"Mahal na mahal nya yung babaeng yun kaso nagloko eh. Pumatol dun sa isa nilang kaibigan na pinsan din ni Dwayne. Hindi ko matandaan yung pangalan. Anthony yata....."

"Lu-Luna? A-Ant-thony?"

LUNA's POV

Bakit ganito ang nararamdaman ko. Nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko pa iyong binabalak ko. Naguguluhan na ako bwisit!

Parang hindi ko kayang saktan si Jonas. At bakit pumapasok lagi sa isip ko si Anthony. Nagkakagusto n kaya ako sakanya?.....NO! Stop it Luna. Hindi pwede!

Kailangan kong ituloy ang mga balak ko! Ang dami ko ng isinakripisyo para umurong lang!

Kailangan ko ng isakatuparan ang lahat. Agad akong umalis ng bahay.

"Ate nandyan po ba si Dwayne?" Tanong ko sa kasambahay nila. Hindi na siguro ako kilala ni ate.

"Ay wala po mam. Umalis po sya kanikanina lang." Sagot nya. Saan naman kaya pupunta yun?

"Alam nyo po ba kung saan sya pumunta?" Pagbabakasakali ko. Baka alam nya kung nasan sya ngayon.

"Hindi ko sigurado mam. JBaka kasama nya po yung kasintahan nya." Kasintahan? Si Jonas?

So sila na talaga? Hindi ko naisip na papatulan nya si Jonas. Hindi sila pwedeng magkatuluyan!

BJ's POV

"Bj.... Anak.... Nasa labas si Mitch." Sabi ni Mama. "Bakit daw po?" Walang gana kong tanong.

"Hindi ko alam. Bangon na dyan." Sabay hila ng kumot ko. Nakakainis naman! Inaantok pa ko.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. "Pasok na!" Naiirita kong sigaw.

"Hi! Naistorbo ba kita?" Tanong nya. Seriously? Yun pa talaga tinanong nya.

"Ano sa tingin mo?" Pagsusungit ko. "Ano sadya mo sakin?"

"Gusto ko lang sana sabihin na kung pwede wag mong layuan si Jonas. Magkaibigan pa naman kayo diba?" Sabi nya. Paano nya nalaman ang tungkol dun? "Bj kailangan ka ni Jonas bilang isang kaibigan. Bantayan mo sya." Sabi pa nya at akmang lalabas.

"Oh bakit ka aalis? Ano ba yang pinagsasasabi mo ha? Di ko maintindihan." Ang gulo talaga nya. Hindi nya nililinaw ang mga sinasabi nya.

"Basta wag mong layuan si Jonas!" At uluyan ng umalis.

Anong problema nun? Hindi ko sya maintindihan!

DWAYNE's POV

"Hey cookies are you okay?" Tanong ko kay Jonas. Napansin ko lang na bigla syang tumahimik.

"Yeah. Okay lang ako. Medyo sumasakit lang kasi yung ulo." Sagot nya.

"Ganoon ba. Sige bibilisan ko na lang ang pagdadrive para makauwi ka na." Dapat pala may dala din akong gamot nya in case na sumakit yung ulo nya.

"Xander pabukas ng gate!" Sigaw ko. Ilang sandali lang lumabas na sya at binuksan ang gate.

"Oh kuya para kang natalo sa tong-its sa itsura mo." Pangaasar nya sa kapatid. "Tigil tigilan mo ko Xander ah. Masakit ulo ko ngayon. Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong bigwasan kita." Sagot naman ni Jonas. Nakakatuwa naman silang dalawa. Bigla ko tuloy namiss si ate.

"Oh Xander painumin mo na ng gamot ang kuya mo. Aalis na ko ah." Hinalikan ko si Jonas sa pisngi bago ako umalis.

Pagdating ko sa labas ng bahay napansin kong may nakaupong babae sa may gilid ng gate. Bumaba ako at lumapit sakanya.

"Miss anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko. Hindi naman sya mukhang pulubi. Sa totoo lang para syang mayaman sa suot nya.

Hindi sya sumagot. Nakayuko pa din sya at parang tulog. Niyugyog ko sya saglit sakto lang para magising sya.

Napaatras ako pagangat ng ulo nya. Bakit sya nandito?

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko. Ang tigas naman ng mukha nyang magpakita pa sakin.

"Dwayne pwede ba kitang maka—"

"Hindi!" Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi nya. Wala kaming dapat pagUsapan.

"Dwayne kahit saglit lang. Pakinggan mo lang ang sasabihin ko." Pagmamakaawa nya.

"Umalis ka na!" Sigaw ko. Hindi ko kailangang pakinggan ang sasabihin nya!

"Dwayne hindi kita niloko noon! Pinagpanggap ko lang si Anthony noon kasi may sakit ako! Ayaw kitang masaktan kaya di ko sinabi sayo. Dwayne may stage 3 colon cancer ako!"

Para akong naparalisa sa sinabi nya? Totoo ba ang lahat ng sinabi nya?

Itutuloy......


please vote and comment :)

The Nerdy Intruder [boyxboy] (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin