Mister Suave

2.8K 99 61
                                    

Sabado nights!

Sa 'Prefessional Den'... ang bar na pag-aari ni Elias.

Laging puno ang bar ni Elias dahil nga sa tambayan ito ng mga professionals lalo na nga kung rush hour. Pero puno rin ang bar kapag araw ng sabado dahil sa live band na nagpi-perform at syempre ng dahil sa pakulo ni Elias na open mike.

At kahit mag-aala-una na at lagpas hatinggabi na ay punong-puno pa rin ang Professional Den. Kakaiba ang gabing ito kumpara sa mga nakakaraang gabi ng Sabado sa history ng bar ni Elias. Kumpleto ang grupo ng Gladiators as usual. May mga tinatapos silang kaso pag araw ng Sabado kaya pumapasok pa rin sila. Minsan nga kahit linggo ay may tao ang kanilang Gladiator's office depende sa kung sino ang may matinding kaso na dapat pag-aralan. And they usually end up relaxing sa Professional Den.

Pero hindi ang Gladiators ang nakapagpabago sa pangkaraniwang bar. Present ang Winchester and Sons, kasama ng mga ito si Ellen ang ilaw ng kanilang tahanan. Regular customer ni Elias ang mag-asawang Winchester pag romantic evening ang motif ng bar. At ang magkapatid na Winchester naman ay regular na umiinom ng ilang shot habang nagpapalipas ng oras. Pero ngayong gabi ay present ang mag-anak na Winchester at sa Sabado nights pa.

Isa pang nakadagdag para maging espesyal ang gabi ay ang dalawang kasama ni Elias na tumutulong at nagsi-serve sa bar. Bumisita ang mga kaibigan nyang sina Andi at Nikki, barista si Andi sa coffee shop na "Ailuv Coffee and Cup cakes" Si Nikki naman ay manager ng ice cream parlor na "Scoops & Sprinkles". Kasama nila Andi at Nikki ang mag-asawang Bogs at Jojie pati na rin si Sir Ned, Bryan at Richie.

Maliban sa Winchester's, at magagandang bisita na nag-seserve sa bar na sina Andi, Nikki, ay umuwi din ng Pilipinas ang sikat na Fil-Am Author na si Elydia Reyes Scurlock. Kasama ng nasabing tanyag na manunulat ang asawa nitong si Josh Scurlock at ang kapatid nitong si Johnny at girlfriend nitong si Ana. Kasama din ang mga kaibigan nilang sina Kyle, Liza, Ace, Alex at Tony.

Present din ang mag-asawang Lorraine at Henry, kasama nila sina George at Vianna. Andun din sina William, Lucy, Adrian, David at ang misis nitong si Maggie.

Nagpunta rin ang love triangle na sina Faye, James at Cameron. Pero isinantabi muna ni Cameron ang pagiging impaktita at ini-enjoy ang Sabado nights ng Professional Den. Lumuwas din sina Jade, Jack at Ally at naisipang dumaan sa sikat na club ni Elias. Andun din sina Barry, Dean at Mei Ann. At syempre hindi mawawala ang mag-kinakapatid na Xein at Zienna and as usual bodyguard na naman nila ang nakakatandang kapatid ni Zienna na si Zeig.

Pagkatapos magperform ng banda ay ini-announce ang "open mike", ganun na lang ang hiyawan ng mga tao sa loob ng Professional Den. Tumayo si Sebastian Winchester, lalong lumakas ang hiyawan. Tanyag ang batikang lawyer na si Sebastian at exciting kung ito ang unang kakanta sa open microphone.

"I'm not going to sing." Nakatawang sabi ni Sebastian, itinaas nito ang isang kamay para awatin ang mga taong humihiyaw ng "boooo!" ng tumahimik ang lahat ay sinabi ni Sebastian na ang panganay na anak na si Jensen Winchester ang kakanta.

Nagulat naman si Jensen, umiling ang gwapong binata habang iminomostra ang dalawang kamay at sinasabing "No,no,no,no!" pero makulit ang mga guests ng Professional Den, isinisigaw ng mga ito ang pangalang Jensen. nakigaya na rin ang grupo nila Elydia at ang grupo nila James, pati na rin sina Jack, sa pagsigaw ng "Jensen, Jensen, Jensen!" kahit na nga sa dyaryo at tv lamang nila kilala ang matikas at magaling na binatang abogado.

Walang nagawa si Jensen kundi ang tumayo, lalong lumakas ang hiyawan at palakpakan ng kunin ni Jensen ang mikropono sa ama. Nang umalis sa stage si Sebastian ay nagsalita si Jensen.

"This is so unexpected!" iiling-iling na sabi ng gwapong binata, halata ang pagka-ilang ni Jensen pero kayang palisin ng magandang ngiti ng binata ang pagkailang. Lumapit si Jensen sa banda at may ibinulong pagkatapos ay bumalik ang binata sa gitna ng maliit na stage at sinabing "BRACE YOURSELVES PEOPLE!!!"

At ang pag-intro ng kantang Mr. Suave ng parokya ni Edgar. Hiyawan ang mga tao.

"Nasa ulap ba ang iyong mga mata?" simula ni Jensen, natahimik ang lahat.

"Mukhang malayo ang iyong pagtingala."

"Pakay ko lamang na ika'y pangitiin"

"Ito'y aking lambing" suaveng suave ang boses ni Jensen.

"Subok na ang aking pag-ibig" bahagyang iginiling ni Jensen ang balakang, hiyawan naman ang mga tao sa loob ng Professional Den.

"Ikaw lamang sa buong daigdig" huminto sa banayad na pag-giling si Jensen at itinuro ang isang kamay sa kawalan.

"Tinitibok na puso koy dinggin" inilagay ni Jensen ang kamay sa tapad ng didbdib "Sumama ka na saakin!"

"Ako si Mr. Suave!" tumagilid si Jensen pero nakaharap ang mukha nya sa audience "Ohhhh, grabe" gumalaw-galaw ang isang paa nito kasabay ng pag-galaw ng bewang. "Habulin ng babae, araw ma o gabeee" palakpakan ang lahat.

Pagkatapos ay humarap si Jensen "Oo ako si Mr. Suave." Iginiling nito ang balakang na para bang member ito ng sex bomb dancer "Oooh grabe" gumigiling si Jensen pataas at pababa. "Hayop kung dumiskarte, wala silang masabe!"

"Kaya wag kanang mag-cry" lumakad si Jensen sa gawi ng table ng Gladiators "Problemay ibaon sa limot" Itinuro ni Jensen si Charley "Pagkat nandito lang ako." Inilagay ni Jensen muli ang kamay sa dibdib "Umiibig sa iyo."

"Hoy,hoy,hoy," kumindat si Jensen kay Charley "Hoy,hoy,hoy" at lumakad ang binata palayo sa lamesa ng Gladiators. "Hoy,hoy,hoy," itinaas ni Jensen ang microphone at itinapat sa audience. "Hoy,hoy,hoy" palitan sya at ang mga tao sa lyrics ng kanta na "hoy, hoy, hoy!"

"At kung kailangan na ika'y paligayahin." nakataas ang isang kamay ni Jensen, nakakiling ang kanyang ulo at nakapikit ang mga mata habang kumakanta. "Wag mag-alinglangang na ika'y lumapit sa akin." Iginiling na muli ng binata ang kanyang bewang, this time mas malandi ang kanyang giling habang nakapikit pa rin ang mga mata "Hatid sa atin ng suave kong bigote" Dumilat si Jensen sabay hagod sa kanyang bigote. "Ang smooth na smooth na kilite." Ngumiti si Jensen ng nakakahalina, sinabayan din nya ng nakakahalinang tingin. Hiyawan ang mga babae sa loob ng Professional Den at lahat ng babae maliban kay Charley.

"Pagkat ako si Mr. Suave" ibinaling ni Jensen ang mga mata kay Charley, nakaharap sya sa audience pero ang mga mata ay nakasulok at nakatingin sa dalaga "oohhhh gabe" gumiling muli si Jensen pero mas tamang para kay Charley ang giling nya ngayon dahil dito sya nakatingingin. "Habulin ng babae, araw man o gabe!"

"OO ako si Mr. Suave, oohhh grabe." Inalis ni Jensen ang mata kay Charley at hinarap ang audience "hayup kung dumiskarte, grabe sa swabe" parang nagko-concert talaga ang binata muling nagpalipat-lipat ang mike sa kanyang bibig at sa audience habang muling kinakanta ang lyrics na "Hoy,hoy,hoy!"

At sa pagtatapos ng kanta ay nag-bow si Jensen, at katulad ng inaasahan, malakas na palakpakan at hiyawan ang sagot sa performance ni Jensen. ngiting-ngiti ang binatang abogado, nag-flying kiss pa ang gwapong binata bago bumaba ng stage.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon