Chapter 1: Legend

16.7K 461 50
                                    

A/N: Alam ko ang iba sa inyo ay nabasa na 'to since na-ipost ko na 'to sa wattpad dati. Pero this time, tatapusin ko na sya (hopefully). Kaya sana suportahan nyo 'to okay? Love love! Leave comments! Vote na din kayo kung trip nyo! ^_________^

♠♠♠

Chapter 1: Legend

          Angel's Wish. Iyan ang isa sa pinakasikat na blog site sa mobile phone ngayon. Sa site na 'to, makakakita ka ng iba't-ibang charms and ways para magkaroon ng magandang love life, to wish for your own happy ending.

          Ang sabi pa nila, ang Angel's Wish daw ay totoo. Madami na daw na nagkatuluyan dahil sa site na ito.

          And as for me? I don't believe in any of that. I do believe that angel exist though. But the angel's wish? No.

          "Kaya look! May bagong entry ang Angel's Wish!" tawag sa akin ng isa sa mga best friends ko na si Shenee. "Basahin mo 'to dali!"

          Bagot akong tumayo sa upuan ko sa dulo ng klase at lumapit doon sa table ni Shenee. At saka nya ipinuwesto sa tapat ng mukha ko ang cell phone nya.    

*****************************************************************************

          Angel's Wish Entry 3,178. The Angel Feather.

          It was believe in Ancient times that when you found an angel feather, you will be granted to resurrect someone who is very dear to you to come to life. It can be your friend, family, relatives, lover or someone very important. As I have gathered information about this country's legend, I found out that angels do exist especially to those who suffer from great pain of losing someone they love and the angel will give that person a feather to grant him/her a wish to be with that person again. I searched and searched thoroughly and I met one girl who happens to saw an angel feather and she proves to me that the legend were all true. And that her childhood best friend who died several years ago is now alive and become her husband!

          It's up to you whether you believe me or not. But I do hope that everyone of us will found their own angel's feathers.

          If you will be given a chance to see one, what will you wish for? Who you'll resurrect? Will you grab this once in a life time opportunity?

*****************************************************************************

          "Cool di ba?!" masayang sabi sa akin ni Shenee matapos kong ma-iabot pabalik sa kanya yung cellphone nya. "I want to saw an angel feather too!"

          "C'mon Shenee! Nagpapaniwala ka dyan? Imposibleng magkatotoo yan ano!"

          "Ang KJ mo talaga kahit kailan Kaya!" sabi nya saka irap sa akin. "But is it romantic? To be with someone you love the most na namatay na? Di ba parang ang feather na iyon becomes the key to second chance?"

          "Either way, para sa akin kalokohan lang ang bagay na iyan." sabi ko saka bumalik sa upuan ko. "Sino ba nagpauso nyan?"

          "Pero it is a legend Kaya! Legend!" sabi ni Shenee na sumunod pala sa akin saka umupo sa harapan ng mesa ko at hinampas iyon. "Hindi ka ba naniniwala sa legend?"

          "Hindi. Kaya nga legend di ba? Meaning hindi totoo."

          "Haist ewan!" sabi nya saka ginalaw yung phone nya. "Tingnan mo! Ang dami agad nagcomment sa kanya! Makapagcomment nga din!"

          I'm glad that Shenee got herself busy doon sa pagbablog nya.

          I stared outside the window next to me at napatingin sa may asul na langit.

          If angels truly exist, pwes, wag silang magpapakita sa akin. Ayoko pang mamatay.

          Angel's feather. Tsk! Kalokohan! Nasobrahan lang sa fairytale yung may-ari ng blog site na yun! Mga hopeless romantic nga naman!

          [bell rings]

          Sabay bukas ng pinto ng classroom namin at nagsibalikan na yung mga classmates ko sa kani-kanilang upuan. Magsisimula na ang first subject namin sa araw na ito. Mythology. Ang pinakapaboritong subject ng lahat...except from me.

          By the way, I haven't introduced myself. I am Kaya Mnemosyne. 16 years old. 4th year high school student. And I don't believe in myths and fairy tales kahit na Mnemosyne pa ang epelyido ko. Some people find it romantic dahil sabi nila, baka daw nung past life ko naging asawa ko talaga si Zeus at ang parents ko naman ay sila Gaia at Poseidon. Tsk! Whatever! Nasobrahan ang mga classmates ko sa pag-aaral sa mythology.

          "Class bago nga pala tayo magsimula sa lesson natin, may ipapakilala pala ako sa inyo na new student."

          Huh?! New student? Sa kalagitnaan ng October?! Okay lang ba sila? Tumatanggap pala ang school ng super late enrollees?

          "Pwede ka ng pumasok Mister..." sabi ng teacher namin na si Ma'am Lim at saka ngumiti sa may direksyon ng pintuan.

          Napatingin kaming lahat sa may pintuan upang tingnan ang bago naming classmate at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko sya.

          He looks like a Prince. Blonde ang buhok nya tapos yung aura nya medyo mysterious but then his eyes are too expressive. I mean nag-iisparkle yung mata nya for some unknown reason.

          "Can you kindly introduce yourself to us?" sabi ni Ma'am.

          Tumango naman ung bago naming classmate sa teacher namin at saka sya humarap sa buong klase.

          "I'm Golf Axus. I just came from Canada. 17 years old. That's all." cool na sabi nya saka yumuko sa aming lahat.

          'So foreigner pala sya kaya pala ganoon yung buhok nya?' sa isip ko.

          "You can now sit besides Ms. Mnemosyne." sabi ni Ma'am sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

          Hindi maalis yung tingin ko sa kanya habang palapit sya ng palapit sa direksyon ko at ganoon din sya. Nakatingin lang sya sa mukha ko.

          Then, nung makaupo na sya, humarap sya sa akin at nginitian saka abot ng kamay nya sa akin.

          "Hi! I'm Golf! Hope we get along, Ms. Memories."

          Nakatanga lang ako sa kanya ng ilang sandali saka inabot yung kamay nya nung matauhan ako.

          Is he one of mythology freaks too? He knows what my surname means.

          "Welcome sa Class 4-B." sabi ko na lang saka nakipag-hand shake sa kanya.

          He's looking at me intently na para bang may nakita syang magandang specimen sa mukha ko. Di ko alam kung bakit pero nung nahawakan ko yung kamay nya sobrang lamig ng mga iyon.

          Sabagay, galing syang Canda. Malamig doon. Kaya baka nadala nya yung lamig ng Canada dito sa Pilipinas.

          Matapos nyang bitawan yung kamay ko, ngumiti ulit sya sa akin saka humarap sa may direksyon ni Ma'am Lim at nagsimula na syang makinig sa klase namin.

          Ang lesson namin ngayon ay about Trojan War. How Paris messed and ignites the war because of his dumb judgment.

          Pero hindi nagsisink in sa utak ko yung tiunuturo ni Ma'am sa amin. Sa halip, napapatingin na lang ako sa katabi kong si Golf Axus.

          Ano bang meron sa kanya at parang minamagnet nya akong tumingin sa direksyon nya?

          Somehow I feel a certain nostalgia sa presensya nya. Hindi ko alam kung bakit at paano pero kung ano man iyon, isinantabi ko na lang. 

♠♠♠

Angel's WishWhere stories live. Discover now