Kakaibang Pakiramdam

Start from the beginning
                                    

"Sorry. Masyado lang kasi akong natakot ng umalis si Ryan. Pakiramdam ko wala ng dapat umalis pa kaya... sorry Jer." Tinignan ko ang mga mata niya ng magsorry ako sa kaniya. Nahihiya ako sa inaasal ko at mas nakakahiyang ginagawa ko siyang panakip butas sa harapan pa mismo ng ibang tao.

"Don't worry President. Hindi namin ipagsasabing gusto mong sa'yo lang si Jerwin. Hindi rin naman siya kukunin sa'yo." Magpagbiro talaga itong si Bubbles kaya hinayaan ko na lang siya sa ganoong pag-uugali niya. Kahit papaano, hindi siya plastic.

"At ikaw naman papa pogi, huwag na huwag mong iisiping may gusto sa'yo si Master kasi nga si papa Ryan lang ang para sa kaniya." Napatingin ako kay Buttercup ng sabihin niya iyon ng sobrang lapit sa mukha ni Jerwin. Tiningnan ko si Jerwin at tulad ng dati, nakangiti pa rin siya na parang naiintindihan niya talaga kung sino ang mahal ko at hindi siya nasasaktan sa sinasabi ng iba.

Boy, kung alam lang ng mga ito na nasasaktan ang kaibigan ko kapag pinagdidiinan nilang mahal ko si Ryan at hindi siya. Nasasaktan na rin ako kapag naiisip kong nasasaktan ang kaibigan ko. Meron sa loob ko na isang bagay na hindi ko kayang tigilan, at iyon ay ang pagkakaibigan namin ni Jerwin. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yung pangakong hindi niya daw kakalimutan at bibitawan. Gusto kong malaman ang pangakong iyon pero hindi ko naman maalala't hindi ko rin pwedeng itanong sa kaniya.

"Mabuti pa magtrabaho na tayo." Sabi lang ni Jerwin kaya umayos na ang lahat. Hindi pa kami nagtatagal sa paggawa ng sketch dumating na yung mga members ko na gumagawa ng costume. Agad nilang sinukatan ang power puff girls members at kami naman ni Jerwin ay abala sa pagsusulat ng mga notes sa detalyadong paggawa ng costume.

"Jer, ano.. tungkol sa nangyari kanina." Di ko mahanap ang tamang salita para sabihin sa kaniyang ang nararamdaman ng puso ko. Kahit ako nalilito na rin sa nararamdaman ko. Oh boy, hindi ko naisip na pupwedeng maging ganito kahirap harapin ang isang kaibigang nagmamahal ng harapan.

"Huwag mo ng intindihin 'yon Noe. Di naman kita iiwan. Siguro kapag nakakita na ako ng bago kong mamahalin, nakauwi na dito si Ryan kaya hindi mo kailangang isipin ang nararamdaman ko. Hindi mo obligasyon iyon. Ang obligasyon mo sa akin ay ang pagiging kaibigan at masaya na ako sa ganoong klaseng relasyon." Malumanay ang pagkakasabi niya noon pakiramdam ko ngumigiti lang siya dahil nasasaktan siya. Kaibigan ko na siya ng mahabang panahon kaya alam kong may mali. Nararamdaman kong may mali at ang maling iyon ay ang patuloy kong pagpapa-asa sa kaniya.

Gusto ko siyang bitawan at pakawalan pero natatakot akong gawin yon dahil baka hindi na siya bumalik. Baka tuluyan na niya akong iwang mag-isa at sugatan. Kahit na isa siya sa dahilan ng pagbabago ng isip ko sa aking depenisyon ng pagmamahal. Kundi dahil sa CD nila ng kakambal niya ay hindi ako magkakaganito.

O baka naman sinasabi ko lang ang lahat ng ito dahil hindi ko naalala ang nakaraan ko kasama si Jerwin. Dahil ang nakaraan ko kasama si James ang nagpapa-alala sa aking matagal na akong Gay na pilit lang nawala dahil sa aksedenteng nangyari sa akin na maging si Jerwin nakalimutan ko na rin.

Paano kung si Jerwin pala talaga ang mahal ko at hindi si Ryan? Paano kung nangako ako sa kaniya na kami habang buhay tapos hindi ko na maalala at patuloy lang siyang umaasa? Paano kung nasasaktan ko na siya dahil sa hindi ko maalala ang aming nakaraan? Paano ko siya haharapin ng walang bigat na nararamdaman?

"Noe, alam kong may mabigat kang iniisip. Kita ko sa mukha mong may inaalala ka." Tumingin ako kay Jerwin at ngayo'y nag-aalala ang mukha niya. Ginulo niya ang buhok ko ng kunutan ko siya ng kilay. "Ang pangit mo. Hahaha. Kung ano man yang mga agam-agam mo, itapon mo na muna dahil kailangan nating matapos ito. Malay mo manalo tayo this time sa compettition at sumikat ka." Napangiti na lang ako doon. Ayaw ko namang sumikat pero kapag sumikat ako, sisikat din si Jerwin at iyon talaga ang goal ko, ang sumikat kami pareho.

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now