Chapter 23 : Lie - Realization

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alam ko. Saka kahit naman ipasa ko yan, absent pa rin ako eh." sabi niya habang nililigpit ang mga gamit niya.

Ha? Bakit?

"Abno ka ba?" tanong ko naman sa kanya.

Masaya pa siyang absent kami?

"Sigurado naman akong mali-mali sagot ko dyan eh. Kaya pag chineck ni Ma'am yan, parang absent na rin ako." nakangiti niyang sagot tapos tumawa pa siya.

Pucha mali yung kinopya ko?! Buti na lang hindi ako nagpasa, kundi sira record ko sa pagsagot ng Math problems. At least, kahit hindi ako nagpasa, iisipin lang nilang tinamad ako. Eh kung pinasa ko yung sagot ni Allen baka napahiya pa ako. Hehe

"So, ano balak niyo? Magba-basketball na naman ba kayo o uuwi na kayo?" bigla niyang tanong nang maisukbit na niya sa balikat niya yung bag niya.

"Ikaw, ano bang gusto mong gawin?" tanong naman ni Jomar sa kanya.

"Wala. Gusto ko nang umuwi eh." sagot niya.

"Eh di punta na lang tayo sa inyo! Patingin naman kami ng bahay niyo! Hindi pa namin nakikita bahay mo eh!" excited na sabi ni Jason. Parang babae naman 'to!

"Eh? Si Karl kaya nak--" hep! Shut it up, Allen! Hindi alam ng dalawa yung pagpunta ko sa bahay mo!

"Si Karl ano?" tanong ni Jason.

"Wala par! Loko-loko lang 'tong si Allen, gusto akong pagtripan." palusot ko, sana tumalab.

Yuck! Kadiri naman 'tong si Allen! Dinidilaan yung kamay ko! Pero hindi ko tatanggalin ang kamay ko hangga't hindi pa kami tapos sa issue.

"Ah, akala ko naman nakapunta na si Karl sa inyo." sabi na lang ni Jason saka tumayo at lumabas ng room.

Wew! Akala ko mabubuking na ako eh.

"Par, ano?" biglang tanong ni Jomar.

"Sige, par, una na muna kayo sa baba." nakangiti kong sabi sa kanya at agad naman siyang tumayo.

Nung makalabas na si Jomar at masigurado kong wala nang tao sa room, bukod sa aming dalawa ni Allen, ay hinarap ko siya.

"Allen, wag na wag na wag na wag na wag na wag na wag na wag mong sasabihin na pumunta ako sa inyo ha?" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Sa dami ng 'wag' sa sinabi mo, mukhang may tinatago ka. Ano ba yun?" tanong niya.

Oh, shut up! Ayokong malaman nila na pumunta ako sa bahay ng isang lalaki, bakla pa at that one!

"Wala! Basta wag mo na lang sabihin na nagpunta ako sa inyo, please?" pakiusap ko sa kanya.

"Okay." sagot niya lang tapos nilagpasan niya ako at lumabas na kami.

ALLEN'S POV

Bakit kaya ayaw niyang ipasabi na pumunta siya sa bahay? As if namang ikukwento ko mga nangyari sa amin dun 'no?

Pababa na kami nito mula sa room namin.

Malakas na nagtatawanan ang dalawa sa harap na para bang ngayon lang sila nakarinig ng joke tapos si Karl naman pinanlalakihan ako ng mata pag sinisiko ko siya. Hindi naman sa pinipilit ko siyang sabihin yung reason kung bakit ayaw niyang ipasabi na nagpunta na siya sa bahay kaya ko ginagawa yun, pero parang ganun na din naman. Hahaha.

"Stop it, Allen! I told you. Don't say a thing about me going to your house! Wag kang makulit!" pabulong niyang sigaw sa akin habang nakapamulsa siya.

Angas naman ni crush! Hahaha.

Pero siniko ko ulit siya! Hahaha.

"Argh! Allen naman! Wag kang makulit!" nagagalit na ba 'to? Bakit ang hot niya? Hahaha.

So Into You (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon