya may flowers and that's it. Wala pang nangyayari okay." Iminulagat pa ni Charley ang kanyang mata sa mga kaibigan.

"At kung may mangyari?" naghahamon na sabi ni Bobby.

"O kaya naman eh mangahas ulit itong si big mac Jensen para may mangyari?" nang-aasar na tanong naman ni Angel.

"Like I said hindi na ako malulunod." Confident na sagot ni Charley "Pwede ba tumigil na nga kayo." Naiiritang sabi ni Charley.

"Pinapaalalahanan ka lang naming babae." Sabi ni Brad "Concern lang kami sa'yo."

"Okay, concern na kung concern." Pagtatapos ni Charley sa usapan, iiling-iling ang mga kaibigan nya bago nagsimulang ituon ang kanilang mga atensyon sa trabaho.

Kinabukasan...

Nakatanggap ng tawag si Charley mula kay Jared, humihingi ito ng tulong sa gagawin nitong case study. Ang kasong hinawakan nilang pareho ni Jensen, ang Maxima Valdez vs Dick Villanueva kung saan ay natalo si Jensen. Nung una ay gusto sanang tumanggi ni Charley at pakiusapan ang kaibigang si Collin na ito na lamang ang tumulong kay Jared pero nakiusap si Jared at very convincing ang naging tactic nito para mapapayag sya. And since she said yes to Jared already wala na syang pinagsabihan ni sino man sa kasaman at kaibigan sa Gladiator, uulanin lamang sya ulit ng tukso ng mga ito.

Inilihim ni Charley ang mangyayari ngayong darating na week end na pinangalanan ni Charley na 'weekend with the Winchester Brothers in a condo' dahil napagkasunduan nila ni Jared na sa weekend gagawin ang nasabing case study, sa sarili nitong condo with the presence of his brother of course. Gusto sanang i-suggest ni Charley na sa bahay na lang nya kaso ay parang ipinapaalam naman nya kay Jensen ang bagong tirahan, isa pa ay ayaw din nyang mag-asikaso pa, maoobliga pa syang magluto at mag-gayak ng kakainin at iinumin ng magkapatid, not to mention snacks at syempre ayaw nyang magligpit pa ng magiging kalat ng magkapatid pagkatapos ng case study ni Jared.

At tatlong tulog na lang, the 'weekend with the Winchester brothers in a condo' will happen.

******

ANNOUNCEMENT ULIT:

I named the next chapter "case study", it consists of five parts. Since you guys enjoy this much I am going to publish all that five chapters tomorrow. As I've said madalian na po ito.

Anyone who used to read this I hope you will be back guys. And to those who are busy hope you will catch up on your reading when you have time, the brighter side di na po ninyo kailangang mag-intay. Thank you very much again.

******

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon