Chapter 11: Golf

7.6K 310 18
                                    

Chapter 11: Golf

          It's clear to me now.

          Golf got hit by that car while I...survive the accident.

          It was supposed to be me. But Golf saved me. He exchange his life for me. He protected me.

          Muli akong napalingon sa direksyon ng kwarto ni Golf.

          Golf is now his room in this hospital, suffering from that accident. All this time, kasama ko lang sya, but now...he's there...half dead.

          "Kaya..."

          Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Then I saw my guardian angel Ceci standing before me.

          "C-Ceci..." I can't even hear my own voice.

          Matipid ang ngiti nya nang lumapit sa akin saka nya ako tinulungang tumayo.

          "C-Ceci...si Golf...iligtas mo si Golf!" I sound desperate.

          Marahang iling lang ang isinagot nya sa akin saka lumungkot ang mukha nya.

          "Pasensya na Kaya. Hindi ko sya matutulu--"

          Malakas ko syang tinulak palayo sa akin. Kahit na pakiramdam ko ay naubos na ang lakas ko, nagawa ko pang lumayo sa kanya.

          "Ang sabi mo guardian angel ka di ba? Na angel ka?! Bakit hindi mo kayang tulungan si Golf huh?! Tulungan mo sya!"

          I can see tears falling from her eyes. Pero kahit ganoon, may inabot syang isang pamilyar sa akin. Ang angel's feather.

          "Ito lang ang kaya kong maitulong sa'yo Kaya..." sabi nya saka kinuha ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang feather. "Hilingin mong buhayin si Golf..."

          Napatingin ako sa hawak ko. At maya-maya pa ay galit ko iyong hinagis sa may sahig.

          "Sa tingin mo ba mabubuhay ng bagay na yan si Golf huh?!" malakas na sabi ko sa kanya saka sya hinawakan sa magkabilang braso. "Hindi ko kailangan ng isang kalokohan dito! Ang kailangan ko, mapagaling mo si Golf!"

          Iyak lang sya ng iyak habang niyuyugyog ko sya.

          "Alalahanin mo ang pinaka-importanteng bagay na nakalimutan mo Kaya. At iyon ang magliligtas kay Golf..."

          Marami pa sana akong gustong sabihin sa kanya kaya lang unti-unti syang naglalaho sa harapan ko na parang isang usok.

          "Alalahanin mo kung ano ang tunay na sinisimbolo ng angel's feather Kaya...alalahanin mo..."

          At tuluyan na syang nawala sa harapan ko.

          Wala sa loob na napaupo na lang ako sa sahig na parang isang natutunaw na kandila.

          Gusto kong umiyak o di kaya tumalon mula sa pinaka-mataas na building para matapos na ang lahat ng problema ko.

          I want to end my life in exchange for Golf's life.

          Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla na lang liparin sa harapan ko yung angel's feather.

          Sa nanlalabo kong paningin dahil na rin sa mga luhang tumatakip sa mata ko, kinuha ko ang puting balahibo na iyon.

Angel's WishWhere stories live. Discover now