Chapter 12: The Wish

12.4K 579 82
                                    

Chapter 12: The Wish

          Hindi ako mapakali habang nakaupo ako dito sa labas ng Emergency Room katabi ng mga magulang ko at ng Mama at Papa ni Golf.

          Tinanong ko ang mga magulang ko sa mga nangyari sa nakaraan and by this time, they explained everything to me. Lahat ng mga dapat kong malaman.

          Yes. Golf cheated on me. Totoo yung mga eksena na naalala ko. Totoong may nangyari sa kanila ni Shenee. But my parents believe na Golf has been provoked. They both believe na walang kasalanan doon si Golf. Na pinatunayan naman ni Tita Risa.

          She explained that Golf said to her that Sheene planned to get him drunk. Actually there has been drug--ecstasy--sa kung ano mang pinainom kay Golf ni Sheene. At nalaman ko din na matagal na palang may gusto si Shenee kay Golf. Ayaw lang daw sabihin sa akin ni Golf ang bagay na iyon dahil sa ayaw nyang magkasira kami ni Shenee.

          Then next thing is the accident. A few days after I saw him and Shenee naked, kinausap ako ni Golf. Sinubukan nyang ipaliwanag sa akin ang lahat pero hindi ako nakinig. Then the accident happened.

          When I saw Golf bloody body, I set my own memories aside. Mga memories about Golf. I make myself forget some painful events about my past. I undergo some psychiatrical treatment para lang maging successful ang bagay na iyon. People tend to have the power over mind sabi nga nila. That's why I forgot Golf. At nung nakita ko ulit sya dito sa ospital, saka ko lang naalala ang lahat.

          My parents and Golf's parents, try to help me overcome what had happened to Golf. The trauma of seeing him almost dead, shock every nerves on my brain. At ayaw nilang magaya ako kay Golf kaya minabuti nilang ilayo muna ako sa kanya.

          But look what happened. We manage to see each other again.

          Ang isa pa sa ikinakataka ko ay nung ikwento ko sa kanila ang pagpasok ni Golf sa eskwelahan namin...

          "That's imposible hija!" sabi ni Tita. "Hindi na nagising si Golf magmula ng mangyari ang aksidente. Kaya paano mo nasabi yan?"

          Nagtataka din ako tungkol sa bagay na iyon.Golf has been asleep for almost a year and yet nakita ko sya, in person and alive sa school namin.

          May kinalaman ba sila Ceci dito?

          "Sino ang kamag-anak ng pasyente?"

          Sabay-sabay kaming napatayo nang lumabas mula sa E.R. ang doktor na tumingin kay Golf.

          Agad lumapit sila Tito at Tita sa doktor para tanungin ang lagay ni Golf. Sumunod ako sa kanila.

          "I'm sorry to say this but..." mabigat na bumuntong-hininga ang doktor. "Your son did not make it. I'm sorry."

          Maririnig sa buong pasilyo ang iyak ni Tita. She's calling Golf name sa labas ng emergency room. While I...tried to walk away.

          Hindi ko pinansin ang mga magulang ko nang tawagin nila ako.

          I am walking and silently crying.

          Isang malinaw na sagot na ang binigay sa amin ng doktor...

          Golf did not make it. He's dead.

          Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan kong humagugol ng iyak. Then I started to run. Run as fast as I could.

          Golf is dead.

Angel's WishWhere stories live. Discover now