Chapter 10:The Past

6.8K 314 11
                                    

A/N: Para po hindi kayo mailto, lahat ng naka-italized ay mga events sa past ni Kaya o yung mga bagay na naiisip nya. Okay? Happy reading! 2 chapters to go! ^________^

Chapter 10:The Past

          "G-Golf..." mahinang sabi ko sabay dahan-dahang lumapit sa nakaratay na lalaki.

          Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak habang naglalakad ako papalapit sa kanya. Kahit anong pahid pa ang ginagawa ko sa mga luha na bumabagsak sa mata ko, wala rin namang nangyayari. Patuloy pa rin ang mga iyon sa pagbagsak.

          Napakapayapa ng itsura nya kahit na nakapikit sya. Na para bang hindi nya iniintindi yung mga aparato na nakakabit sa katawan nya.

          "A-Anong..." hindi ko matapos ang gusto kong sabihin dahil bumabara lamang iyon sa lalamunan ko.

          Gusto kong humagulgol ng iyak ngayon. Iyakan ang nangyari sa kanya.

          Ilang oras ba ako nawalan ng malay at bakit ganito na ang nangyari sa kanya?

          "May bisita po si Sir Golf Ma'am. Kaklase daw po nya." rinig kong sabi ng guard at saka ko narinig ang papalapit na yabag ng kung sino papunta sa direksyon namin ni Golf.

          Dahan-dahan akong lumingon upang makita ko kung sino yung kinausap ng guard.

          Nakita ko ang gulat sa mata ng matandang babae na iyon at saka ito napatakip sa bibig nito at dahan-dahang naluha.

          "K-Kaya. Ikaw nga ba yan hija?"

          Nalilito ako tawag ng babae na iyon sa akin. Bakit nya ako kilala? Hindi naman pamilyar ang mukha nya sa akin.

          Pero sa halip na magtanong ako sa kanya, marahan na lamang akong ngumiti bilang sagot. Pakiramdam ko kasi iyon ang tamang gawin.

          "Ako nga po T-Tita..." sabi ko. "Pasensya na po sa biglaang pagbisita. Namiss ko lang po kasi si Golf."

          Alam kong kasinungalingan ang mga pinagsasabi ko pero sa tingin ko ito ang tama...ang magsinungaling sa harap nya.

          Nagulat ako nang bigla na lang akong yakapin ng babae ng mahigpit.

          "Ang tagal-tagal ka na nyang hinihintay Kaya. Ang tagal-tagal na!" naiiyak na sabi ng babae habang yakap-yakap ako. "Masayang-masaya siguro ngayon si Golf ngayong nandito ka na!"

          Hindi ko alam pero napaiyak na lang din ako. Ewan ko ba. Parang pamilyar sa akin yung init na nagmumula sa katawan ng Mama ni Golf. Na para bang madalas nyang gawin sa akin 'to. Na madalas nya akong yakapin tuwing magkikita kami.

          "Ikaw lang ang hinihintay ng anak ko Kaya. Ikaw lang. At alam kong gagaling na sya ngayong nandito ka na."

          Matapos akong bitawan ng Mama ni Golf, napatingin naman ako sa direksyon nito. Wala sa loob na kinuha ko ang kamay nya at mahigpit iyong hinawakan. Ang lamig din ng kamay nya ngayon...kasing lamig ng una ko syang makilala.

          "Nandito na ko Golf..." mahinang bulong ko sa kanya saka ako muling naiyak. "I-I'm...I'm sorry...S-Sorry Golf...."

***

          Sandali akong nagpaalam kay Tita Risa--ang Mama ni Golf--at sinabing bababain ko lang ang mga magulang ko.

          Magulo pa rin sa akin ang lahat. Pero kahit papaano, medyo nabibigyan na rin ng kasagutan ang ilan sa mga tanong sa utak ko. At may isang bagay na ako na nasisiguro...

Angel's WishWhere stories live. Discover now