Chapter 21

3.4K 146 1
                                    


MITCH's POV

Pumanhik kame ni Bj sa kwarto ko at pagkapasok namin kaagad kong nilock ang pinto.

Napalingon siya sa akin at biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"What!? Hoy huwag kang ano! Wala kong balak sayo! Mukha neto!" Naiinis kong bulalas.

"Kailangan talagang i-lock ang pinto?" Tanong niya.

"Hey chillax lang okay!?" Sabi ko at dumiretso sa closet ko.

"Bakit di mo nalang kasi sabihin iyang nalalaman mo! Kailangan pa talaga natin mag-usap in private!?" Sabi niya.

Hindi ko siya pinansin bagkus tuloy lang ako sa pagkalkal ng closet ko. At ng makita ko na, kaagad ko siyang nilapitan at inabot ang hawak ko.

"Voice recorder? Ano naman gagawin ko dito?" Pagtataka niya.

"Maglaro ka ng COC diyan! Jusko! Para saan ba ang voice recorder?" My goooooosssshh! Ang slow naman neto! "Kuda ka ng kuda diyan! Eh kung pindutin mo kaya iyang play button ng hindi ka tanong ng tanong!"

Sinunod niya naman ang sinabi ko. Pero halata pa din sa mukha niya ang pagtataka.

-

KUYA ANTHONY: Maaatim mo ba talagang gaguhin ang pinsan mo para sakanya? Luna wala na kayo. Tanggapin mo na lang iyon. Si Jonas na ang nagpapasaya at mahal ni Dwayne. Itigil mo na ito!

LUNA: No! No! He's mine! Una siyang naging akin! You know that Anthony! Ako ang totoo niyang mahal! Hindi siya papatol sa bakla!Hindi niya ako ipagpapalit sa pinsan kong bakla!

KUYA ANTHONY: Stop this fucking plan! Hindi ikaw ito, hindi ka ganito Luna!

LUNA: Oo hindi nga ako ito! I am not the Luna you know back then. I change a lot because of him. Kaya kahit anong sabihin mo. Hindi ko ititigil ang mga plano ko. Hindi ako titigil hanggang sa bumalik siya sa akin!

KUYA ANTHONY: O sige sabihin na makukuha mo siyang muli. Pero gaano ka kasigurado na babalikan ka niya dahil sa ikaw pa din ang mahal niya at hindi dahil sa naawa lang siya sa iyo! Luna don't be stupid! Hindi ka na niya mahal! Kinalimutan ka na niya!

*Umalingawngaw ang isang malakas na sampal*

LINA: How dare you! Wala kang karapatan na sabihin iyan! Hanggat hindi saknaya nanggaling ang mga salitang iyan hindi ako titigil! Pero ito tatandaan mo. Babalik siya sa akin! Sinisigurado ko iyan!

-

"Sino iyong Luna?" Kunot noo niyang tanong.

"Iyong pinsan ni Jonas na biglang nawala two years ago. Tapos ngayon bumalik at naghahasik na ng lagim!" Sagot ko naman.

"Teka paano mo nairecord ang usapan nila?" Tanong niya.

"Palagi ko kasi silang nakikitang naguusap ng palihim at lagi silang naguusap sa kwarto ni kuya. Narinig ko silang naguusap noon pero wala ako masyadong naintindihan. Kaya naisipan kong magdikit ng voice recorder sa ilalim ng study table ni kuya. At ayan na nga! Iyan ang natuklasan ko. Impakta pala iyang pinsan niya." Paliwanag ko.

"Kaya ayaw mo akong palayuin kay Jonas. Para mabantayan siya?" Sabi niya.

Hay salamat tumama din siya!

"Yeah! Bantayan mo siya kasi wala pa siyang kaalam alam dito. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang. Sinasaksak siya patalikod ng pinsan niyang iyon!"

JONAS's POV

Pagkababa niya ng telepono. Kaagad akong nagbihis at lumabas na ng kwarto.

Naabutan ko si Xander na nanunuod ng movie habang lumalamon ng pop corn.

Hindi ko siya pinansin at derederetso lang ako sa paglalakad at ng malapit na ako sa pinto.

"Oh saan lakad mo?" Lumingon ako sakanya. "Ah magpapahangin lang." Sagot ko at naglakad muli.

"Ang tindi mo namang magpahangin kuya! Kailangan talaga nakabihis at may relos pa? Bakit saan ka ba magpapahangin sa manila bay?" Pang-aasar niya sa akin.

Binalikan ko siya at binatukan. "Iyang pop corn mo na nga lang ang intindihin mo at huwag ako. Pakialamero ka!" Singhal ko sakanya.

"Sabihin mo kasi may date kayo ni Dwayne. Para hindi na kita asarin. Magsisinungaling ka pa eh hindi naman umaayon iyang suot mo! May ganyan bang magpapahangin!" Nakakabwisit talaga tong si Xander!

Hindi ko na siya sinagot pa at tinalikuran na lang. Hindi ako mananalo sakanya. Aabutin pa ako ng siyam-siyam kapag pinatulan ko ang pang-aasar niya.

Pagkalabas ko ng gate namin hindi ko inaasahan ang maaabutan ko. Si Bj.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito. Ang awkward feeling!

"Wala lang. Binibisita lang kita. Kamusta na ba?" Tanong niya.

"Umm.. Ayos lang naman? I-Ikaw?" Hindi ako kumportableng tanungin siya ng ganoon. Kasi alam kong hindi pa siya okay.

"Eto medyo ayos lang. Buhay pa naman." At tumawa siya. Pero halata namang pilit lang iyong tawa niya. "Teka bakit ka nakapang-alis? Saan ka pupunta?"

"Ay ano.... Umm kwan.... A-Ah ma-magpapahangin. Tama magpapahangin!" Sagot ko pero hindi ako nakatingin sakanya.

Napangiti lang siya sa sinagot ko. "Next time magpractice kang mabuti kung magsisinungaling ka lang. Hindi ka talaga kasi marunong magsinungaling eh!" At sumakay na siya sa motor niya.

"Oh bakit ka pa nakatunganga diyan. Angkas na!" Sabi niya sabay hagis ng isang helmet.

"Bakit saan tayo pupunta?" Pagtataka ko.

"Alam ko naman kung saan ka pupuntahan eh. Ihahatid na lang kita. Tara na. Dali!" Nakangiti niyang sambit.

Hindi na ako nagpakyeme pa umangkas na ako.

"Kapit ka ng mabuti. Baka malaglag ka. Sayang iyang ganda mo." Napangiti lang ako sa sinabi niya. Nakakamiss pala itong mokong na ito!

BJ's POV

Napapangiti ako habang nagdadrive. Nakayakap sa akin si Jonas ngayon. Para akong nasa cloud nine. Sana hindi na ito matapos pa.

Sana ako na lang si Dwayne para maranasan ko kung paano magmahal si Jonas. O kaya sana ako na lang ang minahal ni Jonas.

Pero alam kong hanggang pangarap na lang lahat ng "sana" ko. Dahil sila na ng mokong na Dwayne na iyon.

Habang nagmamaneho minsan sinasadya kong bilisan para mapakapit siya sa akin. Nakakatuwa lang kasing isipin na iyong taong inakala kong hindi ko na malalapitan, ay nakayakap sa akin.

Ilang sandali lang nakarating na kame sa isang appartment. Kanino naman kaya ito?

Tumingin ako kay Jonas. "Dito na lang ako. Hintayin kita." Sabi ko.

"Ayaw kitang iwan mag-isa dito. Sasama ka!" Hinila niya ako hanggang sa makapasok kame sa bahay na iyon.

Nang makapasok kame bigla siyang napatigil sa paglalakad. At ng mapatingin ako sa harapan namin, nagulat ako.

May kahalikang babae si Dwayne. At ng makita nila kame biglang humiwalay si Dwayne.

"Pinapunta mo lang ba ako dito. Para makita kayong naglalampungan ha Dwayne?" Nangingilid na ang luha ni Jonas.

Itutuloy...

The Nerdy Intruder [boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now