Chapter 4: Guardian Angel

7.9K 324 10
                                    

Chapter 4: Guardian Angel

          Ilang beses ko ding tiningnan-tingnan yung babae at tama nga yung hula ko...sa akin nga sya nakatingin.

          "Sandali lang ah?" sabi ko sabay tayo.

          "Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ni Winter.

          "May titingnan lang ako sa labas..." sabi ko saka dere-derecho sa may pinto.

          I saw the girl still smiling at me habang papatawid ako sa kabilang kalsada. At nung malapit na ako sa kanya, saka naman naglakad palayo yung babae.

          "Hoy! Sandali lang!" sabi ko saka binilisan yung paglalakad.

          Yung babae naman ay nilingon ako at muling ngumiti saka nagtatalon habang nakikipagsabayan sa paglalakad sa mga tao doon.

          'Anong problema nya?' sa isip ko. "Miss sandali!" tawag ko sa kanya.

          I was about to reach her shoulders ng may bigla na lang humawak sa balikat ko. At sa paglingon ko, I saw Golf's worried face.

          "Ayos ka lang?" sabi nya saka tiningnan yung daang tinatahak ko. "Sinong kinakausap mo?"

          Nung muli kong ibalik yung paningin ko sa harapan, wala na yung babaeng nakaputi.

          "W-Wala..." sabi ko na lang saka buling hinarap si Golf. "Bakit mo ba ako sinundan?"

          "Ang sabi nila Shenee umuwi na daw kayo. They were planning to follow you here kaya lang nagpresinta ako na ako na lang ang tatawag sa'yo." paliwanag nya. "Let's go! Hinihintay ka na nila."

          Sinabayan ko si Golf sa paglalakad. Muli kong nilingon yung pinanggalingan ko at nakita ko ulit sya. Yung babaeng hinahabol ko kanina.

          Nasa may kabilang side na sya ng pedestrial lane and now she's waving at me.

          'Sino ka ba huh?'

***

          "Huh?! May hinahabol kang babae kanina?!" sabay-sabay na sabi nila Shenee, Evergreen at Winter.

          "Bakit mo sya hinahabol?" tanong ni Winter.

          "Ewan ko nga din eh! Parang sinasabihan ako ng babaeng iyon na sundan ko daw sya...kung saan man nya ako balak dalhin."

          "Hala! Baka budol-budol yun!" sabi naman ni Eve. "Baka naman hinipnotize ka ng babaeng yun pagkatapos kikidnapin ka at hihingi sya ng ransom sa mga magulang mo!"

          "Sira!" sabi ko kay Eve. "Anong budol-budol ka dyan! Ang ganda kaya nung babae na yun! Paano sya magiging budol-budol?"

          "Ay sorry naman huh? May nasabi ka bang maganda yung hinahabol mo?" pagtataray na sagot ni Eve. "Kailan ka ba naging tomboy Kaya?"

          Naglalakad na kami pauwi. Sya nga pala, nagkahiwalay na kami ng landas ni Golf. Sa unahang kanto kasi yung subdivision na tinitirahan nya. While yung sa aming apat, sa iisang lugar lang kami nakatira kaya ito, sabay-sabay kaming naglalakad pauwi at naikwento ko sa kanila yung tungkol sa babaeng nakita ko kanina sa may kabilang kalye sa tapat ng coffeshop.

          "Baka naman tamang hula ka lang Kaya." sagot naman ni Shenee.

          "Siguro nga..." sabi ko na lang saka mabigat na napabuntong-hininga.

Angel's WishOn viuen les histories. Descobreix ara