Chapter 9: Revelation

6.4K 307 6
                                    

Chapter 9: Revelation

          Dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko. At sa paggising ko, nag-aalalang mukha ng mga magulang ko ang nakita ko.

          "Mabuti naman at nagising ka na Kaya!" sabi ni Mama sabay biglang napayakap sya sa akin.

          "A-Ano pong nangyari?"

          "Nakita ka ng isang pulis sa isang daan anak at hinimatay ka. Mabuti na lamang at nadala ka nya agad dito sa ospital." sagot naman ni Papa na may hawak sa isa kong kamay.

          "Po?" litong sabi ko. "Nasaan po si Golf?"

          "G-Golf?" sabay na sabi ni Mama at Papa at sabay napatingin sila sa isa't-isa. "S-Sinong Golf ang sinasabi mo anak?" tanong ni Mama.

          "Si Golf po. Kaklase ko. Kanina lang magkasama kami."

          Teka. Ano bang nangyari kanina at parang wala yata akong matandaan?

          Ako hinimatay? Paano? At saka imposibleng iwan na lang ako ni Golf ng basta-basta. Nasaan ba sya?

          Ang huling natatandaan ko lang ay nung sinilaw ako ng isang liwanag mula sa mga alaala na bigla na lang pumasok sa utak ko. Hindi ko alam kung parte ba iyon ng nakaraan ko o ano.

          Pero, parang totoong-totoo ang pangyayari na iyon. At ang nakakapagtaka pa...

          Bakit nakita ko si Golf doon?

          "Ma, Pa," agaw pansin ko sa kanila. "May kakilala ba kayong Golf Axus?"

          "H-Huh?" sabay na sabi nila.

          "Golf Axus po." ulit ko.

          Ilang sandaling katahimikan ang pumaibabaw sa pagitan namin ng mga magulang ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kinabahan ang mga itsura nila. Na para bang nakakita sila ng multo ng banggitin ko ang pangalan ni Golf.

          "Wala anak." sabi ni Papa. "Alam mo magphinga ka na. Ang sabi sa amin ng doktor kanina ay over-fatigue ka na daw kaya ka hinimatay kanina."

          'Teka ospital?'

          Ngayong nabanggit na din ni Papa, napansin ko na nasa isang kwarto nga ako sa ospital. May nakakabit pang dextrox sa kamay ko.

          "Anong ospital po 'to?" tanong ko para maiba ang usapan.

          Mukhang may alam kasi sila tungkol kay Golf pero ayaw nilang malaman ko iyon.

          'Ano ba ang tinatago nila sa akin?' sa isip ko.

          "Nasa may St. Joseph Hospital ka anak. Yung ospital na malapit sa lugar kung saan ka nakita."sagot ni Mama. "Pero ang sabi naman ng mga doktor, pwede ka ng umuwi mamaya at doon na lang sa bahay magpagaling kaya magpahinga ka na para makaalis na tayo mamaya."

          Kung tama ang hinala ko, mukhang ang ospital na ito yata yung ospital na pinasukan ko kanina.

          May bigla akong naisip na dahilan para bigla akong mapabangon sa kamang kinahihigaan ko.

          "May titingnan lang po ako sandali."

          "Saan ka pupunta?" gulat na sabi ni Papa saka napatayo na rin para alalayan ako.

          "May bibisitahin lang po ako na kaklase ko..." pagsisinungaling ko. "Dito din po kasi sya nakaconfine."

          Kung ayaw nilang ipaaalam sa akin ang mga bagay na dapat kong malaman, pwes, ako na ang gagawa ng paraan para mahanap ang mga sagot na iyon.

          At alam ko na masasagot iyon ng pasyente na pinag-usapan ng dalawang doktor na nakita ko kanina.

          Kahit anong pigil nila Mama at Papa sa akin na umalis ay hindi ako nagpapigil. Gusto man nila akong samahan sa pagbisita ko sa "kaklase" ko, umayaw ako. At sa huli, napapayag ko din sila na ako na lang ang aalis ng mag-isa.

          Agad kong hinanap ang information desk at nagtanong sa on duty nurse na naroon.

          "May pasyente po ba kayo dito na maraming nakakabit na machine?"

          Oo, alam kong hindi ko sya kilala. Na maaring nakakabobo ang tanong ko na iyon sa nurse pero wala na akong maisip na pagkakakilanlan sa kanya.

          "Yung pasyente sa room 402 ba ang tinutukoy nyo Ma'am?"

          'Room 402...'

          "Opo sya nga po. Salamat po."

          Hindi ko na pinakinggan pa ang susunod na sasabihin sana ng nurse dahil agad-agad na akong tumakbo papunta sa papasarang elevator. Mabuti na lamang at naabutan ko pa iyon bago iyon tuluyang sumara.

          Habang umaakyat ang elevator na iyon, muling lumalakas ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako ng wala sa oras sa tapat ng dibdib ko.

          Huminto na ang elevator sa 4th floor. Nagsimula na rin akong maglakad sa may mahabang hallway ng palapag na iyon at hinanap ang room 402. At sa wakas, nakita ko din sya. Nasa pinakadulo sya ng hallway.

          Tanging yabag ko lang ang maririnig sa tahimik na palapag na iyon pero pakiramdam ko pumapaibabaw din sa paligid ang lakas ng tibok ng puso ko.

          Nasa may tapat na ako ngayon ng pinto. Inabot ko ang seradura ng pinto at akma na iyong bubuksan ng may bigla na lang tumpik sa balikat ko.

          "Miss anong ginagawa mo dito?"

          Nilingon ko ang nagsalita at laking gulat ko nang makita ang isang security guard.

          "Mga VIP lang ang pwede sa palapag na ito. May card ka ba para makapsok?"

          "H-Ho?" mukhang mahuhuli pa yata ako.

          "Kaano-ano ka ng pasyente sa loob?"

          "H-Huh? Eh...kaklase! Tama! Kaklase nya ako! Nandito ako para bisitahin sya!"

          "Ganoon ba?" binitawan na ako ng guard. "Matagal-tagal na din na may huling bumisitang kaklase sa kanya..."

          "Po?"

          "Sige na pumasok ka na." nakangiting sabi sa akin ng guard. "Tiyak na matutuwa si Sir Golf kapag nakita ka nya."

          Teka...tama ba yung narinig kong pangalan?

          "S-Sino nga po ulit yung nasa loob?"

          "Si Sir Golf." sagot nung guard.

          Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko.

          "A-Ano po bang buong pangalan ni Golf?" nauutal na sabi ko.

          "Ah iyon ba?" sandaling nag-isip yung guard. "Kung tama ang pagkakatanda ko, Axus yata ang epelyido nila. Tama! Si Sir Golf Axus nga!"

          Para akong binagsakan ng napakabigat na bagay sa narinig ko.

          Muli akong humarap sa may pinto at dahan-daha iyong binuksan.

          At sa pagbukas ko ng pinto...

          Nakita ko sya. Nakahiga sa gitna ng kama na may mga tubong nakakabit sa parte ng katawan nya.

          "G-Golf..."

Angel's WishWhere stories live. Discover now