chapter 2

109 1 0
                                    

"Halika na lysa kumain na tayo kasi gutom na ako". Sabi ni ann kay allysa. "Kanina pa tayo umiikot ikot eh. Ang dami dami na nating binili."reklamo nito halos magkadugtong na ang dalawang kilay nito sa inis. "Oo na, tara. Jollibee na lang tayo kumain." Sagot ko kay ann. Katatapos lang namin magenroll sa de la salle university. Parehong kurso ang kinuha namin ni ann BS Business Management. Kaya naman pagkatapos namin magenroll naisipan naming dumiretso na sa robinson mall para mamili ng mga damit at personal things. Si ann ang bestfriend niya. Ito lamang ang tanging kaibigan niya na pinagkakatiwalaan niya. Dito lamang niya binubuhos lahat ng problema at sama ng loob niya sa pamilya niya. "Hoy Allysa wag mong sabihin na natitibo ka na sa akin?"sabi ni ann habang kinakaway ang kanang kamay nito sa harapan ng mukha ni allysa. "Ha?"...ang tanging nasabi ko. "Naku allysa, wag na wag mong pagnanasaan ang beauty ko huh".maarte pa nitong sabi. "Eww nagtatayuan ang mga balahibo ko sa sinabi mo girl, anong tingin mo sa akin tibo?"sagot ko habang naiiling sa pag iinarte nito. "Eh bakit titig na titig ka sa akin huh?"hirit pa nito. Alam kong gusto na naman akong asarin nito. "Thankfull lang ako kasi parati ka nandiyan para sa akin. Thankfull din ako at ikaw ang bestfriend ko."madamdaming sagot ko. "Wag ka na nga magdrama jan. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka natitibo sa beauty ko huh." Pang aasar pa rin nito sa kanya. "Hai naku ann panira ka talaga ng moment! Seryoso na nga yung tao binabara mo pa!" Naiinis na turan ko kay ann. "Girl naninigurado lang ako na dika tibo. Halos lahat ng manliligaw mo basted ei. Mga gwapo naman. Ayaw mo ng boyfriend ei ano gusto mo girlfriend?" Patuloy pa rin nitong asar sa kaniya. "Alamo nakakainis kana talaga."sabi ko dito na halos kapareho na ng bundok apo ang arko at taas ng kilay ko. "Huwag kang mainis girl. Gusto ko lang din ipaalam sayo na kapag nalaman kong may gusto ka sa akin, naku im sorry girl kahit love pa kita magkalimutan na lang tayo".pangaasar pa rin nito. "Ewan ko sayo!"pikon kung sagot dito at padabog kung kinuha ang kutsara at tinidor na nasa harapan ko at nagsimula ng kumain. Grabe talaga si ann makapangasar wagas! Sa beauty kong ito pinaghihinalaang tibo! Grrr kainis talaga!kaya naman di na maipinta ang mukha nito sa inis. "Hahahaha wag ka masyadong halata na pikon girl. Hahaha". Tawa ni ann na hinawakan pa ang tiyan nito sa sobrang tawa. Nakakainis talaga ang babaeng 'to. Di ba nito alam na nasa,public place sila. Pinagtitingnan tuloy sila ng mga tao  sa loob ng restaurant dahil sa tawa nito. Nakakapikon na talaga. Pag di siya makapagpigil babatukan na talaga niya ito. Di niya ito pinansin patuloy pa rin siyang kumakain habang nakasimangot. Napansin marahil nito na  napipikon na siya kaya tumigil na ito sa katatawa. "Uy girl pikon?"tanong nito. Diko siya pinansin. Sino ba naman kasi di mapipikon sa babaeng ito na ang hilig mang asar. Lumapit ito sa katabing upuan ko. "Uyy pikon siya". habang tinutusok tusok nito ng hintuturo ang tagiliran ko. Di pa rin ako nagsasalita. Iniiwas ko lang ang tagiliran ko sa kamay nito habang patuloy pa rin ito sa pangingiliti sa akin. "Ann ano ba". Saway ko dito nakikiliti na kasi ako. "Peace na tayo. Biro nga lang iyon ei". Nakangiti pang sabi nito habang ang isang kamay ay naka peace sign sa harap ko. "Sige na nga kumain kana at lumalamig na iyong pagkain".sagot ko dito."Alam ko naman na dika tibo ei. Sa ganda mong yan sayang lang kung maging tibo ka. Pero manhater ka lang".hirit pa nito. Pinandilatan ko ito ng mata. "Ohh joke lang. ito naman dina mabiro."nagpatuloy na ito sa pagkain. Napapailing na lang ako sa kakulitan ni ann at nagpatuloy na rin sa pagkain. Maya maya pa tumayo na kami ni ann pero bago kami umalis lumingon muna ako sa likod ko. Para kasing may mga matang nakatitig sa,amin. Pag lingon ko. Nakita ko ang lalaking nakaupo na nakatitig sa amin. Magisa lamang ito. Nakita ko ang pagkagulat nito pagkakita sa akin. Hmmpf! Huli ka nowh. Titig na titig ka kasi sa beauty ko eh. Bulong ko. "May sinasabi ka?" Si ann. "Huh? Wala wala. Sabi ko tara alis na tayo".hinila ko na ito at umalis na kami.


*******

NATHAN POV

Pumunta ako ng malate para makipagkita sa kaibigan ko. Sinabi ko dito na sa,robinson na kami magkita. Habang hinihintay ko ito nakaramdam ako ng gutom. Kaya naman kumain ako sa may jollibee. Di naman gaano karami ang tao sa loob.  Nagsisimula na akong kumain nang biglang may nakaagaw ng pansin ko. Nakita ko ang dalawang babae na kumakain sa bandang unahan ko. Nakaharap sa akin ang isa maganda ito at maigsi ang buhok at yung kasama naman niya nakatalikod sa akin kaya di ko nakikita ang mukha nito. Sino ba naman kasi ang di makaagaw sa pansin ng dalawa eh ang lakas ng tawa nung isa. Di ko lang naririnig pinaguusapan nila. Dahil medyo maingay sa loob. "Tsk tsk di man lang ba naisip ng dalawang ito na nasa public place sila kung makatawa at mag asaran parang nasa bahay lang." Bulong ko. Nakita kung lumipat ang isa don sa tabi ng babaeng nakatalikod at kinikiliti ito. Napailing na lang ako. "Parang mga bata kung magkulitan sa harap ng maraming tao." Bulong ko ulit sa,sarili ko. Maya maya pa at nakita ko na itong tumayo. Naramdaman siguro nito ang presensiya ko dahil lumingon ito sa akin. Nabigla ako at nagulat sa nakita ko. Pinagpawisan ako. Alexis. Bulong ko. Tatayo sana ako para puntahan sila pero nakita kong agad nitong hinila ang kasama niya paalis ng restaurant. Nanlumo akong napaupo sa upuan ng diko na sila matanaw. "Alexis. Alexis." Pauulit ulit kong bulong. Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Sa ganong ayos ako nadatnan ng barkada kong si erik. "Uy brad ok ka lang ba?" Tapik nito sa balikat ko. "Huh?? Oo ok lang ako. Nandiyan kana pala".sagot ko dito. "Oo sige order muna ako." Sabi pa nito. "Sige brad."sagot ko sa kanya. "Alexis, bumalik ka!" Bulong ko habang nakatanaw sa dinaanan ng dalawa.

Arrogant HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon