Tumayo na mula sa pagkakaupo si Alex upang makiawat sa mainit na tensyon ng dalawang kalalakihan. Wala siyang dapat na kampihan. Hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawa.

"Wala kang ebidensya para pagbintangan kami o kahit ako! Lahat tayo ay biktima rito! Siguro ikaw ang killer at itinuturo mo lang sa amin ang pagbibintang nang sa gayon ay maabswelto ka, 'di ba?" nanggagalaiti nitong sabi. Pinanlisikan naman ito ng mga mata ni Christian.

"Marahil nga. Pero paano? Kasama ko sila?" ani Tristan.

Hindi na sumagot pa si Tristan, bagkus ay dire-diretso siyang pumanaog pataas – padabog na inilalapat ang mga paa sa sahig. Sinundan naman si Tristan nina Wilma at Luz upang kung sakaling umatake ang killer ay marami sila.

Pinagmasdan na lamang ni Alex si Christian na tila inaalisa ang mga nasabi nito na maaaring makatulong sa kanya upang matukoy ang katauhan ng salarin.

Samantala, lahat ay lalong naging kabado dahil sa tensyong naganap kanina. Tinulungan na lamang ni Ian na makatayo si Christian mula sa pagkakabagsak. Pinagpagpagan ng huli ang kanyang suot na damit at saka inayos.

Huminga nang malalim si Ian upang sabihin ang kanina pa nitong gustong sabihin. "Masyado ka lang sigurong..." hindi maituloy na sabi ni Ian.

"Natatakot?" pagpapatuloy ni Alex na tila hindi sigurado. "Lahat tayo natatakot. It's just how we control it. Fear is evitable if only we can get out from its cage."

Nagpagpag ng kanyang damit si Christian bago tiningnan ang mga kasamahan. "Hindi ako natatakot. Sadyang gusto ko lang mabuhay," saad niya.

"Natatakot kang mamatay dahil gusto mo pang mabuhay. Sa madaling salita, natatakot ka pa rin," singit ni Jess.

Napailing na lamang si Christian. "Whatever," aniya. Tulad ni Tristan, umakyat na lang din sa itaas si Christian na sinamahan nila Gem at Ian.

Ang ilang naiwan ay pumunta na lamang sa kusina upang lagyan ng pagkain ang kumakalam na sikmura. Ngunit di tulad nila, may isang bagay ang gumugulo kay Jess.

***

BAGO kumain ay inanyayahan muna ni Jess si Alex sa gilid upang makapag-usap sila ng pribado. Nais balaan ni Jess ang dalaga sa maaaring kapahamakan na danasin nito kung totoo man ang sinabi ni Joel sa kanya kanina.

"Ano'ng gusto mong pag-usapan natin?" hindi mapakaling tanong ni Alex nang mapansing seryoso ang mukha ni Jess habang kaharap siya.

Hinawakan niya sa balikat ang dalaga at marahang pinisil iyon. "Kailangan mong mag-ingat. Ikaw ang pakay ng killer," aniya at nagpalinga-linga sa likod.

Kahit alam ni Alex ang tungkol dito ay umarte na lang ito na tila inosente sa patayang nagaganap. Hindi nito maaaring sabihin ang kanyang nalalaman lalo na't wala itong kasiguruhan na inosente si Jess. "K-Kanino mo naman nalaman 'yan? Ano bang motibo niya para pagtangkaan niya ang buhay ko?" nagtataka nitong tanong.

Tiningnan niya sa mga mata si Alex. "Kay Joel. Binalaan niya ako para sa kaligtasan mo. Wala siyang sinabi sa akin kung ano ang pakay ng killer sa iyo o kung sinoman siya. Pero kung ikaw ang kanyang pakay, maaaring ikaw rin ang makapagliligtas sa amin," saad niya.

"Makapagliligtas? Paano? Iiwan niyo ako dito para makatakas, ganoon ba? Ako ang gagawin niyong pain para mahuli ang killer?" medyo ngarag nitong sabi dahil sa papausbong na luha sa mata.

"Hindi sa ganoon, Alex. Iba ang iniisip mo. Alam mo namang kaligtasan ng lahat ang nakasalalay dito," paglilinaw niya.

Inalis ni Alex ang nakahawak na mga kamay ni Jess sa kanyang braso. Mabigat ang kanyang pakiramdam dahil sa nangyayari. "Wala ka rin palang pinagkaiba sa killer. Gusto mo akong ibigay sa kanya para matuloy ang kanyang balak. Gusto mo lang din akong patayin," saad nito habang yukom ang mga kamay. Iniiwas nito ang kanyang tingin upang hindi makita ni Jess ang kanyang nangingilid na luha.

"Hindi mo ako naiintindihan. Alex, tutulungan kita – namin. You just have to trust me. Mali kasi ang iniisip mo. Hangga't nandito ka, aaligid ang killer sa malapit. Sa ngayon, hindi ka dapat humiwalay sa amin hangga't wala tayong naiisip na pwedeng gawin," paliwanag ni Jess.

"Hindi ba't mas delikado para sa inyo dahil kasama niyo ako? Ako ang magdadala sa inyo kay Kamatayan."

"Maaaring maging tyansa na rin namin ito para mahuli ang killer. Ikaw ang pakay niya. Lalapit siya para mahawakan ka," salaysay niya na nakapagkumbinse sa dalaga.

Unti-unti ay nahimasmasan si Alex. Ang buong akala nito ay tinalikuran na siya ng kanyang mga kasamahan upang sa kanilang pansariling kapakanan. Tulad nila, gusto rin ni Alex ang mabuhay. Gusto nitong itama ang lahat ng kanyang pagkakamaling nagawa.

"Nakikipaglaro ng tagu-taguan ang killer sa atin. Sa ngayon, tayo ang taya. Kaya gagawa tayo ng paraan para naman siya ang maging taya. Magpapahabol tayo hanggang sa mahuli natin siya sa kanyang kuta," makahulugang sabi ni Jess at pinagmasdan ang natitira pang mga kasamahan.

Hindi lingid sa kaalaman ni Jess ang tinatagong sikreto ni Alex. Magpapatuloy ang trahedyang nababalot hangga't hindi pa naisasagawa ang mga plano – ang makita ang panaghoy ni Alex mula sa kanilang mga kamay.

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)Where stories live. Discover now