Chapter 12

5.2K 176 0
                                    


JONAS's POV

Hindi ko maintindihan kung bakit pumayag si Dwayne na tulungan ako.

Ang totoo nyan sisusubukan ko lang naman sya noong sinabi ko na gagawan ko sya ng cookiez basta tulungan nya ko. Pero hindi ko naman inaasahan na papayag sya.

Ano yun? Gusto nya lang ba matutong gumawa ng cookies o May gusto din sya sakin tulad ng pagkagusto ko sakanya.

Erase... Erase....... ERASE!

Jonas wag kang umasa! Wag kang mahuhulog sakanya, at baka di ka nya masalo! Masasaktan ka lang!

Bzzzt....Bzzzt....Bzzzt....

Natauhan ako sa pagIisip ng kung anu ano ng nagVibrate ang phone ko.

*Jonas umuwi ka! Alam kong wala kang pasok ! Tsaka nandito si Luna!* Text skin ni Mama.

Mabuti pa nga umuwi muna ako. Baka mabaliw pa ko dito kakaisip kay Dwayne.

-

Pagpasok ko sa bahay. Narinig kong may kausap si Mama.

Lumapit ako para mas marinig ko ang pinaguusapan nila.

"Bakit di mo man lang pinaalam sa amin yang kalagayan mo? Wala din nabanggit ang Papa mo samin." NagAalang sabi ni Mama.

"Ayaw ko po kasing magAlala pa kayo sakin Tita. Pasensya na po. Nagtetheraphy naman po ako. Kaya ok lang po ako." Sagot ni Luna.

Anong theraphy? Kalagayan?

"Ano ba talaga kasing sakit mo Luna?" Singit ko sa usapan nila.

Hindi ko na kayang makinig na lng sa usapan nila.

"Oh anak nandyan ka na pala. Ah may sakit kasi sya na c—"

"Ah Tita ako nalang po magsasabi. Pwede po ba kaming magUsap ng kame lang dalawa?" Paghingi nya ng permiso kay Mama.

"Okay sige. Doon na lang kayo magUsap sa kwarto mo Jonas." Sabi sakin ni Mama.

-

"Anong drama to ha? Anong sakit at theraphy ang pinagsasabi mo?" Kunot noong tanong ko.

"May Cancer ako!"

Para akong nabingi sa narinig ko. Paanong nangyari yun?

"Ca-cancer? P-Paano? B-Bakit?"

Hindi ako naniniwala. Imposibleng mangyari yun napakaimposible!

---

MITCH's POV

Bakit ba ko ganito kaapektado sa nalaman ko. Bakit di ko matanggap na walang gusto sakin si Bj?

At bakit nagkagusto sya kay Jonas? Hindi ko lubos maisip kong bakit?

Ang alam ko kaliwa't kanan ang girlfriend nya. Kaya papaanong nagkagusto sya kay Jonas. Naguguluhan talaga ako!

"Mitch...."

Maganda at mabait naman ako ah. Pero naiiba kasi ang itsura ni Jonas. Para syang babae na naging tomboy. Na parang.....wala na kong maisip! Okay mas maganda sya sakin.

"Mitch iha......"

Pero kahit na! Hindi ba talaga ako magugustuhan ni Bj? Wala ba ni katiting na pagAsa?

"MITCHELLE!" Sigaw ni Mama.

"Yes Ma?" Natauhan namn ako sa pagsigaw ni Mama.

"Kanina ka pa tinatawag nyan." Bulong sakin ni Kuya.

"Ano bang iniisip mo ha Mitch? Bakit lumilipad na naman kung saan yang isip mo." Sermon nya sakin.

Tumingin ako kay Mama.

"Sorry po. May sinasabi po ba kayo Ma?" Tanong ko.

"Wala sasabihin ko pa lang. May business trip kame ng Papa nyo sa Japan. Kaya doon tayo magkiChristmas at par—"

"Hindi ako sasama Ma. Diba sinabi ko sayo na pupunta kame ng El nido ng mga kabarkada ko." Pagputol ni Kuya sa sinasabe ni Mama.

Para naman kasing ewan tong si Mama. Nagpaplano ng di pinapaalam samin.

"Oh I forgot. Sorry. Sige Ipapa-cancel ko na lang yung sayo. Pero ikaw Mitch sasam—"

"Hindi din ako sasama Ma. May sarili din akong plano for this christmas. And Spending holiday in Japan is not part of my plan." Mataray kong sagot.

Napabuntong hininga lang sya.

"OK FINE! Canceled ang plano ko!"

-

Pagkatapos kameng kausapin ni Mama. Tinulungan ko muna sandali si manang na magligpit ng kinainan namin.

PagAkyat ko. Napadaan ako sa kwarto ni kuya. At narinig kong may kausap sya.

Lumapit ako sa may pintuan at idinikit ang tenga ko dito.

Pinakinggan ko ng mabuti ang usapan nila. At ikinagulat ko ito ng husto.

Sino yung kausap nya at bakit narinig ko ang pangalan ni Jonas?

Ilang sandali lang narinig kong papalapit sya sa pinto. Kaya dumistansya ako.

"Anong ginagawa mo dyan? Ano narinig mo ha?" Kinakabahan nyang tanong.

"Ayos ka lang? Ayan yung kwarto ko oh! Katabi ng kwarto mo." Sabi ko sabay turo ng kwarto ko. "Malamang mapapadaan talaga ko sa kwarto mo. Bakit ba ganyan ang tanong mo? May dapat ba kong marinig?"

"Wala naman. Sige mauna na ko." At tinalikuran na nya ko.

Kung ano man itinatago nya. Aalamin ko yun!

---

ANTHONY's POV

Kinabahan talaga ako ng maabutan ko si Mitch sa labas ng kwarto ko. Sana hindi nya narinig ang usapan namin.

Kilala ko yun. Pag may narinig nga sya hindi sya titigil hanggang sa malaman nya ang totoo.

Ilang sandali lang nakarating na ko sa destinasyon ko. Sa bahay nila Jonas. Susunduin ko si Luna.

Ilang sandali lang lumabas na sila. Teka bakit kasama nya si Jonas?

Lumapit sila sa kotse ko. Wala na ko magagawa, lumabas ako para salubungin sila.

"Kuya anthony?" Nagtatakang sambit ni Jonas.

Nagkatinginan kame ni Luna.

"Ah insan kaibigan ko pala sya .Sige mauna na kame ah. Pupunta pa kame sa doctor ko. Bisitahin mo na lang ako pag gusto mo." Pagpapaalam ni Luna.

"Okie dokie! Sige kuya ingatan mo yang pinsan ko ha. She's fragile." Natatawa nyang sabi. At tumango lang ako.

-

"Bakit mo pa sya isinama sa paglabas mo? Baka makarating to kay mitch! Patay ako neto!" Kinakabahan talaga ko dito eh. Kung hindi ko lang sya mah........fuck! Never mind.

"Ha? Bakit napasok ang kapatid mo dito? Wala syang kinalaman dito." Nagatataka nyang sabi.

"Basta." Tipid kong sabi. At tumutok na lang sa pagdadrive.

"Anthony kung ano man yan. Siguraduhin mong di yan sagabal sa plano ko!"

Hindi ko na talaga kaya to. Pero para sakanya gagawin ko. Para sa pagmamahal ko sakanya. Gagawin ko lahat!


Itutuloy...

The Nerdy Intruder [boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now