Chapter 30

3.6K 136 3
                                    


BJ's POV

"Bakit ka nandito?" Tila nagtatakang tanong ni Mitch sakin. Bumalik kasi ako sa pad ni Jonas.

"Dito po kasi nakatira yung boyfriend ko."

"Alam ko! Tinatanong kung bakit ka nandito? Diba may usapan kayo Jonas?"

"Usapan?" Anong pinagsasabi niya?

"Hindi ba nagtxt ka kanina gamit ang ibang number? Sabi mo magkita kayo sa science park malapit sa mall ng 4pm."

Bigla akong kinabahan. Sino yung nagtxt sakanya.

"Wala akong tinext sakanya na ganoon. Iisa na lang ginagamit kong number. Tsaka dead bat ako."

"Eh sino yung nagtxt?"

"Masama ang pakiramdam ko dito. Tawagan mo si Jonas. Pupuntahan ako sa park." Tumakbo ako palabas ng bahay.

Kung sino man ang nagtxt sakanya sigurado akong masama ang balak niya. Masama ang kutob ko.

"Teka Bj sasama ako." Tumango na lamang ako at nagmadaling pumasok sa kotse.

DWAYNE's POV

Hindi ako makapaniwala na umabot sa ganito si Luna. Hindi ko na talaga siya kilala. Sobrang nag-iba na siya. Sarili lamang niya ang iniisip niya.

Binitawan ko si Jonas para sakanya. Sinakatan ko yung taong mahal ko para sakanya. Pero sa huli ganito lamang pala ang kahihinatnan ng mga desisyon ko.

Nagtiwala akong muli sakanya pero isang malaking kasinungalingan lamang pala ang lahat. Pinaikot ikot na naman niya ako! Nagpakatanga na naman ako!

Hindi ko mapigilan ang umiyak. Ang laki kong tao pero iyakin. Putang ina! Hindi ako ganito! Ayoko ng ganito!

"Dwayne?"

Natulala ako ng marinig ko ang boses niya. Tumingala ako at di ako nagkamali siya nga.

"Ikaw yung nagtxt?" Tumango lamang ako.

Hindi siya sumagot at akma akong tatalikuran pero pinigilan ko siya.

"Jonas can you stay? Kahit sandali lang?" Pagmamakaawa ko.

Tinignan niya lang ako sandali at saka umupo sa tabi ko. Tinanggal niya ang suot na cap .

Walang nagsalita sa aming dalawa. Walang ingay. Nakakabinging katahimikan ang namayani. Tila nakamute ang buong paligid.

"Ummm.... sorry kung pinapunta kita dito. Akala mo siguro si Bj yung nagtxt noh?" Nakayuko kong sambit.

"Wag ka ng magpaligoy ligoy pa Dwayne. Bakit mo ako pinapunta dito?"

Tumingin ako sakanya. MAta sa mata. Napakaseryoso ng mga tingin niya.

"Jonas bakit di mo sinabi sakin na may sakit ka?"

"Sinabi ko sayo. Hindi mo—"

"Oo sinabi mong may sakit ka pero hindi mo sinabi na Brain tumor!" Galit kong sabi.

"Alam mo Dwayne. This is nonsense! Wala na tayo so hindi kailangan pagusapan yan. Aalis na ako." Tumayo siya at naglakad palayo sa akin.

"Jonas mahal pa din kita! Hindi yun nagbago." Sigaw ko. Huminto siya kaya nilapitan ko siya.

"I still love you cookies."

JONAS POV

Niyakap niya ako patalikod. Hindi ako makagalaw. Gusto kong dumistansya, yun ang isinisigaw ng isip ko at yun ang tama. Pero ayaw sumunod ng katawan ko.

"Give me one more chance cookies. Please...." Naramdaman kong tumutulo na ang mga luha niya sa balikat ko.

"Jonas please.... Give me one last chance." Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Tinanggal ko ang kamay niya at humarap sakanya.

"Dwayne huli na ang lahat. Kami na ni Bj."

"Hindi mo siya mahal Jonas! Alam kong ako pa din ang mahal mo at panakip butas lamang si Bj. Ginagamit mo lamang siya para mawala yung sakit na idinulot ko sayo."

"Hindi Dwayne. Bago pa kita makilala mahal ko na si Bj. Yun ang totoo. Hindi ako nakuntento nun. Nagbulag bulagan ako at naghanap ng taong magmamahal sa akin. Pero ang totoo nasa tabi ko na pala siya. Salamat sayo at narealize ko na ngayon kung sino talaga ang mahal ko." Sabi ko.

"Hindi yan totoo! Jonas alam kong mahal mo ako. Sinasabi mo lang yan kasi nasaktan kita ng sobra. At para tumigil na ako. Pero Jonas, puso ang sundin mo. Alam kong nandiyan pa din ako sa puso mo. "

"Dwayne hindi tayo buhay kapag hindi tayo nakakaramdam ng sakit. Every pain demands to be felt, ika nga. Tao lang ako, nasasaktan. Pero hindi kita sinisisi sa pananakit sa akin. Dahil sa mas pinili mo si Luna? Wala na yun Dwayne kalimutan mo na. Alam kong ginawa mo lang ang inaakala mong tama. Mabuti at mabait ka kasing tao. Tandaan mo Dwayne naging bahagi ka na ng buhay ko kaya hindi ka na mawawala sa puso ko."

Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mukha ko. Hindi ko na naramdaman na umiiyak na pala ako.

"Dwayne minahal naman kita. Pero sana maintindihan mong mas mahal ko si Bj. At sana maging mabuti ka ng kasintahan kay Luna. Ibigay mo ng buo iyang puso mo sakanya." Magkalapit na ang mukha namin. Ilang dangkal lang ang agwat.

"Wala na ba talagang pagasa?" Umiling ako.

"Mahalin mo ng totoo ang pinsan ko." Sabi ko saka ako dumistansya. Hindi siya sumagot. Isang malalim lang na buntong hininga ang binitawan niya at umupong muli.

"Sa tingin ko hindi na yun mangyayari pa Jonas."

"Bakit?" Pagtataka ko.

"Planado niya itong lahat. Nakipagsabwatan siya sa doctor niya para maisakatuparan ang lahat. Wala siyang sakit Jonas."

"Hindi yan totoo! Nakalbo siya dahil sa cancer." Gulat kong sambit.

"Hindi Jonas. Two years na siyang cancer-free. At hindi siya nakalbo dahil sa cancer. Nagpakalbo siya para mapaniwala tayong lahat." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Pinaniwala niya akong may sakit siya para balikan ko siya. Puro kasinungalingan lahat Jonas."

Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin. Tuloy tuloy pa din ang pagluha niya. Naaawa ako sakanya pero wala akong maisip na dapat gawin para mapatahwn siya.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Ito lang ang naiisip kong paraan para mapatigil siya sa pagiyak. Para maramdaman niyang hindi siya nagiisa. Na may karamay siya.

"Ang sweet niyo naman. Nilalanggam na ako."

Si Luna kasama niya yung doctor niya.

Lumapit ako sakanya at akma siyang sasampalin ng bigla niya akong tutukan ng baril.

"Sige lumapit ka! Papasabugin ko yang utak mo!"

Nanlambot ako ng itutok niya ito sa mukha ko.

"Luna ibaba mo yang baril mo! Pagusapan natin to!" Sigaw ni Dwayne.

"Pagusapan?? Wala tayong dapat pagusapan Dwayne. Ikaw naman bakla ka! Umupo ka dun!" Sigaw niya sakin. Hindi na si Luna na pinsan ko ang kaharap ko ngayon. Tila isa na siya sa kampon ng demonyo.

"Dalian mo Luna! Dumadami na ang tao dito!" Narinig kong bulong ng kasama niya.

Lumapit siya sakin at pinatayo ako.

"Kayong dalawa sumama kayo sa amin. Huwag kayong gagawa ng hindi kaaya aya dahil kung hindi gigripuhan ko tong baklang to!" Sabay tutok ng baril sa tagiliran ko.

Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa isang van.

Itutuloy...

The Nerdy Intruder [boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now