Lost Academy 3: Kuya!

Start from the beginning
                                    

        Surprisingly, habang tumatagal ako rito at nakikinig kay Kayle, the tension I felt earlier slowly subsided. I'm more confused now than frightened.

Something tells me na alam kong may ganito sa mundong ito. I wasn't the one that closes all the possibilities in this world. Siguro deep inside me kahit noon pa man, naniniwala na akong may mga kakaibang nilalang talagang nabubuhay.
   
      Ang hindi ko lang talaga matanggap ay ang katotohanang sa ganitong pagkakataon ko pa nadiskubrehan kung kailan ko pa talaga mapapatunayan na may kaya akong gawin gamit ang utak ko na noon ko pa man hinahasa sa academics.

Ngayon pa na isang prestihiyosong paaralan ang Moon's Academy at may pagkakataon akong mangibabaw sa mga kaedaran ko. Tapos nga mapupunta ako sa sitwasyong ito? This is unfair.

Wala akong ibang masisisi kundi ang nagmamay-ari ng sasakyang sinakyan ko kanina, ang may hawak ng manibela at ng mapa. Pati narin sa maleta kong hindi ko nadala. Anong naisip niya at dinala niya ako dito?

"Kuyaaaa!" nasigaw ko nalang sa sobrang panggigigil matapos kong I-absorb ang lahat ng detalye sa kwento ni Kayle. Halos mag overload na nga ang sistema ko dahil sa mga nalaman ko ngayon. "Kasalanan mo 'tong damuha ka!"

"Hey chill ka lang Casper...Ay Daster? Master? Aster? Gangster? Ay basta ewan sa pangalan mo." sabi ni Ashley.
"Asper, Ash." pagtatama ni Kayle
"Okay Aster."
"Asper." pagko-correct ko sa kanya.
"Basta yun Asmer."
"Asper nga."
"Ay lintek basta kung ano man yang pangalan mo, yun na yun." Napatampal nalang ng mukha si Kayle sa inaasta ni Ashley while I was taken aback.

      "Ang importante buo ka, one piece at walang nanakit sa'yo. Kakaiba man kami pero tulad nga ng sinabi ni Kayle kanina, tao pa rin kami. The values that we know of are still similar to yours. Gets mo? Kaya hindi mo kailangang matakot kasi kung anong kaba mo ay ganon din ang nararamdaman namin ngayon. We never heard of anyone not knowing anything about us, this is the first time. If having ability is abnormal to you and it's normal to us, wasn't it also the same with us? You not knowing anything is also abnormal for us."

       Fair enough. She really made sense. Everything seems so hard to believe pero kung ganitong klaseng tao rin naman ang makikilala ko I feel some sense of assurance.

      They've been very considerate and careful with me since the beginning. I'm not paying kindness with hostility.

"I get your point." finally, I was able to relax and my rational self resurfaced.
"So okay na tayo Luster?"
"Asper."
"Asner?"
"Ash." sabi ni Kayle in a warning tone.

"I was just joking." Seeing them, hindi ko na alam kung matatawa ba ako o hindi. Itong si Ashley kasi, ang gulo gulo. Dalawang syllable na nga lang pangalan ko hindi pa masabi ng tama.
    
      It's amazing how one second, I was close to running away in fear for my life pero ngayon parang ang gaan-gaan na ng mood.

"Kung matawag mo ng tama ang pangalan ko then we're good." pagbibigay kondisyon ko.

"Then we're good." sabi ni Ashley saka niya iniabot ang kanang kamay niya for handshake na malugod ko namang tinanggap.

      "Nice to meet you Asper." Tawagin niyo man akong baliw pero nang masabi na ng tama ni Ashley ang pangalan ko, tumawa ako ng malakas. Ashley really has a way with people. Ganoon na rin si Kayle, nagsitawanan na kaming tatlo.

"See? Hindi na nakakatense ang mood. Masyado niyong sineseryoso yung topic na yun. Masaya naman dito ah. Mag-eenjoy sya." natatawanang sabi niya.

"Ang problema lang naman talaga natin eh kung pano sya makakalusot sa mata ng mga taga rito at papano natin matatago na wala talaga syang special ability at mapauwi siya ng buhay. Yun lang naman yun." napahinto ako. Kung papano ako mapauwi ng buhay? Bakit? May posibilidad ba na mamatay ako?

"Ashley." warned Kayle.

"Ah..Eh..Uh-oh?" napahinto siya kakatawa nang mapansin niyang sya nalang ang tumatawa.

"Anong ibig mong sabihin? May namamatay ba dito?!" nagpapanic na tanong ko.

"Hey! walang namatay dito okay? Wala. Joke niya lang yun. Pano ka naman mamatay kung may special ability lahat ng estudyante dito." sabi ni Kayle.

"So are you telling me, may posibilidad na mamatay ang mga walang special ability?" tiningnan ko sila pero di sila umimik nagtitigan lang din sila.

"I'm getting out of here." sabi ko sabay tayo at tumungo dun sa pinto. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba.

"No, stop! Trust us okay? Gagawin namin lahat ng aming makakaya, makauwi ka lang." mabilis na sabi ni Kayle habang pareho nilang hinaharangan ang pinto ng kwarto.

"Promise, peksman, mamatay man." gumuhit muna ng krus si Ashley sa leeg niya bago niya itinaas ang kanang kamay niya na tila ba'y nanunumpa sa harap. Napatanga naman ako sa kanilang dalawa.

      They're too silly. Napatampal nalang ako sa mukha ko.

Lost Academy Where stories live. Discover now