Lost Academy 6: Forbidden Zone

Beginne am Anfang
                                    

    "Di ko talaga inaakala na makakatakbo ako ng gano'n kahaba." sabi ko sa kanila while looking at the path we took off running. I may have turned right at a certain point and notice some weird warning signs pero binalewala ko iyon. Sa isip ko kanina baka hinahabol kami ni Chada only to find out na parang tanga kaming tumatakbo nang walang humahabol.

    "Neither did us." sabi ni Kayle na nakahawak pa rin sa nanginginig niyang tuhod. Napagod nga ata siyang tumakbo. I looked around the place. Nahinto pala kami sa isang madilim na hallway. This school is really huge to have this kind of hallway pero mukha kinapos ata sa kuryente ang parteng ito.

    "Kayle, eto na ba yung kabilang side ng school?" sabi ko habang lumilingon-lingon sa paligid habang busy silang magreklamo sa strain na naramdaman nila kakatakbo.

    "I think so, hindi pa ako nakakarating dito." sabi niya.

    "Bakit naman?" curious na tanong ko.

    "Nakapagtataka, hindi ako pamilyar sa lugar na ito." Nagtaka naman ako nang bigla siya mapahinto sa pagtingin niya sa paligid. "We need to get out of here now!"

    "Susmaryusep!" biglang sambit ni Ashley at tila ba'y ang lugmok na stado niya kanina ay napalitan ng pagkataranta. Agad naman akong hinila ni Ashley saka nagmamadaling tumakbo papunta sa maliwanag na hallway.
    "Bakit?!"
    "This is the forbidden zone." paliwanag ni Kayle habang tumatakbo ulit kami.

    "What do you mean forbidden zone?" sa halip na sagutin ako ay tinanong ako ni Kayle ng isang tanong na hindi ko alam kung paano sagutin.

    "What is it with you and trouble?" Is she blaming me? As if she read my mind, nagpatuloy siya sa pagsasalita. "I'm not blaming you pero hindi ka pa nagsisimulang mag-aral, marami ka ng gulong napasukan."

    "Ano ba kasi ang forbidden zone?"

    "Parte ito ng North Wing. We're not allowed to step foot here. Remember, upperclass na ito. Double the special class and you get twice the danger here. Ganyan kalala ang sitwasyon natin ngayon."

    "Naloko na." Tinakasan nga namin si Chada, napadpad naman kami sa North Wing. Konti nalang at maaabot na sana namin ang maliwanag na hallway nang bigla akong makaramdam ng panlalamig sa paanan ko at paniguradong maging sila Ashley at Kayle kung kaya naman napahinto ako sa pagtakbo.

    "Anong-?" Ashley forcefully grabbed me to continue running.

    "Don't stop running. Isa ito sa mga effects sa kung sino man ang aapak dito sa forbidden zone. Ang malamig na gumagapang sa paanan natin 'yan yung usap-usapag fog. Nakakaparalyze ang fog na'to kapag umabot sa ulo that's why don't stop running. Kailangan natin makalabas dito ng mabilis." pagpapaliwanag ni Kayle. I'm glad na napakaknowledgeable ni Kayle sa mga ganitong bagay.

    "We're not gonna make it." nasa may balikat ko na ang fog na sinasabi ni Kayle at nasa isang metro pa ang kailangan naming takbuhin para makalabas sa madilim na hallway na ito. The fog is reacting fast. "When we first came here, bakit hindi agad nagreact ang fog?"

    "It's a leeway for those who mistakenly turned here but we ran too deep in this hallway to even consider it as a mistake. Bakit hindi ko agad napansin?"

    "Hawak kayo le-levitate tayo." sabi ni Ashley humawak naman agad ako pero nung maingat na kami ni Ashley napabitaw rin agad ako nang may naramadaman akong humihila sa paanan ko. May kung anong pumulupot sa kanang paa ko, paakyat sa hita ko. What the-!

    "Asper!" sigaw nila nang nakalutang na sila, I was a step too late kina Ashley since ako ang napapwesto sa likuran nilang dalawa. Pilit ko namang hinihila yung paa ko sa mga pumupulupot dito. Hindi kinaya ng kasalukuyang lakas ko ang pagkawala sa higpit ng pagkapulupot nito sa kanang paa ko.

Lost Academy Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt