Chapter 19

3.8K 149 5
                                    


JONAS's POV

Kunti na lang matutunaw na tong singsing na suot ko. Mula kasi noong ibinigay ni Dwayne ito hindi ko na sya tinantanan.

Halos araw araw ko na syang tinititigan. Nakakatuwa kasi iyong design nya, puro number 8 yung nakapalibot. Ang alam ko infinity ang ibig sabihin nun. At may nakaukit na COOKIES dun sa loob ng singsing.

Diko talaga mapigilang kiligin. Mas malala yung kilig na ito kaysa sa kilig ko kapag umiihi ako. Hahaha

"Kuya nasa baba si Dwayne!" Sigaw ni Xander. Napabalikwas ako at nagmadaling lumabas ng kwarto ko.

Pagbaba ko naabutan ko syang nakaupo sa may sala.

"May lakad ba ulit tayo?" Nakangiti kong bungad. Nasanay na kasi ako na tuwing pupunta sya dito yayayain nya ko kung saan.

"Oo sana eh. Busy ka ba?" NagAalangan nyang sagot. "Nope. Saan ba lakad natin?" Tanong ko.

"Ipapakilala kita sa mga kabarkada ko." Sabi nya saka hinawakan ang kamay ko. Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak sa kamay nya.

Nakarating kame sa isang appartment. At pumasok kame sa loob. May naabutan kameng tatlong lalaki dun.

"Guys si Jonas pala." Pagpapakilala nya sakin. "Jonas sila yung mga kaibigan ko. Si Aries, Raven and Timothy boyfriend ni Raven." Ngumiti lang ako sakanila.

"Finally! Ipinakilala mo na din si 'Cookies' mo." Pangaasar nung Raven. "Jonas may dala ba kayong cookies?" Pahabol pa nya.

"Naku wala eh. Hindi naman kasi sinabi ni Dwayne sakin na gusto nyo pala ng cookies. Next time gawan ko kayo." Napatingin ako kay Dwayne pagkasabi ko nun.

Paano nila nalaman yung cookies?

"Ah Jonas remember nung first meeting natin? Diba kumuha ako ng cookies nun? Natikman nila yun at nagustuhan." Paliwanag nya. "Ah okay." Tipid kong sagot.

Tinignan ko sila. "Dalhan ko kayo bukas." Nakangiti kong sambit.

Lumapit yung Timothy. "Ang sarap nung gawa mong cookies. May gayuma ba yun?" Bulong nya sakin. "Wala no. Bakit mo naman yang naitanong?" Sabi ko.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay bumaling sya kay Dwayne.

"Dwayne hiramin ko muna si cookies mo ha. Magkukwentuhan lang kame." Pagpapaalam nya saka ako dinala sa sulok.

"Alam mo parang kilala kita." Sabi ko pagkaupo ko sa sofa.

"Talaga? Baka naririnig mo ko sa radyo." Nakangiti nyang saad. Sabi ko na nga ba at kilala ko sya eh. Radio dj sya.

"So paano mo napaamo yan? Ang lakas na ng tama sayo eh. Mas malakas kaysa sa ex nya." Sabi neto. Naintriga akong bigla pagkasbi nya ng salitang ex.

"Timothy nakilala mo ba yung ex nya? Hindi kasi sya nagkukwento sakin eh." Bigla kong tanong. Gusto ko lang malaman ang nakaraan nya.

"Actually nung ipakilala ako ni Raven kila Aries at Dwayne. Tapos na yung issue tugkol sa kanila ng ex nya. Madaldal kasi si Raven. Palakwento kaya nalaman kong natraidor pala yang si Dwayne." Sabi nya.

Natraidor? Kaya siguro hindi nya ikinukwento sakin kasi ayaw na nyang maalala yun.

"Pwede mo bang sabihin lahat ng alam mo tungkol sakanya? Mukhang hindi ko magagawang mapakwento si Dwayne tungkol sa nakaraan nya." Tumango lang sya.

"Ang alam ko dalawang taon silang magshota. Luna ang pangalan ng babae."

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Luna? Sana naman hindi yung pinsan ko.

The Nerdy Intruder [boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon