Chapter 23 : Lie - Realization

Start from the beginning
                                    

Grabeeeeeeee! Isang pakilig na moves pa nito ni Karl, yayakapin ko na siya ng mahigpit! Ang cute niya kasi eh. Lakas maka-panda! Haha. Bakit!? Ang cute kasi ng panda eh! Huehue.

"Allen?" bigla niyang tanong. Ayan na! Magsisimula na siya! Mga braso ko, humanda na kayo sa pagyakap sa pinakamamahal kong si Karl Vincent Anacleto! Huehue.

"Yep?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"I like you"

Peste! Sino nagsabi nun? Magpakita kaaaaa!

Parang nagitla naman si Karl ng marinig niya iyon. Nung lingunin ko naman siya ay nakita kong namumula yung mga pisngi niya.

"Ikaw ba nagsabi nun?" tanong ko sa kanya.

Mariin naman siyang umiling. Sino yun?!

Bigla siyang umayos ng upo at binigay ang cellphone ko.

Andun na eh. Konti na lang, heaven na eh. Bakit kailangang may umepal pa? Naaaay! Baaakeeet!?

KARL VINCENT'S POV

SAVED! Thanks to that mysterious guy na nagsabi ng 'I like you'. He really saved me that moment.

I was going to tell Allen kasi that I am starting to like him na. Yeah, that. Romantically, yes.

Hindi ko alam kung paano nangyari, pero kay Allen lang talaga tumibok ang puso ko na para akong aatakihin. Tch, corny ko.

Buti na lang at may nauna sa akin. Kundi pinairal ko na naman yung pagiging impulsive ko.

Siguro nga may nararamdaman ako kay Allen pero tama namang pag-isipan ko muna 'to diba? Baka I'm getting the wrong idea lang kasi eh.

"Par, kanina ka pa tulala. Matatapos na kami sa seatwork, ikaw ni pangalan wala pa." pabulong na sabi ni Jason.

Oh yeah! Pesteng utak 'to! Bakit ba ngayon pa iniisip si Allen?

"Pass your papers! This seatwork will serve as your attendance." biglang sabi ng prof namin.

Oh, shit! Makikikopya na nga lang ako kahit sagot na lang.

Lumingon ako sa kaliwa ko at natiyempong tumingin din sa akin yung katabi ko.

Kailan pa naging ganyan ka-kislap mga mata nyan? Parang dati hindi naman ganyan mga mata niya ha? Nag-contact lens ba siya? Ang ganda kasi eh, bumagay sa mukha niya. Tapos yung ilong niya, ganyan na ba talaga katangos yan? Parang hindi ganyan yan dati ah? Tapos yung pis--

Oh shit! Wag mo munang ipasa papel mo!

"Hoy! Bigay mo nga sa akin yan!" wait lang! Pakopya lang ng dalawang items! Sandali lang ako!

"One, two, three..." bilang pa Ma'am. I-pressure niyo ako!

Ayan! May sagot na ako! Pangalan na lang.

Ayan! Tapos na! Pasa ko na!

Wait! Asan si Ma'am?

"Wala na si Ma'am. Umalis na. Ang sama nga ng titig sa'yo eh." biglang sabi ni Jason.

Tch. Wala rin palang kahihinatnan yung pagkukumahog ko.

Patay! Papel pala ni Allen yung kinopyahan ko! That means, hindi rin siya nakapagpasa! Lagot! Susungitan na naman ako nito.

Dahan-dahan ko siyang nilingon kasi natatakot ako sa magkasalubong niyang kilay. Pero nagulat ako nang makita kong kalmado lang yung mukha niya, parang balewala lang sa kanya yung fact na absent kami sa klaseng 30 minutes naming in-attend-an.

"Allen?" bungad ko. Baka biglang sumabog 'to eh.

"Yep?" tanong niya. Hindi siya galit?

"Absent tayo." monotonous pero kabado kong sabi.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now