Chapter 8: Familiar Place

7.3K 291 13
                                    

Chapter 8: Familiar Place

          Hindi natapos ang araw na iyon na hindi ako inasar o tinukso ng mga kakilala ko. Kahit nga hindi ko kakilala eh nakikitukso din sa akin. At ang bali-balita pa, kami daw ni Golf ang magiging headline sa school newspaper bukas!

"Nakakainis! Bakit ang bilis kumalat ng tsismis?!" nagdadabog na sabi ko.

"Sus! Para namang hindi ka excited mabasa yung headline ng school paper para bukas!" sabi ni Shenee.

"Oo nga! Wag ngang impokrita Kaya!" sabi naman ni Winter.

"Kung ako yung sinabihan ni Golf ng ganoon? Ipagsisigawan ko talaga sa buong mundo! Aba! Ang swerte mo at in love sa'yo si Golf ano! Kahit na transferee sya, instant celebrity sya agad! Tsk! Iba talaga ang magagandang lahi!" sabi naman ni Evergreen.

"Kaibigan ba talaga kayo?!" asar na sabi ko sa tatlo. "Bakit ba pinipilit nyo pa ang tungkol sa issue na yan? Can't you see na ayaw ko na pag-usapan yan?!"

"Sira!" sabay-sabay na batok sa akin nung tatlo. "Ikaw kaya nagsimula noon!"

"Sino ba yung humawak-hawak sa kamay ni Golf?" sabi ni Winter.

"Sino ba yung nakipag-eye to eye contact kay Golf?" si Evergreen.

 "At sino ba yung nagpayakap kay Golf?" si Shenee.

          "Kami ba huh?! Kami ba?!" sabay-sabay na sabi nung tatlo.

          Wala na akong nagawa nang pagtulungan ako ng tatlo kong "kaibigan". Pati ba naman sila, nakikitukso din sa nangyari kanina?!

          "Ewan! Basta!" sabi ko na lang saka inunahan sila sa paglalakad sa may corridor.

          Naglalakad na ako mag-isa ngayon sa may labas ng school. Hindi na muna ako sasabay sa tatlo. Panigurado kasing aasarin na naman ako ng mga iyon at natitiyak ko na bibigyan din nila ng ibig sabihin yung pagwo-walk out ko ngayon-ngayon lang.

          "I'm dying Kaya..."

          "I'm dying. I don't have enough time left. You might no longer see me."

          Muli na namang bumalik sa isipan ko yung sinabi ni Golf.

          Bakit ba tuwing naaalala ko yun, kinakabahan ako? Na hindi ako kumbinsido na biro nga lang yun?

          Mabigat akong napabuntong-hininga saka napalapit sa may playground sa may malapit na naupo sa isa sa mga swing doon para magpahinga.

          Marahan kong tinulak yung swing. Gusto ko muna makapag-isip-isip. Ang dami kasing nangyari ngayong araw na 'to! Baka mabaliw ako kapag hindi ko naayos yung gulo sa utak ko.

          "Nandito ka na naman! Anong problema?"

          Bigla akong napahinto sa pagsiswing ko nang bigla lang pumasok sa utak ko ang isang malabong alaala na iyon.

          Wala sa loob na napaangat ako ng tingin sa swing.

          "Ang hilig mong magswing kapag stress ka. May bagsak ka ba?"

          Sinusubukan kong aninagin yung mukha ng taong nagsasalita na iyon. Pero hindi ko din nagawa dahil sa malabo yung mukha nya sa isipan ko.

          'Pinaglalaruan na ba ako ng imagination ko?'

          "Iduyan na nga kita!"

Angel's WishWhere stories live. Discover now