Chapter 7

7.2K 217 1
                                    


JONAS's POV

Ilang araw lang ako namalagi sa hospital. Hindi namn kasi ganoon kagrabe yung nangyari sakin.

Nasugatan lang ng bahagya yung ulo sa pagkakabagsak ko. At napilayan ako ng isang paa. Pero kaya ko namang ilakad. Di naman sya malala.

Ngayon nasa bahay ako nila Mama. Hindi nila ako pinayagang magIsa sa pad ko ng ganito ang kondisyon ko.

"Kuya debut pla ni ate mitch next week. Hindi ka na nyan makakadalo." Pagpapaalala sakin ni xander.

Oo nga no. Nakalimutan kong malapit na pala ang kaarawan nya.

Sana lang makalakad naku ng maayos sa mismong araw ng debut nya. Nakakahiya kung iika-ika ako maglakad.

"Makakapunta naman siguro ako. Sabi naman ng doktor in span of 4days ok na tong paa ko." Paliwanag ko naman.

Hay naku sana nga! Sana ok naku that time.

"Ganoon ba. Eh kuya paano ka nga ba nadisgrasya? Ang sabi lang sakin ni Mama nabangga ka. Ang tanga mo naman kong ganun. Buti na lang at hindi ako mana sayo. " Biro nya sakin.

Baliw talaga tong kapatid kong to. Pero nga alam nila mama yng huong pangyayari. Hindi ko pinaalam sa kanila.

"Ah naatrasan ako ng kotse." Nakayuko kong sagot.

Alam kong sasabihan na naman nya ako ng tanga.

" Ha? Dapat nireport mo sya sa pulis. Gago yun aa. Di marunong. Hindi man lang ba nya nakita na may tao sa likod ng kotse nYa. Gagong yun. Kilala mo ba sya. Riresbakan ko na, Ano?" Eksaherado nyang sabi. Tumayo pa talaga sya.

"Umupo ka nga. Baka masagi mo pa yang paa ko at lalo ko pang ikapilay. Tsaka wag ka ngang ano dyan. Nagkaayos na kami, kasi binayaran nya nman yung bill ko sa hospital. And that was an accident. Hindi nya yun ginusto at lalong hindi ko yn ginusto. Okay? So relax." Sabi ko.

Pero nakakatuwa lang isipin na sobrang protective ng bunso namin . Parang nagiging babae naku sa paningin nila. Kulang na lang tawagin nya kong ate. Hahaha

"Aysus. Kung lalaki yung nakaaksidente sayo di nga ako magtataka pa na pinatawad mo na lang yun basta basta. Kasi kung babae yun..." Sabi nya sabay tingin sakin.

"Ano?" Knot noong tanong ko.

"Kilala kita kuya. Alam kong gegyerahin mo yun at hindi ka titigil kakadada hanggat di nawawala ang inis mo. Eh sa ngayon tahimik ka kaya.....lalaki sya!" Natatawa nyang sambit.

Napangiti lang din ako sa sinabi nya. Kapitid ko nga to. Kilalang kilala nya ko.

XANDER's POV

Napag usapan lang namin kanina ni kuya yung tungkol sa pagkakadisgrasya nya.

Lumabas muna ko sa kwarto nya. Para na din makapagpahinga sya ng maayos at nang sa ganun mabilis syang gumaling.

Pagbaba ko ng sala naabutan ko si Mama na naghahanda ng tanghalian.

"Ma ano lulutuin mo? Pwede namang si manang rose na lang ang magluto a?" Nagtataka lang kasi ako. Madalang lang kung mapadpad si Mama sa kusina. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ko huling natikman ang luto nya.

"Der gusto ko kayo ipagluto ng kuya mo. Alam kong nagtataka ka kasi ngaun lang ulit ako humawak ng sandok. Pero sana wag kayong magtampo kay Mama ha. Alam mo naman ang pinagdaan ko sa Papa mo. Pero ngayon babawi talaga ko sa inyo. Lalo na at nandito ang kuya mo." Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa aking labi. Nakakatuwang isipin na unti unti ng bmabalik sa dati si Mama.

Lumapit ako sa kanya at saka sya niyakap.

"Mama mas mabuti kong araw araw mo kaming ipagluluto. Hindi ko nga maalala kong masarap kang magluto o hindi." Pagbibiro ko.

Hinampas nya ako at nagkatawan kame. Sana magkasama sama kameng lahat. Kahit isang araw lang.

Sana dumating din ang oras na sabay sabay kaming kumain. Namimiss ko na silang lahat.

Si Kuya Aldred, hindi ko na sya nakikita kasi subsob sa kakatrabaho. Sya na kasi ang nagpapatakbo sa companya namin. At hindi ko din nakikita ang asawa nya at mga pamangkin ko sakanya.

Si ate Marie naman nasa Canada. Mas pinili nyang magtrabaho dun para makalayo sa magulo naming pamilya.

At si kuya Jonas naman, ayaw dito sa bahay. Natuturete na daw sya sa palaging away ng mga magulang namin.

"Kringgg. Kringgg. Kringgg."

Napatigil ako sa pagIisip ng kung ano ano ng tumunog ang telepono.

"Hello?" Bungad ko.

"Hello nandyan po ba si Jonas? Wala po kasing tao sa pad nya." Nakikila ko yung boses nya. Si Mitch.

"Si ate mitch ba to?" Paninigurado ko.

"Ay oo. Xander andyan ba sya? Pwede ko sya makausap?"

"Cge. Itratransfer na lng kita sa telepono nya. Sandali lang...."

MITCH's POV

Antagal nman sagutin ni Jonas. Ang kupad talaga ng baklitang ito. Susme!

Ilang ring pa at ayun sinagot na nya.

"Hoy! Bakla ka bakit ka umalis ng pad mo? Kung kailan ko balak pumunta, saka ka umalis?" Bungad ko.

"Sorry naman noh. Uso nman na kasi ang text di mo pa ko tinext. Gaga ka noh?" Panimula nya. At nahalata ko na bagong gising lang sya.

"Kakagising mo lang? Grabe sya! Alas onse na. Ang tindi mo fren." Biro ko.

"Ano kaba nagpapahinga ako dito talos tatawag tawag ka para lang inisin ako. Kailangan ko pang magpagaling hoy!" Sigaw nya. Ambilis nya talagang mainis. Sobrang hot-headed nya!

Pero magpapagaling? May sakit ba bestfren ko?

"Fren bat ka magpapagaling?? May sakit kba??" Ano kayng drama neto.

"Naospital ako three days ago. Sa sobrang katangahan ko naatrasan ako ng isang kotse. Kaya ayun nabagok yung ulo ko ng beri beri layt then napilayan lang naman ako. But dont worry I'm fine."

"Fren sorry akala ko kung anong drama n nman to ee. So hindi ka nakakalakad? Paano yung debut ko. Best isa ka pa naman sa 18 roses ko. Kainis ka tlaga." Pagtatampo ko.

"Diba sabi ko dont worry? Sabi kasi ng doktor, by next week makakalakad na ko ng maayos. So makakapunta ako sa debut." Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Buti naman kung ganoon. Ayy fren masquerade party yun ha. Wear your best suit and prettiest mask. Okay?"

"Copied! Tsaka na tayo magdaldalan pag nagkita na tayo." Pagpapaalam nya.

"Sige... ay wait fren may ipapakilala ako sayo sa party. Pinsan ko. Pogi yun fren. Makakasundo mo sya for sure. Sige bye."

Irereto ko sya sa pinsan ko para malaman ko kung may namamagitan sakanila ni Bj .

......Itutuloy......

The Nerdy Intruder [boyxboy] (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu