Pulutan Again!

2.6K 91 25
                                    


Ganun na lang ang kantiyaw na inabot ni Charley sa mga kasamahan ng ideliver ang tatlong dosena ng iba't-ibang kulay ng rosas sa kanilang opinsina. Hindi sinabi ng delivery boy kung kanino nanggaling ang mga bulaklak. Nag-unahan ang lima nyang kaibigan sa paghahanap ng card habang pinipirmahan ni Charley ang delivery receipt ngunit nabigo ang lahat dahil walang kalakip na card ang nasabing bulaklak.

"At sino naman ang malas na lalakeng nabiktima mo Charley Mendoza?" nanunudyo ang ngiti ni Angel sa kanya.

"Maaa!" sagot ni Charley na ang ibig sabihin ay 'malay ko' nakangiti pa rin si Charley habang inaamoy ang mga bulaklak.

"Tsk,tsk,tsk." Iiling-iling na palatak ni Collin "Kawawang lalake!" sabi pa nito.

Nang mag-ring ang cellphone ni Charley ay napa-isip sya, hindi naka register sa phonebook nya ang numerong lumitaw sa screen kunot noo si Charley at iniisip kung sasagutin ba nya ang tawag. Nang biglang agawin ni Colin ang kanyang cellphone, pinindot nito ang answer call at inilagay sa loud speaker para marinig nilang lahat ang kung sino mang tumatawag kay Charley. Malakas ang palagay ni Collin na ang nagpadala ng tatlong dosenang rosas ang tumatawag sa kanilang kaibigan.

"Hello" sabi ng baritonong boses sa kabilang linya, pilit na inagaw ni Charley ang cellphone sa kaibigang si Collin pero hindi ito ibinalik ng kaibigan sa kanya sa halip ay sumeyas ito ng 'sshh' at iminostra na makipag-usap sya sa lalakeng nasa kabilang linya habang hawak ni Collin ang kanyang cellphone.

Wala ng nagawa si Charley kundi ang sumunod, mas malamang na ang kaibigan ang sumagot at baka mahalagang kliyente nya ang nasakabilang linya eh mabulilyaso pa. "Who is this?" sabi ni Charley habang binabatukal ng matalim na irap si Collin.

"Hey, Charley, it's me Jensen." halata ang masayang tono sa boses ng gwapong binata.

"How did you... where did you get my number?" shock si Charley, habang ang mga kaibigan nya ang lumapit sa kanila ni Collin na para bang kulang ang loud speaker ng kanyang cellphone para madinig ng mga ito ang pakikipagusap nya kay Jensen Winchester.

"Mom gave it to me? I asked actually" pinilit ni Jensen na maging confident sa kanyang sagot.

"And why would you ask my number?" may pagtataka pa rink ay Charley.

Dinig ang malalim na buntong hininga sa kabilang linya bago muling sumagot si Jensen "Do you like the flowers I send you?" may bahagyang authority ang tono ng boses ni Jensen.

"Sa'yo galing ang bulaklak?" hindi napigil ni Bobby ang di magsalita.

"Wha... who..." parang nalito naman si Jensen "Am I on loud speaker?" diretsong tanong ng binata kay Charley.

Matalim na tingin ang ibinigay ni Charley sa bestfriend na si Bobby bago sumagot kay Jensen "Why did you send me flowers?" sinadya ni Charley na hindi sagutin ang tanong ni Jensen kung naka-loud speaker ba ito.

"I just wanted to thank you for last night." Sabi ni Jensen.

"What happened last night?" mabilis at sabay na tanong nila John at Brad.

Mabilis na sumenyas ng 'shhh' si Charley sa mga kaibigang abogado kasabay ng pagmulagat ng kanyang mata. Bago pa sya makapagsalita ay muling nagsalita si Jensen.

"Thank you for bringing me home." Sabi ni Jensen halatang tini-tease na sya ng binata dahil obvious ng naririnig ng mga kasamahan nya ang sinasabi nito.

"You bring him home!" halos sabay-sabay na sabi ng lima nyang kaibigan. Natawa naman si Jensen sa kabilang linya. Parang nanghihina si Charley na inihagod ang dalawang palad mula sa noo hanggang sa kanyang buhok. Hindi na sya nagsalita.

"I've got to go." Natatawa pa ring sabi ni Jensen "Nice talking to you guys!" sabi pa ng gwapong binata na ang tinutukoy ay ang lahat ng Gladiators pagkatapos ay nag-end call na ang tawag.

Kabilaan at palitan ang naging pagtatanong ng limang matitinik na abogado kay Charley, para syang isang akusado na binabato ng mga tanong tulad ng "why did you take Jensen home?" "Are you out of your mind?" "What happened?" "What is going on?" "Are you nuts?" at walang nagawa si Charley kundi ang itaas ang dalawang kamay at sabihing...

"STOP!" huminga muna sya ng malalim saka muling nagsalita "huwag nga kayong mga OA, walang nangyayari sa amin okay. I saw him at Professional Den last night and he was so drunk I called her Mom and told them his situation, dumating si Sebastian... he had his car with him, problema yung kotse ni Jensen so Sebastain asked me if I can drive Jensen's car, and I did." Tiningnan isa-isa ni Charley ang mga kaibigan tinapos nya ang kanyang speech "Nothing is going on between me and that Jensen Winchester." Pinili ni Charley na gamitan ng 'that' ang pag-address nya kay Jensen, it sends a message na he's nothing important. 

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon