Prelude

12.8K 204 219
                                    

Nagising si Charley sa banayad na sikat ng umagang araw na nagmumula sa bintana. Nang imulat ni Charley ang kanyang mga mata ay bahagya pa syang nalito kung nasaan sya. Iginala ni Charley ang paningin sa loob ng silid na kanyang kinaroroonan.

Masculine cream ang pintura ng kabuuan ng silid. May table lamp sa gilid ng kama na hinihigaan nya. Kulay navy blue naman ang kurtinang naka-kabit sa may salaming ding-ding na sa tingin ni Charley ay pintuan para sa isang veranda. Tanaw ang isa pang building sa kabila ng kwartong inookupa nya.

Hindi rin naka-lagpas sa paningin ni Charley ang litrato nya na nakapatong sa bedside table lamp. At may kasama sya sa nasabing larawan, isang napakagwapong binata. Naka-akbay ang isang kamay nito sa kanyang balikat habang ang isang kamay naman nya ay nakahawak sa palad nito. Magkasalikop ang kanilang mga daliri.

Gwapo talaga ang lalaking nasa picture, he's wearing a simple gray t-shirt and denim pants. At sya naman ay naka-blouse na kulay puti na medyo malalim ang uka sa may dibdib, denim din ang kanyang pang-ibabang suot pero natatandaan ni Charley na paldang maong na mini iyon. That picture was taken two months ago, second Monthsary nila ni Jensen . . . ang gwapong binatang kasama nya sa picture.

Nag-selfie sila ni Jensen sa loob ng condo nito ng araw na iyon at ipina-develop ng binata ang kanilang picture pagkatapos ay inilagay sa frame. Jensen gave her a copy, at may nakasulat na "Happy Second Monthsary, Charles, Honey." sa litratong ibinigay nito sa kanya.

Nang maramdaman ni Charley ang isang brasong yumakap sa kanyang katawan ay bumalik sa kanya ang ala-ala, kagabi ay inaya sya ni Jensen na mag-dinner. Ang gusto sana ng binata ay sunduin sya nito sa kanyang dorm sa UP pero tumanggi sya. Charley is taking up law, and so does Jensen, pero sa La Salle naman nag-aaral ang binata.

Born and raised in the Philippines pero half Filipino, half Caucasian, American si Jensen. Purong Caucasian American ang ama ni Jensen, na dito na rin sa Pilipinas ipinanganak ng Lola ni Jensen na asawa naman ng isang War Veteran na nadestino dito sa Pilipinas nuong World War II. 

Parehas na mayaman ang pamilya nila Jensen at Charley, sa suporta ng kani-kaniyang magulang ay kaya rin niyang kumuha ng isang condo unit tulad ni Jensen. Pero mas gusto ni Charley ang tumira sa dormitoryo ng eskwelahang pinapasukan. 

What Charley wants is a simple life, there's something with simplicity na nakakapag-pa-amazed kay Charley. Isa pa ay may benepisyo ang simpleng pamumuhay, mas nagiging streetwise sya sa pakiki-halubiho sa masa. 

Para sa magandang dalaga ay hindi sapat ang matalino ka lang dapat ay matutunan mo rin kung pa'no maging streetwise. She needs to possess those two characteristics para maging isang matagumpay syang Abogado in the near future. Graduating na sila ni Jensen, two more months at pagkatapos ay magti-take na sila ng bar.

They have so many dreams. Mga pangarap na magkasama nilang binubuo. Two years sa kanilang time table ay nakikita nila ang kanilang mga sarili as successful Lawyers. Parehas silang matalino, both of them are doing pretty well in their academics. In fact running for Summa Cum Laude silang pareho ni Jensen sa kani-kanilang Unibersidad.

Kung papalarin na makapasa sa bar exam, at matupad ang dalawang-taon nilang time table, they're plan is to tie the knot. Pero hanggang sa kasal lang muna ang kanilang mga pangarap, marami pang kailangang gawin. They need to establish themselves first sa mundo ng Hustisya at mag-ipon to build a home para sa kanilang dalawa at sa kanilang magiging mga supling.

Hinapit ni Jensen si Charley palapit sa kanyang katawan, narinig ni Charley and bahagyang ungol ng binata. Nakatalikod sya dito at dama ng kanyang likod ang hubad na katawan ng boyfriend. Nang isik-sik ni Jensen ang mukha nito sa kanyang batok ay nakadama ng bahagyang kilabot si Charley. Ang bahagyang tumutubong bigote nito ay sumasayad sa kanyang batok, may dalang kiliti ang bigote at hininga ni Jensen na dumadapyo sa pagitan ng kanyang leeg at batok.

Dahan-dahang kumilos si Charley paharap kay Jensen. Bahagyang nangiti ang kolehiyala nang masilayan ang kagwapuhan ng lalaking kasiping nya sa kama. Jensen has kissable lips, mga labing para kay Charley ay ang sarap kagatin at halikan. Matangos ang ilong ng binata na binagayan ng pares na mga matang tila ba laging nangungusap, na kahit nakapikit ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon kay Charley. Lalo na kapag naka-mulat ito, may tingin si Jensen na para bang lagi syang hinuhubaran.

Sa tuwing titingnan sya ni Jensen nang malagkit ay di maiwasan ni Charley ang kiligin. There is something in his eyes na nagdudulot ng kakaibang kilig at sensation kay Charlie. Banayad na hinaplos ni Charley ang mukha ng boyfriend, she actually hate beard and mustache pero bagay na bagay kay Jensen ang bigote at balbas nito. 

Every other day ay kailngan mag-ahit ni Jensen, pero para kay Charley ay mas guma-gwapo ito at nagiging mas ruggedly handsome kapag tumutubo na ang bigote at balbas sa mukha nito. Dinampian ni Charley ng mabilis na halik ang mga labi ni Jensen, umungol ng bahagya ang binata at lalo pa syang kinabig nito palapit sa kanyang katawan.

Nang tumihaya si Jensen ay ipinatong ni Charley ang kanyang ulo sa hubad na dibdib nito. Banayad nyang hinaplos ang matipunong braso ni Jensen papunta sa matipuno din nitong dibdib. Kung nag-gi-gym man ang binata ay 'di alam ni Charley, magta-tatlong buwan pa lamang sila ni Jensen. At kagabi nga ay isinuko nya ang kanyang pagka-birhen sa binata.

Charley didn't nor ever will she regret that decision, although marami pa silang hindi alam sa isat-isa, at kailangan pa nilang kilalanin ang bawat isa. Para kay Charley ay hindi na mahalaga pa iyon, mahal niya si Jensen and he loves her. Ramdam nya ang pag-ibig ni Jensen at seryoso ito sa kanya and they have all the time in the world para kilalanin ang bawat isa, they have a lifetime para mahalin ang isat-isa.

Nang madako ang mga mata ni Charley sa ibabang bahagi ng katawan ni Jensen ay may sutil na ngiting pinakawalan si Charley. They say na 'kapag umaga daw ay mas malaki ang pagka-lalaki ng kahit sinong lalaki sa mundo, 'curious' si Charley sa kasabihang iyon. Tsinek muna ni Charley kung talaga bang natutulog pa rin si Jensen, nang makitang payapa ang paghinga nito sa pagitan ng malumanay na hilik ay dahan-dahang ikinilos ni Charley ang isang kamay patungo sa kumot na nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan ni Jensen.

Unti-unti ay ibinaba ni Charley ang kumot, nung una ay nasa bewang ni Jensen ang kumot. Gamit ang kanyang hintuturo ay unti-unting ibinaba ni Charley ang kumot pababa sa may puson nito. Bahagyang pinigil ni Charley ang hininga nang makita ang medyo manipis na buhok na tumutugon sa kung saan.

Nakatukod ang isang siko ni Charley at ang mukha nya ay nakatapat sa may sikmura ni Jensen. Muling tinanaw ni Charlie ang boyfriend, mahimbing pa rin ang tulog nito. Nagpakawala ng isa pang sutil na ngiti si Charley at bahagyang ini-angat ang kumot na nagtatakip sa pagkalalaki ni Jensen. Pumikit muna si Charley bago ini-angat ang kumot. Bago pa sya maka-dilat ay may kamay na pumigil sa kanyang braso sabay sabi ng baritonong tinig:

"What do you think you're doing?"




When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon