Lost Academy 5: The Chess System

Magsimula sa umpisa
                                    

"Don't you think, magsta-standout ako? I mean, hindi ako naka-uniporme."

"I can lend you one if you like, mukhang parehas lang naman tayo ng katawan." tumango na lamang ako sa sinabi ni Kayle. Hindi na ako nagdecline pa, I need as much help I can have and they're willing. Walang lugar ang hiya sa sitwasyon kong ito.

Matapos kong suutin ang uniporme na saktong-sakto lang sa katawan ko ay agad kong tiningnan ang kabuuan ko sa salamin. Pleated dark gray skirt na hanggang mid-thigh lang, white long sleeves na may vest na light gray tapos kulay orange na ribbon sa may kwelyo. Surprisingly, against my expectation, hindi naging mainit ang uniporme kahit na tirik na tirik ang araw sa labas. Malamig sa balat ang unipormeng ito.

"Ready?" tanong ni Kayle pulling me out of my reverie.

"Ready."

***

"Asper, ayan nasa harap nanatin ang pinto. Basta wag kang kakabahan ha? Act normal na parang nakita mo na yung mga abilities na ganun okay? tapos magpakatatag ka kahit kinakabahan ka o natatakot ka kayanin mo kundi pagtitripan ka ng mga yan at isang paalala pa, hindi sila magandang biruin." paalala ni Ashley.

"Feeling ko Ashley pinapakaba mo lang sya. Ang kailangan mo lang tandaan Asper. Hindi lahat katulad namin ni Ashley. Be careful." bilin din ni Kayle. I smiled at them.

       They're acting like they're my mom. Pakiramdam siguro nila, responsable sila sa akin.

"I will and besides, kasama ko naman kayo." sabi ko nalang.

"Act natural." bulong ni Kayle. Tama, matapang ako. Matapang na matapang. There's nothing I can't handle. Pinapalakas ko pa lang ang loob ko nang mapabaling ang mata ko sa isang nilalang na hindi ko madescribe ang mukha. I almost screamed out loud.

The walk all the way to the food corner is not really pleasant. Halos lumuwa na ang mga mata ko sa nasasaksihan.

Maraming estudyante sa cafeteria ngayon, kanya kanyang table each group like normal schools pero ang pinagkaiba lang ay may kakaibang ability each students, hindi man pinapakita ng ilan ang kani-kanilang kakayahan pero mahahalata mo pa ring kakaiba sila. Sa pananamit, tingin at maging sa itsura talagang kakaiba.

      There's a standard uniform alright pero sa nakikita ko, my worry earlier was unfounded. With just my casual clothes, ni hindi ako mapapansin! that's how crazy the fashion sense of some students here.

What's with those cheerleaders na may fairydust sa paligid nila?

       May isang tao pa akong nakitang nagpapatubo ng halaman upang magbunga ng pagkain. Just wow, hindi na ata 'to kakayanin ng utak ko. May isa pang nagtatransform mula sa pagiging tao hanggang sa pagiging butiki at tila'y ginagamit niya iyon para magpasikat. Sa halip na tumitig ay pinilit ko nalang ang sarili ko na huwag na silang tingnan.

Nasa pila na kami ng pagkain nang bigla kong maisip ang napakaimportanteng bagay.

        "Kayle, pano ba bayaran dito?"

"Ma-" magtatanong pa sana ako nang may bigla kaming narinig na tili at isang kalabog.

"Ayon. Bagsak si barbie." pipigil tawa na sabi ni Ashley. Ayoko sanang tumawa dahil hindi tamang pagtawanan ang naaksidente pero nakakatawa talagang sinabi ni Ashley. What is wrong with her?

"You-!" natigil ang tawa ko nang bigla kong mapansing dinuro ako ng babaeng nadulas.
"Me?" turo ko sa sarili ko.
"Yes you. Why are you laughing?!" napatingin naman ako sa paligid. Everyone was laughing so bakit ako lang tinatanong niya? This is unfair. In the first place, ang rason kung bakit ako tumawa ay dahil kay Ashley, hindi sa kanya. Did she just pick a fight with me just because I look easy to pick on to?
"Problema mo?"
"Bitch!" pasugod na sana ang babae sa pwesto namin nang biglang may malakas na sumabog, agad naman kaming napalingon doon. Yung pinto ng Cafeteria yung sumabog at may nakita akong mga tao sa gitna. Really? Kailangan talaga grand entrance?

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon