Chapter 11

5.5K 187 1
                                    


DWAYNE's POV

TGIF! THANKS GOD ITS FRIDAY!

Byernes na. Ngayong araw na ito ako pupunta sa pad ni Jonas.

Ano kaya pwede kong dalhin? Ano kaya gusto nyang kainin?

Bahala na nga si batman.

Lumabas naku ng bahay at sumakay sa kotse.

Paglabas ko ng gate bumungad sakin si Raven.

" Bro san lakad natin?" Tanong nya.

"Ah pupunta ko kay Jonas." Sagot ko.

Napakunot ang noo nya sa sinabi ko.

"Jonas? Sinong Jonas?" Nagtatakang tanong nya.

"Ikaw san ba lakad mo? Sabay ka na sakin. Sa daan na lang natin pag usapan yun." Mungkahi ko.

"Sige ba. Punta lang ako kay Tim." Sabi nya at Agad syang sumakay sa kotse.

-

"So sinong Jonas yun?"

"Naalala mo yung naikwento ko sa inyo nun na muntik ng makapatay sakin?" Pagpapaalala ko sakanya.

"Oo. Sya ba yung Jonas?" Naks may utak din pala tong mokong na to.

"Oo. Muntik ko din syang napatay nung naatrasan ko sya ng kotse. At yung kinain nyong cookies. Sya din ang may gawa. Kaya ako pupunta ngayon sa pad nya, gagawa kame ng cookies.." Paliwanag ko.

"Ganun ba. Masarap nga yung cookies na yun ah. MagUwi ka ah bigyan moko." Tumango na lang ako.

"Pero Dwayne parang napapansin kong iba yang aura mo ngayon. Parang ang saya mo. Alam mo ganyan yung naramdaman ko noon eh. Noong nakilala ko si Tim. Huwag mong sabihin na may gusto ka dun sa Jonas na yun?" Nagulat ako sa snabe nya.

Siguro nga nagkakagusto na ko sakanya. Pero paanong nangyari yun?

"Bro bakla na din ba ko pag nagkagusto ako sa bakla?" Naguguluhan na talaga ako.

"Alam mo pag nagmahal ka hindi mo na iisipin kung ano ba sya o sino ba sya. Kung magiging bakla ka pag nagmahal ka ng bakla. So be it. Wala akong pakialam basta ang alam ko mahal ko sya." Sagot nya.

Tama! Love knows no boundary! Love knows no gender!

---

XANDER's POV

Naisipan kong pumunta sa pad ni kuya. Nakakalimutan na nmam nya kame eh.

Mula nung debut ni Ate Mitch hindi na sya ulit nagpapakita sa bahay.

Pagdating ko dun agad akong kumatok sa pinto. Ilang saglit lang binuksan nyA ito.

"Ikaw lang pala. Anong ginagawa mo dito?" Dismayado nyang bungad sakin.

At pasulyap sulyap pa kalsada na parang may hinahanap na iba.

"Pwede muna pumasok? Bago ko sagutin yang tanong mo?"

Agad naman syany tumabi para makapasok ako.

"Ano nga ginagawa mo dito?" Walang buhay nyang tanong.

"Bakit masama bang bisitahin ang kapatid ko?Tsaka Bakit ganyan itsura mo? Para kang palakang naagawan ng pagkain. Kuya paskong pasko ang init ng ulo mo." PangAsar ko sakanya.

"Uy ikaw ah pumarito ka lang ba para bwisitin ako? Kung ganun umuwi kana!" Singhal nya sakin pero di ko lang sya pinansin.

Dumiretso ako sa kusina ng mapansin kong mY mga ingredients para sa pagbebake.

"Kuya magbebake ka ba?" Sigaw ko.

Sana muffins ang gawin nya. Masarap sya gumawa ng ganun eh.

"Oo. Kaya umuwi kana!" Problema nito? Parang babaeng nagme menopause ang asta nya ngayon.

Pinagtulakan nya ko palabas. Grabe sya. Parang di nya ko kapatid ah.

"Jonas sino sya?" Singit ng isang lalaki. Bigla akong napatingin sakanya.

Sino tong taong to? Ang yabang ng itsura nya.

"Ah Dwayne si Xander. Kapatid ko." Pagpapakilala nya sakin sa lalaking yun.

"Uy kamusta Xander. Dwayne nga pla." Sabay abot ng kamay nya. Kinuha ko naman para di sya mapahiya.

"San mo nakilala si kuya?" Bigla kong naitanong. Boyfriend ba to ni kuya?

Ang akala ko si Bj ang nanliligaw sakanya.

"Ay Dwayne saglit lang ah. Kakausapin ko lang tong kapatid ko."

SAbi ni kuya. At saka ako hinila palayo dun sa Dwayne na yun.

"Ano ba problema mo kuya. Sya siguro yung gusto mong makita kanina pa. Kaya siguro dismayado ka nung ako yung makita mong kumakatok. Ano tama ba ko?" Kunot noong tanong ko.

"Oo na! Ikaw wag mo to makwento kwento kila mama ha. Naku malilintikan ka sakin sinasabe ko sayo." Aba binantaan pa ko.

"Ang landi mo kuya ha. Sabi nga ni lola nidora... 'Matuto munang mag square root bago humarot!'. Ano? " Sabi ko.

"Eto tandaan mo ah. Marunong na akong magSquare root kaya pwede na ko humarot. Okay!? Ngayon makakalis kana. Gagawan na lang kita ng muffins." Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Pagkatapos nya ko kausapin bumalok na kame dun.

"Sige pre. Mauna na ko. Alagaan mo tong utol ka ha. Dahil kung hindi, chaChop-chopin kita." Pananakot ko sakanya at ko saka tinapik ang balikat nya.

---

JONAS's POV

Pagkaalis ni Xander ay agad kaming pumasok no Dwayne.

"Pagpasensyahan muna yung kapatid ko ha. Ganun lang talga yun." Paghingi ko ng pasensya. "Anong yang dala mo?" Napansin ko kasing may dala syang paper bag.

"Ah chocolates. Wala kasi akong maisip na pwedeng dalhin." Sabi nya sabay abot sakin.

"Teka magkakadiabetis naman yata ko sa dame neto. Tsaka iba't ibang flavor pa talaga." Sabi ko.

"Hindi mo nagustuhan?" Malungkot nyang sambit.

Hala ka! Mukhang nadismaya sya.

"Ayy hindi naman sa ganun. Actually favorite ko ang chocolates lalu na tong dark. Ang dame lang kasi neto eh. Ganito na lang gamitin natin to sa gagawin nating cookies and muffins." Napangiti sya sa sinabe ko.

"Sige simulan na natin to. Turuan moko magbake." Masigla nyang sambit.

Itutuloy......

The Nerdy Intruder [boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now